CHAPTER ONE

29 4 3
                                    

01: A Mischief in Disguise


Zoe


"NAKAKAPAGOD, GRABE! Natapos na lahat-lahat hindi pa rin naaayos yung lintek na aircon na 'yan," hingal na hingal na pagkakasabi ni Nyssa na may halong gigil habang ginagawang pamaypay ang papel na naglalaman ng resulta ng eleksyon at pasalampak na umupo sa bakanteng upuan nang makarating na kami sa cafeteria.


"Ano, nagbabayad tayo nang maayos tapos tayo 'tong nagdudusa? Siraulo 'ata sila eh. Sobrang init pa ng lintek na uniform na 'to. Litseng inconvenience, halos mag-iisang buwan na ah?" dugtong ni Nyssa staka hinubad ang suot na blazer.


Bukod sa mala impyernong ihip ng hangin sa loob ng auditorium, sobrang layo rin kasi nito sa cafeteria at tirik na tirik pa ang araw sa labas. Ngayon lang natapos ang assembly para sa deklarasyon ng mga opisyal na nanalo sa eleksyon ng bagong Student Council nitong panibagong school year kaya ngayon lang kami pinayagan makalabas ng auditorium. Mabuti at nakapagtimpi ako ng inis at galit sa kapwa kandidato na nang-aasar na halos nagmumukha na akong bulok na kamatis sa pikon nang makalabas na kami.


"'Yon na 'yung speech ni Dalia? Napaka feeling talaga n'on, wala namang kwenta pinagsasabi niya kanina," nadidismayang komento ni Priya habang umiirap ang kanyang mga mata sa pagka-iritable. Mainit talaga dugo niya kay Dalia, kaya kung ano-ano rin ang pinagsasasabi tungkol sa kanya. I mean, who wouldn't? Parang ang sarap niyang hambalusin ng monobloc chair kanina sa ibabaw ng stage habang nagde-deliver siya ng kanyang speech sa lectern.


Dumapo ang tingin ko kay Nyssa ng bigla siyang nakapagpigil ng tawa. "Ang ipinagtataka ko lang, bakit siya yung e-nanounce na nanalo? Eh, mas alam naman nating lahat kung sino ang karapat-dapat sa posisyon na 'yon and almost half of the student population here ay in favor sa side ng kaibigan natin," aniya ni Nyssa habang ang isang paa ay nakapatong na sa katapat na upuan.


I sighed softly upon hearing what she said. "Just leave her be. If majority of the students here thinks na mas deserving siya maging Vice President kaysa sa 'kin then, we should let it be that way. 'Wag na tayong kumontra pa," sarkastikong napatikhim ako nang mahinang tawa pagkatapos kong sabihin 'yon. I don't give a shit. What pisses me off ay kung paano niya ako tinignan kanina sa aroganteng paraan na para bang pinapamukha niya na talunan ako.


Napaka-isip bata. Jusko.


"Hindi niya talaga deserve. If I may know, dinaya niya yung election," bakas ang inis sa tono ng pananalita ni Priya. "Bakit, Zoe? Hindi ka ba nagtataka kung bakit at paano naging ganoon yung lumabas na results? Na isang vote lang yung nilamang niya? I know there's something fishy going on. It's unbelievable na hindi ka nanalo," dagdag ni Priya.


"Mm, totoo 'yan!" komento ni Nyssa habang ngumunguya pa ng chichirya.


I chuckled, "Hayaan niyo na, kung totoo man, makakarma iyon," simpleng responde ko nang nakangiti. It doesn't really matter to me if I won this year's election or not. Hindi naman ako nadismaya nang makita ko ang total votes sa eleksyon sa halip ay mas lalo akong nakampante.

To you, My EscapadeWhere stories live. Discover now