Chapter 7

50 1 2
                                    

Nicole’s POV

Dito na ako sa mansyon ng mga Lee natulog dahil syempre, katulong nga nila diba? At tsaka nga pala, ung resume ko eh totoo yun, totoo na marunong ako ng lahat ng gawaing-bahay kaya pwedeng-pwede ako maging asawa ng isang tamad na si Vincent :D

Nakatulog na ako sa kakaisip kung kumusta na si Vince, nagising na lang ako dahil sa isang alarm sa loob ng kwarto ng mga katulong. Malinis ito kahit sabihin mong kwarto ito ng mga katulong, lima ang kama sa loob at maluwang ito. May sari-sarili rin kaming mga cabinet. Talagang maayos ang pamamahala dito sa mansyon na ito.

5 am pa lang eh gising na pala ang mga katulong dito. Nagsimula na akong maligo pagtapos ng unang katulong na may katandaan na rin, si Aling Fany, narinig ko lang yung pangalan niya kagabi habang nag-uusap usap sila, chika chika ata muna sila bago matulog eh. Matagal akong maligo, halos umaabot ng isang oras at kalahati dahil pagdating talaga sa hygiene eh pihikan ako pero dahil maraming nakapila na maliligo at bilang katulong eh susubukan kong bilisang maligo.

“Sa tingin ko matagal maligo yang batang iyan.” Deklara ni Aling Fany na naririnig ko sa loob ng banyo.

“Oo nga Ate Fany.” Sabi ng isang ewan ko kung sinong katulong.

At dahil dun, kahit kakasimula ko pa lang magbuhos ng katawan ay bigla na akong nag-shampoo at nag-sabon at yun, nagbanlaw. May iba pa kasi akong ginagawa maliban sa normal na paglilinis ng katawan kaya ako tumatagal pero dahil sa usapan na yun, wala pang five minutes tapos na ako. Ang galing diba? Nagtaka rin ako doon eh.

“Pasensya na po kung matagal.” Nag-bow ako at umupo sa kama ko upang ayusin ang mga nahubad kong damit.

“Oo nga pala Ineng. Ako si Stephania Salvador, tawagin mo na lang Aling Fany. Yung kakapasok lang sa banyo ay si Louisa, apo ko iyun. Ito naman si Marta.” Pagpapaliwanag ng matanda. Bakit kaya bigla itong umamo? Samantalang kanina lang habang nasa banyo ako eh kung anu-ano ang pinagsasabi.

“Ako po si Nicole.” Tugon ko naman at nag-bow.

Pagtapos maligo ni Louisa eh nagsimula na kami sa aming mga gagawin. Ako ang pinagluto ng Mayordoma, siguro dahil para malaman kung ano ang kaya kong gawin.

“Alam mo na ba kung ano ang iluluto mo?” Medyo may pagtataray ng Mayordoma sa akin. Ngumiti ako na kunyari ay hindi naapektuhan sa pagtataray noon pero talagang gusto kong sabunutan ‘to.

“Opo, porksilog. Porkchop, sinangag and sunny side up egg with potato mushroom and one glass of non-fat milk. Ano pa po? May nakalimutan ka ba?” Nagulat ang Mayordoma. Hindi niya ata aakalain na alam ko ang breakfast ni Vince for Thursday. Hahaha! Actually, maraming in-explain sakin si Madam Kristina (name ng mother ni Vince) ang lahat-lahat dahil ayaw daw ni Vince ang nagkakamali especially sa mga pagkain.

“O sige, huwag puro pasikat. Magluto ka na!” Sagot nito. Aba! Ang galing nito. Eh kung buhusan ko kaya to ng mainit na mantika? Pasikat daw! Hah!

Pagtapos ko magluto eh may babaeng pumasok sa loob ng kitchen at pumunta sa may refrigerator, mukhang hindi siya isa sa mga katulong at naka-pajama pa ito.

“Dalhin mo yan sa taas, sa kwarto niya, ayaw bumaba ni kuya Vincent. Pilitin mo siyang kumain.” Bigla itong nagsalita habang kumukuha ng tubig. Wala namang ibang tao sa kitchen noon dahil yung ibang maid eh nagse-serve.

“Ngayon na at iinom ng gamot si kuya…” Utos nito pagkatapos uminom ng tubig at umalis. Bigla akong kinabahan. For the second time, makikita ko na naman ng personal at malapitan si Vince. Excited, nervous and happiness ang nararamdaman ko. Gusto ko ng makita kung ano ang kalagayan niya. Dali-dali kong nilagay ang mga niluto kong aalmusalin niya sa isang tray at dahan-dahang naglakad papunta sa taas at sa kwarto nito. Hindi ko nakikita ang ibang katulong pero alam kong nakatingin ito sa akin. Bakit ganoon? Parang masaya sila? Di ko alam naku bahala na.

Eto na, nasa labas na ako ng pinto ng kwarto ni Vince.

“Sir Vince…” Magalang kong sabi.

“Pasok…” Sigaw nito mula sa loob ng kwarto at pinihit ko ang door knob, tinulak ko papasok ang pinto at ang glass window ang sumambulat sa akin. Sky blue ang color ng pintura as usual, favorite color kaya ni Vince yun. Blue ang mga kurtina, maski ang tiles eh blue din. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto at lumapit ako. Ang likod niya lamang ang nakikita ko. At nakaharap siya sa may bintana. Nakasuot siya ng sando na puti at loose pants. Ang hot niya kaya, yung muscles nya oh! At tsaka kasing puti ng perlas ang kulay niya.

“Sir Vince, kain na po kayo.” Mahinahon kong sabi. Inilapag ko ang tray sa malapit na mesa sa tabi ng kama.

“Iwan mo na dyan. Mamaya na ako kakain.” Medyo may iritable sa tono ng boses nito.

“Sir, kailangan niyo pong kumain dahil iinom po kayong gamot.” Pakiusap ko na lalo pa atang nagpainis sakaniya.

“Lumabas ka na. hindi ako kakain.” Sigaw nito na rinig na rinig ata sa buong mansyon dahil sa sobrang lakas. Humarap siya at naglakad papalapit kung nasaan ako. May hawak siyang stick na parang umaalalay sa kanya sa paglakad. Tsaka ko lang na-realize, totoo ang sabi-sabi nila. Nabulag si Vince. May mga luha na tumulo sa aking mga mata.

“Kumain po kayo! Hindi ako lalabas dito hangga’t hindi kayo kumakain.” Nanginginig ang boses ko dahil sa pagluha.

“Eh di mangisay ka jan kakahintay. Hindi ako kakain!” Lumapit siya sa akin. Galit na galit ang boses nito. Buti na lamang at hindi niya ako nakikita na lumuluha. Naluluha ako sa kalagayan niya.

“Mangisay na kung mangisay… basta hindi ako aalis hangga’t hindi ka kumakain sir!” Tumaas ng kaunti ang tono ng boses ko na kinagalit niya at nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Tinulak niya ako at napaupo ako sa sahig.

“Get the fuck out of here! Ayoko ngang kumain. Katulong ka lang kaya wala kang karapatan para diktahan ako sa mga gagawin ko!” Galit na galit na sigaw nito.

“Kahit pagtulakan mo ako… hindi ako lalabas, kahit paluin mo pa ako ng stick na yan, hindi ako lalabas… at kung hindi ka kakain… hindi rin ako kakain!” Pinagmamatigasan ko pa rin ang sarili ko. Ginulo niya ang buhok niya sa sobrang pagkairita at papaluin na sana ako ng stick na hawak niya ng biglang bumukas ang pinto at dumating ang mama niya.

End of Nicole’s POV

Share the WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon