"Good morning!" Yes, new day at work! At ang ganda talaga ng gising ko ngayong araw. Mukang totoo lahat ng sinasabe sa horoscope kanina sa radyo.
Dahil Leo ako, ang mga Leo daw ngayong araw ay magbabago ang buhay simula ngayon.
Yun na yata ang ibigsabihin ng mula sa pagiging tamad, magiging masipag na ko. Oha! Syempre, umaasa ko no. Kailangan ko talagang maging masipag ngayon. Aja!
"Good morning!" sabi ng mga katrabaho ko. Sila ang mga nakakasama ko araw-araw sa trabaho. Puro kami babae.
"Mukang ang ganda ng mood mo ngayon ah?" sabi ni Ms. Yoon, sya ang boss ko. Sa buhok at kilay pa lang nya, malalaman nyo na na sya ang may ari nito. "Maraming trabaho, maraming customers, kilos."
O di ba. Ang taray nya. Pero kilay lang nya yun at tono ng pananalita. Tulad ng sabi nya, nagsimula na kong maghanda para magsimula sa trabaho ko.
Ako nga pala si Jill. Jill Javier. 21 years old, pero muka lang daw akong 18. Pero di naman ako maliit, siguro medyo baby face lang talaga ko. (Ansabe?) Katamtaman lang ang haba ng buhok ko, at medyo mapayat daw ako. In short, sakto lang. Hindi ako nakapagtapos ng college. Ulila na kasi ako.
Oo. Wala na akong mga magulang. Kasalukuyang naninirahan ako sa isang apartment kasama ng kaibigan ko na katrabaho ko din dito. Sya ang nagtulak sakin para makapagtrabaho din at mabuhay ng sarili ko.
Dito sa Miss Beauty Yoon Salon ako nagtatrabaho. Mga isang taon na din mula nung mapasok ako dito. Natutunan ko na din kasing maggupit, magspa at kung anu-ano pa. Enjoy din naman kasi ang magtrabaho dito.
At oo nga pala, tawagin mo nalang akong JJ. Yun kasi ang tawag nila sakin dito.
"JJ?" sabi ni Ms. Yoon, sabay senyas na lumapit daw ako sa kanya.
"Po, Mam?" sabi ko habang papalapit ako sa kanya. Agad akong napatingin nang may nilabas syang pera sa bulsa nya na nakalagay sa isang pouch, at may kasama itong maliit na papel.
Biglang nawala ang tingin ko nang biglang nagsalita si Mam? Ano naman kaya tong gustong mangyare ni Mam?
"Lumabas ka ng shop, at bumili ka ng mga nakalista sa papel na 'to." sabi ni Ms. Yoon sabay abot sakin ng pouch at yung kapirasong papel. Grabe ah. Ang kapal naman ng pouch na to? Ano bang laman nito?
"26, 700 pesos ang hawak mo JJ." sabi nya na parang feeling nya na dadayain ko sya. Pero bakit ang laki naman kasi ng pera na to. Hmm. Or ako lang yata ang nagiisip non? Ay ewan ko ba.
Basta gagawin ko nalang kung ano ang sinabi ni Mam. Medyo nabigla lang ako ng bahagya.
"Opo Mam, ako na pong bahala." sabi ko sa kanya confidently. Confident talaga ko? Hahaha! E wala e. Saka dyan lang naman yun sa kabilang kanto. Dun sa Happy Mall.
"Be back after half an hour. Madaming customers." sagot ni Mam sabay balik na sa ginagawa nya sa table nya. Tumango nalang ako at inayos ko ang sarili at ready to go na! Medyo intense!
"Chingu! Alis muna ako ah? Brb!" sigaw ko kay Chingu habang papalabas na ako ng pinto. Sya ang bestfriend ko, at ang kasama ko din sa bahay.
Sya ang nakakaalam nang lahat ng tungkol sakin. Medyo matanda nga lang si Chingu ng bahagya, pero sya na ang kasa-kasama ko mula nung iniwan ako ni mama at papa.
"Alright J! Ingat ka!" sagot ni Chingu habang nagbo-blower sya ng buhok ng customer nya. Kinawayan ko sya at lumarga na ko.
Alright!
"Ang ganda ng langit ngayon ah.." bulong ko sa sarili ko habang nakatingala ako at naglalakad.
Hindi masyadong malamig at hindi masyadong mainit ang panahon. Ang sarap maglakad lakad. Pero syempre chineck ko ulit yung pouch at listahan na binigay ni Mam. Hmm?
BINABASA MO ANG
Blindfolded love [one shot story]
Conto"Love is blind" sabi nila.. Naniniwala ka ba sa quotation na yun? Find out kung pano naging blindfolded ang pagiibigan ni Jill at ni Adrian! :) ALL RIGHTS RESERVED. 2013. Muchachita.