Chapter 2

8 2 0
                                    


Pagkauwi ko sa bahay nakita ko si Mama na parang may malalim na iniisip, pati nga pagpasok ko sa bahay hindi na niya namalayang nandito na ako. Lumingon siya saakin na parang may balak nanaman na hindi ko gusto. 


"Ilang taon ka na?" Tanong niya saakin. 


"17 ma, pati ba taon ko kinalimutan mo na?" Balik na tanong ko sakaniya, umiba naman ang awra niya dahil sa sinabi ko. 


"Huwag mo akong simulan Celeste, masaya siguro ang buhay ko kung hindi kita kinuha sa tatay mo. Pero malapit na." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.


"Hindi kita maintindihan ma." Humarap naman siya saakin. 


"Pagdating mo ng 20 years old may kukuha sayo, huwag ka na umangal para saatin ito." Biglang kumulo ang dugo ko at sinagot siya.


"Mas mahal mo talaga ang pera no ma? Pati ako kayang kaya mong ipagpalit, mag-ingat ka maraming nababaliw at nasisilaw sa pera." Naglakad ako papunta sa kwarto at sinara iyon. Umiiyak ako ng umiyak, akala niya siguro hindi ako nakakaramdam akala niya manhid ako pero may puso pa din ako kahit papaano, nasasaktan pa din ako sa mga inaasal niya saakin. 


Pagkagising ko as usual wala nanaman dito si Mama ano pa nga bang aasahan ko, nagready na din ako para pumasok may event din ngayon sa school kaya walang gagawin. Mabuti nalang hindi kami pinag-uniform ngayon, kaya simpleng maong at croptop lang ang sinuot ko kapares ng black shoes ko, pinusod ko na din ang buhok ko para maaliwalas. 


Sakto namang pagpasok ko ng gate namin ay siya ding pagpasok ni Gio. Ngumiti ako sakaniya ngunit mukhang iba ang timpla ng mood niya ngayon, tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating ng school. 


"Like what all the schools do, we will not have classes today because of the event. Please make sure that you have booths or sports to join because if not, we will have a quiz today. Understood?" Maraming nainis dahil sa sinabi niya at isa na ako doon. Wala akong booths or sports man lang kaya kailangan ko pa magtingin kung saan ako pwede. 


Habang naglalakad papunta sa mga booths, napansin kong nakasunod si Gio saakin. Hinayaan ko nalang siya baka naman pupunta din siya sa mga booths, medyo nakakailang lang siya pero wala naman ako sa posisyon na palayuin siya. 


Tumigil ako sa isang Jail booth, tinignan ko kung maganda ba itong salihan mamaya pero parang ang corny para saakin. Hanggang ngayon sinusundan pa din ako ni Gio, balak ko siyang kausapin dahil pinagtitinginan na kaming dalawa, mukha kaming magjowa dito na hindi naguusap dahil sa tampuhan, at ayaw ko namang isipin ng mga studyante yon. 


"Gio, sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sakaniya na medyo kinagulat niya. 


"Yeah, are you mad at me?" Tanong niya saakin, kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.


"Huh? Hindi bakit?" Agad naman siyang ngumiti sa sinabi ko.


"Good, Sino yung kasama mo kagabi sa cafe shop?" Tanong niya at biglang nagbago ang mood, ako naman ay hindi ko maipinta ang mukha ko. 

Broken Dreams and Mended Hearts (ON-GOING)Where stories live. Discover now