Nakatayo kaming dalawa ng boyfriend ko dito sa rooftop ng school namin.
"Kumusta ka naman Ivan? Kumusta ang New Year mo? Malapit na nga pala ang Graduation natin. Nakaka-excite ano?"
"I have something to tell you."
"Ano yun? Yung balak mo bang course? Wag kang mag-alala, kung ano ang course mo, yun din ang kukunin ko para magkasama parin tayo." I hugged him
"No. Hindi tungkol dun." Inilayo nya ako ng bahagya
"Eh ano? Tungkol ba sa anniversary celebration natin bukas? Yiee. May pupuntahan ba tayo? Parang kelan lang ano? Umabot tayo ng isang taon. Dati-- "
"Im breaking up with you."
"Ehhh! Ivan naman e! January palang! Matagal pa ang April fool's day."
"Seryoso ako. Im breaking up with you."
"Ha? Bakit? May nagawa ba ako? Ano?" gulong-gulo ang isip ko
"Wala."
Tinalikuran nya ako.
"Eh wala naman pala eh!"
Pumunta ako sa harapan niya.
"Maghiwalay na tayo. Im tired of our relationship. Ayoko na."
He left me standing.
Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Ivan. Hindi pwede. Bukas—bukas anniversary na namin. Hindi sya nakikipaghiwalay. Hindi. Hindi to pwede!
"Hindi nya ako iiwan. Naguguluhan lang sya. Oo. Naguguluhan lang sya." I was talking to myself
Tumakbo ako para habulin sya.
"Ivaaaaaaaaan!" I shouted habang pababa ng hagdan.
He stopped and looked back at me.
"Please don't do this." Pagmamakaawa ko sa kanya
I grab his hand.
"Please... okay naman tayo diba? Diba?" Iniharap ko sya sa akin.
"Mahal mo naman ako diba? Sabi mo.. sabi mo mahal mo ako..." Hindi ko na mapigilan ang luha ko.
"Ysa.. Enough." He looked away
"May—may.. nagawa ba akong mali? Sabihin mo.. Itatama ko. May mali bas a akin ha? Sabihin mo.. Wag mo naman akong iwan ng ganito oh... Please.. Ivan don't be like this.. please."
"Sorry Ysa. Hindi na kita mahal. Ingatan mo sarili mo."
Nawalan ako ng lakas para tumayo dahilan para mapaluhod ako.
Wala na kami. Hindi parin nagsisink-in sa isip ko yung thought na—nakipaghiwalay na sya sa akin. Hindi. Naguguluhan lang sya. Bukas—Oo bukas baka may sorpresa sya sa akin. Tama. Baka kasali ito sa surprise ni Ivan para sa anniversary namin. Hindi totoo 'to.
Mahal ako ni Ivan kaya hindi nya kayang gawin sa akin to. Tama.
BINABASA MO ANG
REAL.LIE.TION.SHIT
Novela JuvenilNagpakatotoo ka. Niloko ka niya. Bumalik sya, tinanggap mo naman ulit sya. The story repeat itself. Nagpakatotoo ka. Niloko ka niya. Napagod kana kaya nagpakalayo-layo ka. Dumating ang panahon na sya na mismo ang lumapit sayo. Ano? Magpapakatotoo ka...