AT YOUR WORST
CHAPTER 2
First day of school excited na pumasok si Natasha sa bago nyang eskwelahan,proud sya dahil sa wakas at sa pangarap nyang university sya ngayon mag aaral. Pero since transfer sya dito hindi nya alam kung pano sya makikisalamuha gayong alam nyang mayayaman halos ang nag aaral dito. Unang klase nya ay sa bahaging likuran sya naupo dahil nahihiya sya at hindi nya alam kung paano makikipag approach sa mga new classmates nya. Mix emotion ang nararamdaman nya dahil hindi nya alam kung tanggap ba sya ng mga tao dito gayong hindi sya mayaman at kaya lang sya nakapasok dito ay naging scholar sya. Nang may lumapit ng may tumabi sa kanyang kinauupuan*
Daphne: Hi,bago ka dito? Ako nga pala si Daphne...(sabay abot ng knyang kamay)
Natasha: Ako naman si Natasha,oo kaka transfer ko lang dito. Actually kaya lang ako nakapasok sa university nato dahil nakakuha ako ng scholarship. (Sabay abot ng kanyang kamay)
Daphne: Naku wag kanang magpaliwanag dahil hindi lang ikaw ang scholar na nakapasok dito. Actually may classmate tayo na scholar din kagaya mo,mamaya ipapakilala ko sya sayo para naman hindi kana mailang.
Natasha: Salamat ha,akala ko kasi maa out of place ako kasi puro kayo mayayaman ang mga students dito.
Daphne: Hayaan mo ipapakilala kita mamaya kpag break time natin sa mga kaklase natin at sa mga kaibigan ko narin. So,friends?
Natasha: Friends...(sabay ngiti)
Nang mag break time nga sila sabay na nagpunta sina Natasha at Daphne sa cafeteria para kumain ng lunch,maya2 ay may mga tumabi na nga sa kanila.Daphne: Buti nman dumating na kayo,i'd like you to meet our new friend, Natasha.
Mandy: Hi Natasha, nice meeting you.
Timothy: Hi,my name is Timothy. Ang future ng aking angel 😇 💖
Red: Hi...
Natasha: Hi,nice meeting you.(nahihiya nyang sabi)
Red: Bakit parang nahihiya ka,wag kang mahiya. Yang ganda mong yan mahihiya ka? Bago ka dito noh?
Daphne: Yes Red,kaya be nice to her,baka naman deskartehan mo agad.
Mandy: Oo nga,mukha namang hindi ka papasa kay Natasha kasi mukhang straight to eh. At sa ganda nyang yan siguradong maraming aaligid na lalaki sa kanya.
Natasha: What do you mean by straight?
Daphne: Ibig sabihin nun,your not into girls, kita mo nman itong si red obvious nman na sa babae sya nagkakagusto diba. Eh mukha pa syang lalaki dito kay Timothy eh. (Sabay tawa)
Timothy: Anong sabi mo? Hindi naman ako katulad nyang si Red na babaero,dahil isa lang ang tinitignan ko dito. Yung angel ko lang 💖
Mandy: Mangarap ka! Hindi ka papatulan nun! Bukod sa crush ng campus yun eh nag iisang anak pa ng governor 😅
*Hindi nakakibo si Natasha sa narinig nya,bagamat alam na nya kung sino ang pinaguusapan *
Nagdaan na ang ilang araw at sila2 na ang laging magkakasama,tahimik parin si Natasha.*
Kasalukuyan silang nasa tambayan nilaTimothy: Bakit kaya hindi ko nakikita si angel ko?
Red: Bakit hindi mo nalang puntahan sa room nila para makita mo?
Timothy: Nagpunta na ko doon pero hindi ko parin sya nakikita.
Mandy: Baka naman nagpa praktis,balita ko nagpa praktis daw yun mag fire shooting.
Daphne: Oo nga saka may iba pang pinagkaka abalahan yun kaya madalang mo lang talaga syang makikita.
*Dumilim ang langit at nagbabadya ang lakas ng ulan*
Daphne: Naku mukhang uulan ng malakas ah,may mga sundo ba kayo?
Timothy: May sasakyan akong dala kung gusto nyo sumabay nlang sakin ang walang sundo.
Mandy: Natasha may susundo ba sayo,sabay nalang tayo kay Timothy.
Natasha: Hindi ok lang,susunduin naman ako ng tatay ko.
Red: Guys mauna na ko ha andyan na sundo ko. Bye.
Daphne: Ako din guys dumating na driver namin,pano bukas nalang! Bye...
Mandy: Pano mauna narin kami ni Timothy ha Natasha. Ingat ka sa pag uwi.
Natasha: Sige,salamat.
Naiwan na nga si Natasha at may hinahanap sa bag nya.
Natasha: Ano ba yan! Naiwan ko pa ang payong ko sa sasakyan ni tatay( bulong nito sa sarili)
*Nagsimula ng buhos ang malakas na ulan,umabot narin ang isang oras at hindi parin dumadating ang tatay nya*
Natasha: Kailangan ko ng makarating sa waiting shed para makapaghintay nalang ng masasakyan
Sinugod nya ang lakas ng ulan kaya naman basang basa na sya,napuno narin ng tubig ang sapatos nya kaya minabuti nya tanggalin ang tubig sa sapatos nya. Bahagya syang yumuko at napaluhod pa para matanggal nya ang tubig sa sapatos nya. Nang biglang may sapatos na mamahalin ang bumungad sa harapan nya,at naramdaman nyang wala ng ulan na tumutulo sa kanya. Pag angat nya ng mukha at bumungad sa kanya ang isang napakagndang babae na may dalang payong,at nakangiti sa kanya.
Katherine: Hi,masyadong malakas ang ulan at mukhang wala pa ang sundo mo. Gusto mo bang isabay nalang kita tutal ako lang naman ang sakay ng sasakyan namin.
(Hindi na sya nakapag salita dahil manghang mangha parin sya sa ganda ng babaeng nasa harapan nya,sa walang pagdadalawang isip ay agad na lang syang tumango sa offer ng magandang babae at sabay na silang sumakay sa sasakyan.
Katherine: Hello,ako nga pala si kath. (Ayaw nya kasi malaman ng iba ang tunay nyang pangalan dahil baka mailang sa knya ito)
Katherine: Bago ka lang ba sa university?
(Hindi parin makapag salita si Natasha)
Katherine: Ano nga palang name mo(malambing na ngiti pa ang pinakita nya dito)wag mong sabihin na hindi kapa rin magsasalita...
Natasha: ahhh,ako nga pala si Natasha. (Sabay ilag ng tingin dahil hindi nya magawang tumingin dito,na sya nmang pagtawa ni Katherine sa naging reaksyon nya)
Katherine: Nahihiya kaba sakin? Hindi naman kita kakagatin kaya wag kana mailang...
Natasha: kung ikaw lang naman ang kakagat sakin,kahit saang parte ng katawan ko magpapakagat na ako( bulong nya sa sarili)
Tahimik ang loob ng sasakyan at nakarating na nga sila kung saan tinuro ni Natasha sa driver kung saan sya ibababa.*
Natasha: Salamat sa paghatid ha,pasensya kna nahihiya lang kasi ako kya hindi ako makapag salita. (Pero ang totoo,sobrang na amaze sya sa ganda ni Katherine
Katherine: Ok lang yun,nice meeting you. See you nalang sa school bye!
Natasha: Take care... (at umalis na nga ang sasakyan ni Katherine) Naiwan nmang nakatulala parin si Natasha.
Natasha: Parang familiar ang mukha nyang yun? San ko ba sya nakita? Gosh hindi ako maka move on sa ganda nya,at ang bait pa. Bakit ganito ang pakiramdam ko ng makita ko sya,ngayon lang ako kinabahan at naging speechless sa isang tao at sa babae pa.*******************************************
Mukhang may hindi makakatulog ah dahil sa pag iisip sa encounter nya sa isang mgandang babae,isang anghel na bumaba sa lupa...
Please follow my fb account and dont forget to like and comment your thoughts for this chapter 😊 ☺️ 🙂*shei lie