Chapter 1

9 4 0
                                    



"WALANGHIYA KA TALAGA!" Isang sampal ang rumagsak saaking pisngi.


"M...Ma" Hahawakan ko sana ang kaniyang kamay ngunit agad niya itong iniwas saakin.


"Huwag na huwag mo akong tatawaging Mama! Diba ang sabi ko sayo magsuot ka ng nakakapang-akit?! Wala kang kwenta! Limang libo na yon Celeste! Pero anong ginawa mo?! Pinahiya mo ako!" Sigaw niya saakin.


Hindi ako sumipot sa sinasabi ni Mama na pupuntahan daw namin, ayoko ng ginagawa niya saakin, ayoko maging katulad niya isang stripper, sabi niya dapat daw maging proud ako sakaniya dahil doon kami nabubuhay. Pero alam kong maraming maayos na trabaho diyan, alam kong maraming mas matinong trabaho diyan kesa sa pagsasayaw sa bar at ang iba pa ay babastusin ka lang, hindi ko minamasama ang pagiging stripper sadyang ayaw ko lang gawin.


"Ma, hindi mo ako naiintindihan. Ayoko ng ganiyan, ayokong ipakita ang katawan ko para lang magkapera." Alam kong masisigawan nanaman niya ako kaya agad na akong pumunta sa kwarto ko.


Kahit gutom ako ay ininda kong hindi kumain, alam kong pagsasalitaan nanaman ako ng kung ano ano, kesyo daw siya ang bumibili ng makakain naming at wala daw akong inaambag, mas lalaki pa ng lalaki ang satsat niya saakin. 


Kinuha ko ang salamin at tinignan ang mukha ko, sobrang pula nanaman ng kabilang pisngi ko. Hindi ko pa alam kung paano ko ito tatakpan pero bahala na bukas. Titiisin kong manirahan dito kay Mama hanggat makapagtapos ako ng highschool, may inoffer na kasi saakin na scholarship sa college kaya libre ang lahat tapos may monthly din akong matatanggap. 


Maayos naman ang buhay namin dati, hindi ganitong sobrang gulo. Tahimik ang pamumuhay namin, si Mama ay nagbebenta sa palengke si Papa naman ay mangingisda, kahit na mahirap lang kami masaya kami hanggang sa nalulong sa bisyo si Papa kaya naman naghiwalay sila ni Mama gusto akong iwan ni Mama kay Papa pero nagpumilit akong sumama sakaniya. 


1st year high school ako nung lumipat kami ni Mama dito sa syudad, ibang iba kumpara sa buhay namin dati. Mas naging agresibo si Mama pagdating sa pera, para siyang nasisiraan ng ulo kapag wala siyang kita. Maagang nabuntis si Mama saakin, kapag magkasama kaming dalawa pagkakamalan lang na magkapatid kami. 


Hindi ko aakalain na pagbubuhatan ako ng kamay ni Mama, lagi niya akong pinipilit sa hindi ko naman gustong gawin, pinasok siya ng isang bakla sa bar at doon na nagsimula ang lahat. Gusto niyang huminto ako sa pag-aaral para daw magtrabaho na din ako sa bar pero ayoko, hinding hindi ko isusuko ang pag-aaral ko. 


Isa akong scholar sa private school na pinapasukan ko nagpursigi akong mabuti para makapasok sa scholar mabuti nalang din matataas ang mga grades ko kaya walang problema, hindi din naman namin kayang bayaran ni Mama ang miscellaneous fee ko. 3rd year highschool na ako, dalawang taon pa bago ako gragraduate ng highschool.


Kinaumagahan paalis na ako ng bahay, walang klase ngayon kaya naman pupunta ako sa trabaho ko. Sideline lang naman kailangan ko na din mag-ipon para sa titirhan kong apartment. Isa sa gusto kong skwelahan ay ang UP Diliman, pangarap ko ito simula palang nung 1st year highschool ako, kaya kahit mahal ay pag-iipunan ko na agad. 

Broken Dreams and Mended Hearts (ON-GOING)Where stories live. Discover now