02: A Dwarf or Snow White?
Zoe
"DUWENDE, ano na? bilisan mo na!"
Inilibot ko ang paningin sa paligid. Everybody's watching while some of them are murmuring. They are all looking forward sa susunod na mangyayari and while all I did was stand there, doing nothing. "Bitawan mo 'ko, Taozi!" malakas na pag sigaw ni Dalia habang pinipilit pa rin na makawala sa bisig ni Denver na para bang pusa na nakalabas ang matatalim na mga kuko at handa nang atakihin ang lalaki sa oras na makawala ito. Bakas sa kanyang mukha ang pamumula ng noo at pisnge dulot ng sobrang pagbuhos ng lakas niya.
"Ano, Zoe?! Hindi ka lalaban?" she retorted, halatang iniinis ako. "Palibhasa, parehas lang kayo ng kaibigan mong magaling lang kapag bunganga ang ginagamit," dugtong niya. Eh, punyemas sa aming tatlo dito siya yung bobong rumebat.
"Alam mo ikaw, punong-puno na ako sayo ah," naiiritang wika ni Priya at tinangkang lapitan si Dalia upang sikmuraan sana ito ngunit, kaagad ko siyang pinigilan. "Stop it, Priya." mahinahong tugon ko bago binalik ang tingin sa kay Dalia. "I will never stoop down to your level, Dalia, na sa sobrang baba ay pwede nang tapak-tapakan."
She scoffed. "Oh, really? Or maybe, you're just a coward."
Hindi ko mapigilan ang pag arko ng kilay ko. Kaagad akong humakbang papalapit at bahagyang dumungaw na halos magkakalapit na ang aming ulo. "What's with that stupid comprehension, Alvarez? Putang ina, maawa ka naman sa 'min at huwag kang maghasik ng kabobohan dito. Sarilihin mo na lang kaya?" pabulong kong sabi sa madiin at seryosong tono. It's the only way to make her shut up and besides, I have no other alternatives na maiisip kundi ang barahin siya. I'm not usually this harsh with the vulgar words I spat but seems like today is an exception. I often hear this phrase na kapag binato ka raw ng bato, batuhin mo ng tinapay. Eh, ayoko nga?
Wala siyang may ma imik sa mga huling sinabi ko. Sa halip ay matatalim na ang tingin na iginawad sa 'kin na hindi ko naman basta-bastang inurungan. "Papalampasin ko muna 'to, Dalia. Ayaw ko naman mapahiya ka even though you already made yourself look like a fool at pinalala mo lang. As much as I hate to deal with you, ako na lang muna yung magpapakumbaba, ulit," I paused and grinned in a mocking demeanor bago dugtungan ang sinabi.
"Kami na lang yung mag-aadjust para naman mahimbing yung tulog mo mamayang gabi. Nakakahiya kasi eh, kakapanalo mo pa naman," sarkastikong komento ko habang pinagmamasdan ang kawawang pagmumukha niya, "I hope this will be the last time, Dalia. I don't know what do to with you anymore once na mauulit pa 'to. Ako na yung nahihiya sa mga katangahan mo."
"Students, what's the commotion here? Hindi niyo ba narinig ang tunog ng bell?"
YOU ARE READING
To you, My Escapade
RomanceOne of the most complex things on earth is love. Love can also be as unpredictable as the tide, with emotions constantly shifting and changing. Zoella, who is a seemingly perfect girl but always gets herself dragged into trouble no matter where she...