Prologue

1 0 0
                                    

"Matulog kana nak! Kanina ka pa selpon nang selpon! Kaya ka nilalagnat dahil diyan e!" Yan nanaman si mama nag rarap na naman, gabing gabi ang ingay-ingay parang nag cocompose ng bagong kanta. Para manahimik na ang donya pumasok na ako sa aking kwarto at dun nalang nag cellphone.

Ikov: Krinya niyo parang tanga! Lahat nalang ng kakilala niya gusto niya😆

Yan naman si Ikov mukhang itlog. Grabe naman siya makasabi, char char lang naman e!

Nireact ko nalang ng 'haha' yung message niya, kawawa naman kung walang tatawa mukha lang siyang tanga dun. Magrereply na sana ako nang makita ko sa ibabaw na di na pala ako naka connect sa WiFi namin.

Hayst lupit talaga ni mama, in-off ba naman yung WiFi! Wala naman akong ibang gawin kaya matutulog nalang ako.

——————————

"Umagang-umaga Krin! selpon na naman!" Panibagong araw panibagong sermon. Sarap sabihan ng 'umagang-umaga sermon na naman' wag nalang baka mapalayas ako nang wala sa oras.

Hindi ko nalang siya pinansin at patuloy lang sa pag tipa ng chat. Nakakainis din kasi tong si Ikov kanina lang ako bine-bwesit, pasalamat siya nasa chat kami nagaaway kundi kanina ko lang to sinapak.

Ise-send ko na sana ang chat nang bigla nanamang nawala ang internet at nag loading. Taas kilay kong hinarap si mama sa harapan ko, nakita ko kaagad ang kanyang mukha na obvious namang nagagalit na. Di naman ako affected, syempre ako nato si Krinyarie Halcana-ang magandang babae na walang puso sabi nga nila.

"Kakain ka o kakain ka?" Seryosong tanong niya.

"None of the above" Walang pakeng sagot ko.

Bago pa niya ako mapalo, pumunta na agad ako sa kusina para kumain.

——————————

Monday. Nagmamadali akong nagsulat sa notebook ko dahil ngayon na pala ang deadline. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang biglang nagsitakbuhan patungo sa gawi ko ang aking mga kaibigan-este ang aking mga classmates na ka close ko ng onti. 

Magtatanong na sana ako kung ano ang nangyare ng nagsalita na si Gero-beke na classmate ko.

"Mhie dalian mo na diyan! Ikaw nalang daw kasi ang kulang!" Sabi niya.

"Oo alam ko! Wait lang kaka-start ko palang e!" Nagpapanic kong ani. Lord sana makahabol pa ako gusto ko talagang makasali sa contest e!

"Sge lumayo mo na kayo di ako maka focus, dun muna kayo sa far away ha?!" Pagtataboy ko sa kanila. Agad naman nila akong sinunod at lumayo nga ang mga hayop.

Kahit wala na akong hope, patuloy pa rin ako sa pag susulat, short novel lang kasi daw kaya madali lang to para sa'kin. Binonggahan ko naman ang mga plot twist para talaga sure na masali sa contest.

After 1hour natapos na talaga. Nagmamadali akong pumunta sa faculty, dahil sa pagmamadali may nabunggo pa ako sanhi ng paghulog ng mga scratch ko kanina pati narin yung sinulat kong nobela. Nagmamadali kong kinuha ang mga nahulog na papel-tinulungan naman ako ng nabunggo ko, pagkatapos nag 'thank you' nalang ako at hindi na tumingin kung sino man ito. Mas importante sa akin na mapasa nato!

Nang nasa pinto na ako ng faculty office, may tumawag sa'kin, lumingon ako at nakita kong may hawak siyang papel, siya yata yung nabunggo ko kanina at yung hawak niyang papel sigurado akong scratch paper ko yun, kaya pumasok na ako sa faculty at hindi na ulit nilingon ang gawi niya.

Pagpasok ko isang ngiti ang ipinakita ko sa kanila at nag 'good morning' nalang din. Agad kong hinanap ang table ni Ma'am Nesa, nang nakita kong walang nakaupo dun nagtanong ako sa katabi nitong table-ang table ni Sir Makitoda.

In Another LifeWhere stories live. Discover now