She left

10 0 2
                                    


Maaga akong nagising. Kailangan daw kasing maghanda para sa isang espesyal na bisita. Hindi ko pa alam kung sino, basta ang narinig ko lang espesyal daw siya kay AK.
Naligo na ako at nag ayos. Kahit bulag ako marunong akong mag ayos nuh. Konting suklay lang naman tapos ayun na. Di naman siguro kailangan ng masyadong arte sa buhay dba? Sa kalagayan ko pa namang to aalalahanin ko pa bang mapaganda?

Pagkatapos ko lumabas na ako.

"Oh Red, andyan ka na pala. Halika dito umupo at ikukuha kita ng kape."
"Ahh, sige salamat po ate Beth." Nakangiting pasalamat ko.

Mukhang busy ata silang lahat. Sino nga kaya yung darating? Kinuha ko yung stick na nasa gilid ko at naisipang pumunta muna sa garden. Mukhang wala na naman ata akong maitutulong kaya magpapahangin nalang muna ako.

Ramdam ko ang lamig na simoy nang hangin. Ang aga pa ata para magpahangin ako. Pero ang totoo niyan gusto ko munang mapag isa. Yung ako lang muna sa mundong ginagalawan ko, yung wala akong maririnig kundi ang paghinga ko lang. Nasasaktan kase ako sa tuwing naiisip ang katotohanang hindi ko na masisilayan ang mga mukha nang mga taong nasa paligid ko.

''Ano ka ba naman Red, bigla ka na lang umiiyak. Para ka nang sira ulo niyan eh." Natatawang kausap ko sa sarili ko sabay punas ng luha sa mata ko.
"O Red, sabi ko na nga ba dito kita makikita eh. O, eto na yung kape mo."

"Ahh salamat ate Beth, pakilagay nalang po sa gilid."

"Ok ka lang ba dito? Pasensya ka na ha kung hindi muna kita masasamahan, busy kase ako sa paghahanda para mamaya. Bilang head ng foundation kailangan kong manguna. " Mahabang paliwanag niya.

"Sus! Ano ka ba ate Beth okay lang ako dito, atsyaka memorize ko na po ang lahat ng pasikot sikot dito. Kaya pwede nyo na po kong iwan." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"O sya sige, aalis na ako ha? Mag iingat ka." Paalam niya sabay halik sa noo ko. Hay... ang sweet talaga ni ate Beth, yan lage ang ginagawa nya sa tuwing nagpapaalam siya, sigurado akong mamimiss ko siya. Mga nasa edad 50's na si ate Beth. Naalala ko pa yung unang araw ko dito...



"Ma? Ikaw ba yan, bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay ma. Ba't antagal mo ata?'' tanong ko kay mama sabay hawak sa mukha niya. Ba't parang gumaspang ata? Tsaka nagkaka wrinkles na pala si mama. Masyado na siguro siyang napapagod sa katatrabo dahil sa akin, kaya siguro parang tumatanda na yung balat niya.

"Ma, ba't di ka sumasagot? tsaka, bakit parang tumatanda ka na ata?" Pagtatakang tanong ko habang patuloy na kinukusot yung mukha niya.

"Red, hindi ako si mama mo, Ako yung head ng foundation na kausap niya kanina." mahinahon niyang paliwanag sa akin.

"Ahh, ganun po ba? Kaya po pala... nandyan na po ba si mama? sabi niya kasi bibili lang daw siya ng candy pero hanggang ngayon wala pa siya. Ano po bang gagawin namin dito? Foundation? Sabi sa akin ni mama pupunta daw kami sa bahay ng kababata niya." naguguluhang tanong ko sa kanya. Sabi kasi sa akin ni mama na may dadalawin daw kami. Pero pumuti na ata ang uwak hindi pa siya dumadating, at bakit kami nasa foundation?

"Uhmm... hija, yung mama mo kase iniwan ka na dito. Ang sabi niya may pupuntahan daw siya at matatagalan ang balik niya kaya iniwan ka na muna niya dito. Wag kang mag alala aalagaan ka namin dito." mahinahong paliwanag niya.

"Hindi po. Bumili lang po si mama nang ca-candy... " nagsimula nang mabasag ang boses ko kasabay nito ang pagtulo ng mga luha saga mata ko, dahan dahan akong tumayo at naglakad pero pinigilan niya ako.
"Hija, si mama mo kasi pupunta sa malayo."

"Dun po ba siya bibili ng candy? Pero babalik naman po siya diba?" tanong ko sabay pahid ng mga luha ko.

"Yan kasi ang hindi ko masisigurado. Si mama mo kase iniwan ka dito. Wag kang mag alala mamahalin ka namin at aalagaan. Sigurado akong magugustuhan mo dito."
wika niya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.

"Ta-talaga ho? Babalikan naman po ako ni mama diba?" tanong ko, pero hindi siya sumagot instead hinalikan na lang niya ang noo ko. Feeling ko siya si mama, yan din kasi ang ginagawa niya kapag nalulungkot ako.

Hayy.. alam ko naman na imposible nang balikan niya ako. Bulag ako ,pero hindi ako bobo para hindi malaman ang ginawa ni mama. Alam kong kagaya din siya ni papa na nagsawa nang alagaan ako, pero anong magagawa ko? Pabigat lang naman ako sa kanila kaya mas mabuti na sigurong dito nalang muna ako.

"Di-dito nalang po ako." niyakap niya ako sabay halik uli sa noo ko.

Nabalik na lang ako sa katinuan ng may tumawag sa akin.

"Red, tawag ka na ni ate Beth." tawag sa akin ni Bill, tumayo na ako at naglakad. Mukhang andyan na ata ang bisita. Ano kaya ang itsura niya? Sana mabait...

My Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon