CASE #1
"Ma andito na ako"
"Elly anak maiwan ka muna dito ah pupuntahan ko lang ang tita mo baka gabihin ako, may ulam ka na dyan"
"Sige po ma bye"
Hi I am Ellysandra Chartier, I am a writer under the pen name Commander Elis. I usually write reverse harem stories. I am actually a teenage girl and still in the middle school. I thought my life will be ordinary just like others but that was just my thought.
Pagkatapos ko magbihis at nag desisyon muna ako magpahinga at simulang magsulat para sa susunod kong istorya mamayang 6pm. Naging routine ko na rin na kapag magsusulat ako ay palaging sa labas, kahit anong panahon pa yan at kahit saan. Mas gumagana kasi ang utak ko kapag nasa outdoor ako tapos tahimik ang paligid kaya madalas ay gabi ako lumalabas para magsulat.
Nang pumatak ang 6pm ay lumabas na ako ng bahay dala ang aking mini laptop, ngayong araw ay balak kong magpunta muli sa park. Hindi ako sikat na manunulat ngunit mayroon akong mga readers, hindi sila ganoon karami ngunit mahalaga na sila sa akin, bata palang ako ay hilig ko ng gumawa ng mga istorya subalit may isang genre akong pinaka ayaw at iyon ay ang mystery/thriller. Unang beses ko palang nagbasa ng ganoon ay hindi ako makatulog ng gabi dahil tungkol sa patayan ang laman noon kaya muna noon ay kina ayawan ko na ang ganoong genre.
Palaging sa madilim na parte ako ng park pumwe-pwesto upang hindi ako mapansin at maistorbo. Magdidilim na rin ang paligid at nagsimula ng umilaw ang mga ilaw sa poste. Nakaka tatlong chapters palang ako nung bigla akong tinamaan ng writers block, yung tipong tuloy tuloy yung mga ideya sa utak ko kanina tapos bigla nalang nawala ng parang bula, napapatitig ako sa isang pulang kotse na nasa ilalim ng malaking puno habang iniisip ang maaring idagdag sa recent chapter ng story ko.
Nawala ako sa malalim na pag iisip ng pinukaw ng isang itim na kotse ang atensyon ko. Isang porche! This is not the first time na makakakita ako ng ganoong kotse ngunit kahit na ganoon ay palagi pa rin akong namamangha. Isang lalaking naka itim ang lumabas mula doon, nakasumbrero sya at may dalang gasolina
Gasolina? Bakit sya may dala nyon?
Naglakad sya patungo sa pulang kotse na nasa ilalim ng puno at laking gulat ko ng bigla nya itong ibinuhos sa kotse! Bumalik pa ulit sya sa kotse nya upang kumuha ng isang pang gasolina at muli itong ibinuhos.Matapos niyon ay pumunta sya sa pinakang madilim na parte ng puno dala ang dalawang walang laman na container ng gasolina.
And then a woman in a maroon dress appeared from nowhere, she is wearing a mask and gloves. Diretso syang pumasok sa loob ng kotse at huli na nung maisip ko ang maaring mangyari dahil...
sumabog na ito!!
habang nasa loob ang babae!!
Kitang kita ko kung paano may umilaw sa pinakang madilim na parte ng puno, sigurado akong lighter iyon mula sa lalaki at itinapon sa kotse kaya ito sumabog.
I was left there in shock while the man from earlier just walked out of the darkness, then headed straight to his car and drove away.
What should I do?
Someone had been murdered in front of me!
I need to call the police, so I did and when they came sinabi ko sa kanila ang buong pangyayari.
That event made me awake for a whole night, thinking kung bakit iyon nangyari, what was the man motive, who is that woman, "arrghhhh!" that idea cannot get off to my mind.
I woke up with a headache because I only had 2 hours of sleep. Umupo ako sa lamesa para kumain habang si mama naman ay nasa harap ng TV at nagkakape.
"Karma nga naman" napatingin ako kay mama dahil sa sinabi nya and I was shocked ng makita yung nasa balita.
"Isang babae patay matapos masunog sa kanyang sariling kotse. Na-recover ng mga pulis ang kanyang lisensya at kinilala ito bilang si Almira Asumcion. Si Almira ay isang foreign criminal o wanted sa ibang bansa,mayroon itong patong patong na kaso sa pagnanakaw ng pera at nagtatago dito sa bansa, ayon sa witness na naka usap ng mga pulis kagabi ay isang lalaking naka itim daw di umano ang nagsaboy ng gasolina sa kotse ng babae at nung ito ay dumating ay saka nito tinapunan ng lighter ang kotse,hindi ma-identify ang suspect dahil patay lahat ang CCTV at nakasumbrero raw ito ayon sa witness"
Kasunod niyon ay ipinakita ang pulang kotse na nakita ko kagabi.
O M G
BINABASA MO ANG
Twinkling Murders (on-going)
Mystery / ThrillerYou are wondering about your so-called "peaceful place" when suddenly the peaceful place you've ever known became the bloodiest place you've ever seen. There are different crimes in different places that give you nightmares every time you fall aslee...