Tulungan natin siya!...
Kawawa naman....
Bilis! Dalhin natin siya sa ospital!"I'm sorry, pero masyado pong napinsala ang mata niya. Dahil sa ulo po siya unang natamaan, may isang vein po na napinsala ng husto na kumukonekta sa paningin niya."
"Red, gising! Nananaginip ka na naman!"
"Hindiii!! Ate Beth, dba po makakakita pa ako? Mahahanap ko pa ang pamilya ko. Dba ate Beth?" Tumango nalng si ate Beth bilang pagsang ayon. Napanaginipan ko na naman, hanggang kailan ko ba dapat maalala ang mga nangyari? Minsan naiisip ko kung bakit sa akin nangyari ang lahat, Ano ba ang naging kasalanan ko? Niyakap ako ni ate Beth. Mabuti nalang at andyan si ate Beth, siya na ang itinuturing kong nanay. Andyan siya nung mga panahon na kailangan ko nang alaga ng isang ina. Sa kanya ko naramdaman kung paano mahalin ang isang tulad ko.
"Tahan na, andito naman kami para sayo. Tutulungan ka namin".
"Alam ko naman yun ate Beth. Salamat sa lahat ah". Niyakap ko uli si ate Beth. Sana.. sana makalimutan ko na...