AT YOUR WORST

634 37 1
                                    

FB_MAIN_STORIES

AT YOUR WORST

CHAPTER 6

Dahil naisipan ni katherine na matulog kela  natasha naisip ni natasha na ikuha sya ng pampalit ng  damit ni kath..

Natsha:"wala nmn kasi akong pangmayaman na damit"..(aniya)
Natasha:"Eto nlng bago na binili ko sa mall ng namasyal kami ni tatay".(puting tshirt at jogging pants.sinamahan nrin nya eto ng mga d pa nya nasusuot na panloob.)

Paglabas nya ng kwarto ay inabot nya na eto kay katherine*
Natasha:sorry po ha..kasi ayan lng yung mga damit q eh..wala akong damit ng mga pangmayaman.

*Agad naman etong kinuha ni katherine.*

Kath: maliligo na ako at matutulog after..
(At dumiretso na eto sa bathroom
Nauna na syang pumasok sa kwarto dahil aayusin nya pa ang hihigaan nya at ni kath..naglatag sya ng kutson sa ibaba at pinabanguhan nya ang kama nya na hihigaan ni señorita katherine.maya maya pa ay pumasok na eto at tinutuyo ang buhok..

Kath: dalawa lng unan mo? Tapus tigisa pa tayo?
Natasha: ah opo pasensya kna ha.
Kath: ndi kasi ako sanay ng walang mga unan sa kama ko hinding hindi ako comportable.
Natasha: ganun ba sige sayo nalang etong unan ko sanay nmn ako ng walang unan..
(Ngunit tumanggi eto.)
Katherine: kahit
ibigay mo sakin yang unan mo kulang parin sakin yan.(Napatingin sya dito.
Natasha:"e anong ggwin ko kunin ko rin yung unan ni tatay?(bulong nya sa sarili )
Kath: dito kana lng din matulog sa kama para feeling ko may unan ako kabi kabila..
(At naging unan pa sya sa paningin neto.;ngunit sumunod nlng sya kasi baka mamaya di eto makatulog e maging kasalanan nya pa.)
*Pareho na silang nakahiga at pareho din mga tikom ang bibig nila..d nya alam kng san haharap pagtinalikuran nya eto magmumukha syang bastos..paghumarap nmn sya dto makikita neto ang kanina pang nagbablush na mukha nya..panong hindi magbablush nsa tabi nya ang babaeng crush na crush nya as in nsa tabing higaan.

Natasha:"jusko patnubayan mopo ako ngyong gabi."(dasal nya.yung kahit wala nmn syang alam at malay pero parang pakiramdam nya nagiinit ang katawan at mukha nya.)

*Dahil sa haba ng iniisip nya ay d nya namalayan na naghihilik na pla ng malakas ang katabi nya..*
Natasha:"Sana lahat"(aniya sa sarili..)"sana lahat nakakatulog agad"

*Well nakakatulog nmn tlga sya agad  pero ngyong gabi mukhang napakalabo ata syang dalawin ng antok.anlakas na nga ng electricfan na nakatutok sa kanila pero init na init sya.
Natasha:"napakainit lng siguro ngyong gabi"
*Palakas ng palakas ang hilik ng katabi nya..naisip nya na hindi maganda sa puso ang naghihilik ng ganun kaya bumangon sya at aayusin nya sana ng paghiga eto ngunit mabilis na nakuha neto ang kamay at braso nya para iyakap sa katawan na ikinagulat nya..pero tulog nmn eto.naisip nyang sanay kasi sa maraming unan kaya akala nya cguro unan ako o yung kamay ko.*

(Hindi sya makakilos..sa higpit ng pagkakayakap neto sa kamay nya pagtinanggal nya ang kamay nya ay magigising eto sigurado.pero anong gagawin nya ganito nalang sya magdamag?nakailalim ung isang kamay kasi nakaharap si katherine sa kanya
Natasha:"dahil yakap nya isang kamay ko panigaurado bukas hindi lng katawan tuhod pati mga kamay ko ngalay na ngalay din"(hinayaan nya lng muna ng ilang sandali ang posisyin n yun bka sakaling magiba ng higa si katherine. pinagmasdan nya ang maamo at inosenteng mukha neto
Natasha:"parang may natutulog na anghel sa tabi ko napakaperfect"(at dumako ang tingin nya sa mga namumulang labi neto..napakagat labi sya habang nakatitig sa labi ni katherine. parang bigla syang nanggigil gustong gusto nyang halikan at kagatin ang mga labi ng nsa harapan nya...parang nagkukusa ang katawan nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ni katherine para maabot ang labi nya..pinipigilan nya ang sarili pero di nya mapigilan ang nagliliyab na init sa katawan nya at utak na nagdidiktang Natasha:"dampi lng natasha come on please dampi lng..(may kng ano o sino bumubulong sa kanya.)
*Pero natauhan sya ng biglang maisip na anak pla ni GOVERNOR VILLAMOR ang nsa harapan nya.masyado na ata syang nagtatake advantage porket mababait ang mga eto sa kanila ng tatay nya lalo na kpg nagising si katherine tpos malaman ang ginawa nya..
Natasha:"bka ilibing kami ni tatay ng buhay ni governor"(aniya sa sarili.)*nangangalay na sya pero ndi parin nya maalis yung kamay nya sa katawan ni katherine kaya't naisipan nyang tanggalin nlng ang unan neto at ipinalit nalang nya ang kamay at braso nya bilang unan neto. )
Natasha: kayat ang dating mukha silang magsyota na nagcacuddle.(napahiya sya sa iniisip nyang yun kng kayat babawiin na ulit sna nya ang kamay nya ng humarap eto sa kanya this time hindi na kamay nya ang hawak ni kath kundi nakayakap narin eto sa kanya at nakaunan parin sa braso nya.)
Natasha:"para kaming magasawang naghahoneymoon.."(natatawang sabi nya sa sarili.)*ndi sinasadyang kusang humalik ang mga labi nya sa noo ni katherine na tulog parin.
Natasha:"ang bango bango mo"sana ganito nlng palagi napakasarap sa pakiramdam parang anytime pwede na ako mamatay kasi nakaranas na ako ng ganito kasarap ng pakiramdam buong buhay ko.sna di nalang matapos lahat ng to"
*At nakatulog n nga sya ng ganun ang posisyon nila*

*Nagising sya ng maaga kasi naisip nyang ipagluto tatay nya at si katherine.tiningnan nya ang katabi nakatalikod na eto sa kanya.at bumangon n sya.ngunit paglabas nya ng kwarto ay mukhang nakaalis na ang tatay nya.kinuha nya ang phone nya at tinext ang ama*
Natasha: tay san kana po magluluto ako anong gusto nyo kainin
Tatay: wag na anak maaga ang lakad namin nila gov. magluto kana dyan at wag na wag mong pababayaan si señorita katherine. mananagot tayo kay gov.. kng gusto nya na umuwi text ka sakin para papuntahin ko jan ang driver nya.
Natasha: o sige po tay magiingat po kayo.

*Kayat nagumpisa n syang magluto
Nagluto sya ng champorado  at tuyo.sinangag itlog at hotdog para kay  Katherine. nagtimpla nadin sya ng choco na may gatas para dto.
Pagkatapos ay nagtungo na sya sa kwarto para gisingin si katherine bumungad eto sa knya at sabay
Katherine:"GOOD MORNING" (ang ganda ng mga ngiti nya katulad ng mga ngiti ng una ko syang nakita sa campus)
Natasha: Good morning kain na tayo naghanda na po aq ng breakfast.
(At nakangiting tumango eto)
Katherine: ok pero bathroom muna ako para maghilamos
*Maya maya pa ay magkasalo na silang kumain..hindi sila naguusap habang kumakain kasi busy masyado sa pagsubo ng pagkain. mayat maya nya sinusulyapan si katherine habang kumakain..napapangiti sya*
Natasha:"Kaganda ganda netong babae pero parang kargador kung kumain"(aniyang pabulong)
*Maya maya pa ay nasulyapan sya ni katherine*
Katherine: oh bat dka kumakain
Natasha: ndi napo ubos na kasi yung sinangag eh
*Napalakas ang tawa ni katherine dahil napansin nyang naubos na pla nya yung kanin na naroon at paubos narin ang ulam
Katherine: sorry
Natasha: ok lng nmn po..salamat nga e kasi mukhang nagustuhan mo..hindi kasi pangmayaman ang hinanda ko.
Katherine: bakit ganyan ang mindset mo? pare pareho lng tayo mapamayaman o mahirap may karapatan tayong kainin ang mga gusto natin.
Natasha: financial katherine. .di hamak na maraming pambili ang mga mayayaman kayat nabibili nila lahat ng gusto at kainin nila
Katherine: hindi yun nakabase kng mayaman ka o mahirap kung masipag ka at matyaga tiyak nmn ako na kaya mong bilhin ang lahat ng gusto mo. kasi kung tatamad tamad ka tlgang wala kang pambili pero kng masipag ka may mahuhugot ka.
(Napatitig nlng sya dto.grabe sa sense of humor sa mura nyang edad napakamatured na nya magisip)
Natasha:"No wonder anak nga sya ng isang butihing governor"(aniya)
Katherine: by the way may bf ka ba??
(Deretsahang tanong neto.)
Natasha: NO!(mabilis at madiin nyang sagot.)
*Ngunit parang hindi eto naniniwala..
Katherine: minsan na kitang nakitaan may kausap at suot mo pa ung damit nya kung hindi mo sya bf bakit sinuot mo  damit nya?
(Natigilan si natasha..)
Natasha: alam pla ni katherine yun.at bakit parang may galit sa boses neto?(takang tanong nya sa sarili)
Natasha: ahm kasi may reason kung bakit..napilitan lng din ako that time kasi napakadumi ng damit ko.
Katherine: ahh...(anito ng nakatitig sa kanya.)
*nailang nmn si natasha sa titig ni katherine yumuko sya kasi d nya kayang makipagtitigan dto para syang matutunaw..
Natasha:"Wala ba etong balak umuwi"( isip isp nya.)
*Naisip nyang kung wala etong balak umuwi ay ipapasyal nya eto sa taniman nila ng tatay nya at maliit na fishfarm nakakatulong kasi ang taniman at maliit na fishfarm sa pagpasok nya sa eskwelahan. tamang tama na wla silang pasok sa araw na un. ngunit dumating ang sinasakyan ng tatay nya at lulan doon ang daddy ni katherine.
Bumaba muna ang governor para tumuloy sa kanila at humalik nmn si katherine sa ama.
Natasha: ipagtitimpla ko po muna kayo ng kape
Gov: hindi na iha..susunduin ko lang etong unica iha ko. may mga dala nga pala ako bilang pasasalamat dahil inasikaso nyo anak ko dito. hindi ko kasi malaman ang trip ng batang to at nakitulog sa ibang bahay
Natasha: wala po iyon..isang karangalan po ang makasama kayo at ang pamilya nyo.(aniya.)
*Tinulungan ni natashang ligpitin ang gamit ni katherine at dna rin neto hinubad ang pinasuot nyang damit dto..maya maya lng ay may hawak na etong libro.
Katherine: saan mo nakuha to??isa ba to sa mga librong kinuha mo sa library kahapon?
Natasha: opo
Katherine: Dadalhin ko ang librong to.

*At maya maya pa ay tumalikod na eto at sumakay na kasama ni gov.*

*******************************************

Cut muna tayo guys,sakit na mata na author nyo☺️☺️☺️please don't forget to follow my fb account and dont forget to like and comment your thoughts for this chapter 😊 ☺️

*shei lie

At Your Worst Where stories live. Discover now