Chapter 3

7 1 0
                                    

May nakahanda na article tungkol sa confirmation ng relationship ng dalawa.

"First, we gonna drop this bomb like now na in 3 2 1"

Sinend na nga ang article sa mga news outlets at talo pa nito ang covid 19 sa pag spread.

In a blink of an eye naging trending ang dalawa mula sa balita, x and other social networking sites.

"After this, follow each other in instagram show them that you are together"

Wala naman nagawa ang dalawa at kinuha ang kanya kanyang nilang phone at finollow ang isat isa.

"Are we done here? I wanna take a rest na" maktol ni Claire.

"Yes, we are done here. But papaalalahanan ko lang kayong dalawa be sweet, post some pictures together and most especially go on dates. Yung makikita ng lahat."

"Okay okay I got it. Pwede na ba akong umalis"

"Yes, you can go now. Ingat kayo"

Nagpaalam na nga ang dalawa at nag aantay na ng elevator. Dumating na nga ang lift nila at sumakay na silang dalawa.

Biglang nagsalita si Claire "Let's create some bounderies sa ating dalawa. I don't like skinship wag mong hawakan ang kamay ko o halikan ako kapag wala ng tao. You can only do it with my permission or ako ang gagawa nun sayo. Understood? "

Sinangayunan naman nito ng lalaki at hindi na nag salita hanggang sa makababa sila ng lift.

Naghiwalay na ang dalawa si Claire ay sumakay na ng van at si Lance naman sa motor niya.

"Gwapo nga talaga yung Lance di ka na lugi" sabi ni unnie.

"Sakto lang naman unnie" pero sa loob loob niya ay gwapong gwapo siya sa lalaki.

Halos magkasabay sila ng daanan at nung nag red na ang traffic light tinitigan niya ng maigi ang lalaki at pinicturan niya pa ito ng palihim.

Hanggang sa nagiba na ito ng daan at sila ay tinatahak na din ang daan papunta sa hotel na pag tutuluyan niya.

Habang nakahiga na sa kama ay di niya mapigilan hindi magpagulong gulong dahil sa kilig at kung hindi niya pa ito mailabas ay para na siyang sasabog.

Kinuha niya ang kanyang phone at tinignan ulit ang litrato ng lalaki na kinunan niya kanina. Napangiti naman siya ulit.

Nag scroll muna siya sa social media niya at wala siyang ibang makita kundi ang news tungkol sa kanilang dalawa. Hanggang sa inantok na siya at nakatulog.

Habang si Lance naman ay parang nasa alapaap ng makita si Claire sa personal. Para siyang nakakita ng anghel na bumaba mula sa langit.

Lalo siyang kinabahan nang pinatabi sakanya ang babae kanina. Namamawis ang kaniyang kamay at paa.

Kaso mukhang masungit ang babae di bale na temporary lang naman yung fake dating namin. Para maiwasan ang mga issue sa babae pagkatapos nito balik na ako sa dati ko na buhay.

Nakabalik siya sa wisyo ng nakita ko na may nag text sakin.

To: 09××××××0

This is Claire. Go to my hotel bukas let's go on a date sabi nila. I will text you the address. See you.

Sinave ko na ang numero ni Claire at natulog na dahil may date daw kami bukas.

Kinabukasan pumasok ako sa opisina at ano pa nga bang aasahan ko lagi saakin nakatingin ang lahat dahil officially girlfriend ko na si Claire.

Pumasok muna ako ng trabaho dahil mamaya pa naman ang date namin ni Claire at may mga kailangan pa din naman akong iedit na mga photos.

"Ito na pala ang kaibigan ko na boyfriend ng isa sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa" tukso ni kyle sakanya.

Inakbayan naman siya nito at pinatahimik niya ito dahil nakukuha nito ang atensyon ng lahat.

"Kelan mo ba ako ipapakilala sa girlfriend mo pre?"

"Makikilala mo naman siya dahil tuloy ang project niya saatin"

Napangiti ng malapad ang kaibigan niya "akala ko pa naman di na matutuloy yun dahil sa issue. Pero pre matanong ko lang paano kayo nagkakilala at paano mo siya niligawan. Di ka naman napunta sa korea at wala ka namang nababangit saakin na pinopormahan mo"

Napaisip ng maigi si Lance dahil sa sinabi ng kaibigan. Dahil dun kailangan na talaga nila magusap ng babae tungkol sa mga details na yun.

Naghihintay parin ng sagot ang kaibigan at kailangan niya ito malusutan "Pre alam mo tambak na mga yung backlogs mo. Tapusin mo na yan hindi yung daldal ka ng daldal dito"

"Psh, ang damot sa details tungkol sa love life niya" at buti naman di na siya kinulit ng kaibigan at bumalik na sa kanyang ginagawa.

Nung nag 5pm na umalis na siya sa opisina at tinungo ang hotel ni Claire.

Pagdating niya doon ay pinagbuksan naman siya ng manager ni Claire.

"Di pa pala kayo magkakilala si Unnie nga pala manager ko siya" nilahad naman ni Lance ang kaniyang kamay at pinakilala ang sarili.

Akmang aalis na ang manager ni Claire

"Saan ka pupunta unnie?" Takang tanong ni Claire.

"Baba muna ako Claire kakain"

"May pagkain dito unnie baba ka pa"

"Ayaw niyo ba ng privacy?"

"Unnie anong iniisip mo na gagawin namin?"

"Malay ko ba baka lang naman mag kiss kayo or even more than that. Basta wag niyo kalimutan yung proteksyon di pa ako handa maging ninang at mas mabuti ng wala ako dito para di ako matraumatize"

Sabay na tinignan at namilog ang mata ng dalawa at hindi na nga napigilan ni Claire ang manager ng kumaripas ito paalis.

Isa lang masasabi nilang dalawa napaka awkard ng vibe. Tumikhim naman si Lance at si Claire ay namula ang mga pisngi.

"Kanina ka pa nakatayo diyan uso umupo"

Walang nag sasalita sa dalawa ng basagin ito ni Claire.

"Gusto mo ba na manood ng movie? Since ang theme naman ng date natin ay movie night. Ikaw na din pumili ng movie. Kukuha muna ako ng popcorn at cola."

Hinayaan niya muna ang binata sa sala habang siya ay aligaga kung anong gagawin because it's her first time na mapagisa kasama ang isang lalaki.

Kinalma niya ang kaniyang puso para makapagisip siya ng tama.

"Breathe in and out. Inner peace. Kaya mo yan lalaki lang yan kung may gagawin man siyang masama wag na niyang tangkain pa kundi babasagin ko bungo niya"

Naiwan sa sala si Lance at hindi din siya mapakali dahil first time niya na mapagisa kasama ang isang babae at hindi lang basta basta kundi si Claire.

Pinakalma niya na ang kaniyang puso at pumili ng magandang movie na pwede nilang panoorin.

Bumalik na nga si Claire at sakto na nakapili na din si Lance ng movie.

"Before we start the movie you know the drill. We should post this on our social medias"

Kanya kanya silang kuha ng litrato ng huminto ito at tignan siya ni Claire.

"Hindi ka ba lalapit saakin? We should take some selfies para naman mas makatotohanan"

Tumabi na ang lalaki sakanya at nag selfie sila nung una medyo nagkakailangan pa pero nung tumagal na medyo nagiging close na sila.

Pumipili na sila ng mga photos na ipopost nila and nagiging close na din sila dahil dito. Kumuha pa sila ng maraming litrato na magkasama hanggang sa magsawa sila.

Sinimulan na nila ang movie at conjuring 1 ang napili ng lalaki. Di pa ito napapanood ni Claire pero alam niya na nakakatakot ito.

Nagaasaran na ang dalawa at sa gitna ng panonood nagulat si Claire at bigla siyang napa yakap sa lalaki. Nagulat din ang lalaki sa inakto ni Claire.

NegativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon