Blindfolded love [one shot story]

296 8 10
                                    

Vision of 20/20.

Siguro hindi na ganyan yung vision ko. Astigmatism? Ayoko magsalamin. Mas lalo naman ang contact lenses. Okay na sakin yung lumalabo yung mata ko habang tumatanda ako.

Ang mahalaga naman e..

Makita ko pa din ang mga dapat kong makita.

Mapagmasdan..

Masilayan..

Matitigan..

"Huh?" napatigil ako sa isang souvenir shop nang makita ko sa displays nito ang isang mug. Mug, as in tasa. Teka nga, kailan pa ko nagka-interes sa isang mug?

Dahan-dahan akong lumapit sa tindahan na yon habang nakatitig sa mug na nakadisplay sa salamin. Hmm. Napahalukipkip ako at nag-isip kung papasok ba ko o hindi.

Para kasing.. may something yung mug na to e. Teka nga.

"Love is blind." binasa ko yung nakasulat sa mug. Ano ba yan, corny ha. Yan nalang lagi ang naririnig kong definition ng love!

Kung hindi blind.. e love is myterious naman. Di ba?

Ha? Uy teka. May isang ale din na tumitingin kasama ko dito. At.. pumasok n sya.

Hindi kaya.. Bibilin nya? Hmm. Hindi siguro.

E-eh?!

May bibili ng mug na yun!!! Sya nga! Yung aleng katabi ko!!

Bakit parang nasaktan ako. Dapat sakin yun e. E kasi naman di naman dapat ako bumibili ng ganun. Aanhin ko naman yung mug na yun e di naman ako nagkakape?!

Eh? T-teka!

Nagmadali akong pumasok at pinuntahan ko yung agad yung mug. Pero wala na ito sa displays.

"A-ayun!" bulong ko sa sarili ko. Nasa cashier na yung ale binabayaran na nya.

Hay. Parang ang ganda lalo nung tinitigan ko yung mug na hawak haaak nung ale.

"Ah! Ate? May mug pa ba kayong parang ganun? Yung ganun oh?" sabi ko sa saleslady na katabi ko sabay turo sa mug na hawak nung ale.

"Ay naku Mam! Wala na po. Last stock na po yun." sagot agad ng saleslady. Aray. Hindi talaga meant to be. Nalungkot naman tulog ako don. "One stock lang po mga naka display namin, Mam."

"Ah ganun ba. Uhm.. sige, salamat." sabi ko at umalis na ko. Nakakapanghinayang talaga.

Wala na, nabili na ng iba. Hay.

"Love is..fast. Pag mabagal ka mauunahan ka. Love is.. fragile. Basta basta nasisira pero pipiliting maging matatag. Love is.. letting go. E sa dun sya masaya e." kinausap ko na talaga sarili ko e no?

"Sige na nga mug, sa kanya ka na. Love kita e."

---------------

EDITED: February 1, 2013

ALL RIGHTS RESERVED 2014. Muchachita.

Blindfolded love [one shot story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon