33: HTD

18 2 0
                                    

AN: napakagulo ng tula na ito nagmamadali sobra. Lagay ko nalang rin dito HAHAHA

--

Nakatitig sa maliwanag na tala at buwan,
Nag apuhap ng daan, kung paano pasalamatan ang isang marilag na guro na nagsilbing aking tahanan.
Sa aking pagkagusto na dito ako mag aaral at manirahan,
Hindi ko inakala na ako ay mapunta sa isang seksyon na hinihiling ko sa kahel na buwan.

Ikaw ang nagsilbing liwanag sa aking bagong tahanan,
Kahit higit isang buwan pa lamang, aking nadama ang pagmamahal ng isang inang hindi ka pababayaan.
Nagsilbing inspirasyon sa bawat pagbangon,
Sa mga umagang pa ulit ulit ang pag ahon.

Sa bawat pagpatak ng oras, iyong mga pangangaral ay hindi mawala sa aking puso't isipan.
Ikaw ang siyang tumatayong pangalawang ina sa panaho ng kalungkutan.
Handang makinig sa mga sakit na nakatarak sa isipan,
Kausap ka'y tila isang tala sa kalangitan.

Ito ang aking daan upang ikaw ay aking mapasalaman sa dulot mong nakakagaan sa pakiramdam,
Sana'y may tala at buwan ka ring makakausap sa panahon ng iyong kahinagpisan.
Hindi madali ang mga responsibilidad mo sa buhay,
Kaya kami ay nagpursigi na mapaligaya ka namin sa Araw na ito

Happy Teachers Day Ma'am Yvonne!! ❣️

----

#hindingayonangteachersday😂

✍🏻:Munch_keyn/Melanie Bamba

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now