Pangarap kong makita ang kagandahan ng mundo. Ang masilayan muli ang mga bituin kapag darating na ang gabi. Ang pagsikat ng araw kapag umaga at ang paglubog nito kapag gabi.Marami pa akong gustong makita ngunit ang lahat ng iyon ay unti unti ng nabubura sa aking isipan.
Ako si Redjeal Pamez. 18 years old at tatlong taon na ako dito sa foundation. Simula nung mangyari ang aksidente hindi na ako kayang alagaan ng mga magulang ko. Nalaman ko nalang na iniwan na pala nila ako. Si mama sumama sa iba habang si papa naman hindi ko na alam kung asan. Masaya na ako dito. Inaalagaan nila ako at mahal nila ako.
Naaalala ko na naman ang gabing kung kailan nagsimula ang lahat. Di ko namalayan na unti unti na palang tumutulo ang mga luha ko. Pilit ko nang kalimutan ang lahat ng mga nangyari pero sariwa parin ito at parang kahapon lang nangyare.Ramdam ko ang lakas ng hangin, parang uulan ata.
"Oh! Redj, umiiyak ka na naman?"
Mabilis kong pinunasan ang luha sa mata ko.
" Ha ha, naku hindi. Napuwing lang ako mahangin kasi.""Nako, wag mo na akong lokohin. Memorize ko na yang linya mo. Tsaka nga pala aalis na ako maya maya." Bumuntong hininga siya pagkasabi nun.
"Kailan ka ulit babalik?" Matagal bago siya sumagot. Siya si Aaron Kyle Gutierrez anak ng isa sa pinaka mayaman na businessman dito sa Pilipinas. Pero kahit gaano siya kayaman, lagi siyang pumupunta dito sa foundation at nagdodonate. Siya nga ang nagpaayos nitong foundation at pinalagyan pa ng aircon. Mabait si AK at ang sabi ng isa sa nag aalaga samin gwapo din daw ito at matalino. Alam ko naman yun kahit hindi ko siya nakikita, nararamdaman ko yun.
"Ahmm, hindi ko pa alam. Marami pa kasi akong
aasikasuhin sa University, pero dadalaw naman ako dito pagkatapos kong magpaenroll"." Ahhh ganun ba? Goodluck". Pagkasabi ko nun, tumayo na ako. Inalalayan niya naman ako papasok. Hayyy, paano nalang kaya kung mawala tong taong ito sa buhay ko? Hindi ko siguro kakayanin. Naging bestfriend ko na siya. Sa inaraw araw niyang pagpunta dito halos memorize ko na nga ang ugali niyan.
Kung di siguro ako nabulag hindi ko siguro siya makikilala.
" Ikaw, wala ka bang planong mag college?" Tanong niya sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Nasa garden kasi kami. Kahit na malaki ang garden halos memorize ko na ang mga pasikot sikot dito. Araw araw kasi, dito ako pumupunta para magpahangin at para mag isip..
"College? Hindi ko pa alam. Hinihintay ko pa kasi kung kailan ang operation ko. Naghihintay pa kasi ako suitable donor... hmmm, kung meron man." May pag asa pa kaya akong makakita? Sana...