Taeyeon's POV
"TAEYEOOOOOOOOOOON!"
Haruuu! Jusme andyan nanaman sya >_________< ayoko na ayoko na ayoko na!
"Naku lagot! Seo ayoko na di na ko papasok mamayang hapon iabot mo nalang to!" - inabot ko sa kanya dali dali yung notebook namin sa English kung saan may Assignment kami. Letse naman kasi! Andito nanaman yung ex ko na magtatakbuhan nanaman kami! >______________<
"Ay oh bakit mo ba naman kasi tinatakbuhan si Baek? Para kayong tanga kanina pa kayo takbuhan ng takbuhan sa Oval ng school!" - sabi ni Seo
"Basta ayokong lalapit sya sakin! Di ko sya ex! Muka syang tanga!"
"TAEYEON! DYAN KA LANG WAG KANG TATAKBO!"- Si Baekhyun na yun na papalapit na sakin
"EWAN KO SAYO! LUBAYAN MO KO!" sigaw ko sa kanya at tumakbo na ulit ako. Nakakahiya mang pinagtitinginan kami ng tao ok lang basta ba wag lang makalapit sakin yung mokong na yun! Abnormal sya >___________< nakakahiya Ex ko ba talaga yung abno na yun?
Ok nakakahiya mang sabihin pero naging EX ko sya . Hindi lang EX boyfriend pati EX bestfriend. Yup bago sya manligaw naging magbestfriends kami. Ewan pero sa simula palang naman alam ko na may gusto na sya sakin. Hindi sa pagiging assumera pero totoo yun. Nagpaparamdam na sya bago pa maging kami siguro di ko lang yun inentertain dahil nga naging mag bestfriends kami.
Noong una? Oo masaya. Kagaya ng mga normal na magkasintahan masaya ang first day ng relationship. Yung andun pa yung mga pabebe moves mo, mga paru-paro na naglalaro sa tyan mo. Yung araw araw gusto mo sya ang kasama mo Para kayong ABS-CBN mobile happy lang , walang ending. Para kayong coke, na Share the happiness at minsan para kayong Enervon. Everyday happy.
Pero sabi nga nila lahat ng bagay nagtatapos. Na balang araw magiging katulad kayo ni Sarah G. "There was never an us" ang peg nyo. Kagaya ng kanta ni Taylor "Loving him was blue like I've never know." Minsan kinakalimutan na lahat.
Naghiwalay kami. Ako ang nakipaghiwalay. Mahal ko pa sya alam ko yun at hindi ko idedeny. Pero ako ang kumalas. Bakit? Kasi nung naramdaman ko na masyadong magiging masakit para sa parte ko ang magmahal ng seryoso at todo kumalas ako. Takot ako oo. Takot ako na masaktan at magseryoso. Takot ako na ako ang luhaan at sya lang sasaya. Kaya habang maaga niremedyuhan ko na.
BINABASA MO ANG
Chased By My Ex [BaekYeon FanFic]
Fanfic"Running away is the best medicine for your greatest fear."