Chapter 9

1 0 0
                                    

Magkahawak kamay na pumasok ng opisina ang dalawa. Kahit na maaga pa ay nag ayos na si Lance sa studio na pag gaganapan ng photoshoot ngayung araw.

Habang abala si Lance sa pag aayos si Claire naman ay kinuha ang camera ni Lance at panay kuha naman ang babae ng litrato dito habang hindi ito na katingin sakanya.

Nang mapansin ito ni Lance ay agad naman nitong sinugod si Claire na akmang kukunin ito sa kaniya.

"Claire wag mo yang pakialaman. Baka masira o may madelete kang file. Mapapagalitan ako ng boss ko" maktol ni Lance.

Agad naman itong sinagot ni Claire "Gusto ko lang naman tignan yung camera mo tsaka kunan ka ng litrato. Tsaka alam ko naman kung paano gumamit nito."

Naghahabulan ang dalawa sa studio
"Sige hahalikan kita pag hindi mo yan binitawan" pagbabanta ni Lance kay Claire.

"Ayoko halikan mo muna ako tsaka ko ibibigay sayo ito" panghahamon naman ni Claire.

"Ah ganun" biglang naman hinawakan ni Lance ang pisngi ni Claire at hinalikan ito ng matamis sa labi na para bang silang dalawa lang ang nasa kanilang sariling mundo.

Nang biglang bumukas ang pintuan at lahat ng mga empleyado ay gulat na gulat sa kanilang nakita.

Nang tumikhim ng malakas si Kyle. Doon lamang natauhan ang dalawa at napahiwalay sa isat isa.

"Mukhang nakakaistorbo tayo sa kanilang dalawa. Sige tapusin niyo muna yung halikan session niyo. Babalik nalang kame ulit"

Napahawak sa batok si Lance "Ha. Ano anoo. Diba mag tatrabaho na tayo. Pumunta ka na ng dressing room Claire para makapag simula na tayo."

Tila wala pa sa katinuan si Claire at napakapula pa ng mukha nito. "Ayyy oo , tara na po sa dressing room diba aayusan niyo na po ako" at kinawit ang mga kamay sa stylist niya.

"Pare, dumadamoves ka na kay Claire ha. Pang kdrama lang yung halikan niyo kanina. Bagay na bagay talaga kayong dalawa." Tukso naman ni Kyle kay Lance.

Natapos naman ang photoshoot ng matiwasay at tila nakalimutan ng lahat ang halikang naganap kanina.

Tinapik naman ni Lance si Claire at binulungan ito na sabay silang aalis ng opisina.

Ngunit natagalan si Lance ng nag anunsyo na magkakaroon muna sila ng meeting. Tinext niya si Claire na antayin siya sa parking lot ngunit nag aalala parin siya sa kalagayan ng babae gayong pagabi na din.

"Mr. Archimendes, mukhang nagmamadali ka ata hindi ka mapakali sa kinauupuan mo." Pag puna ng boss nito.

"Mukhang naghihintay kase Ms. Ang girlfriend nitong si Ms. Claire sa baba ehh. Tsaka alam niyo ba ang nangyari kanina naabutan naming naghahalikan silang dalawa sa studio." Pagkekwento naman ni Kyle sa kanilang boss.

Parang gusto nang magpalamon ni Lance sa lupa dahil sa kadaldalan ni Kyle. Gusto na niya itong sikmuraan sa mga oras na iyon.

"Ganun ba, hindi ko alam na ganun na pala kayo ka intimate sa isat isa"

Mukhang makakarating ito sa boss ni Claire sa Korea dahil sa mga tingin ng kanilang boss na parang nagsasabi na "lagot ka Lance".

Buti naman at natapos na din ang kanilang meeting at dali dali namang niligpit ang kaniyang gamit.

Upang bumaba na sa parking lot dahil alam niyang matagal na nag aantay ang babae sakaniya.

Nang makababa siya sa parking area ay nakita niya si Claire sa gilid at tila nakatulog na ito sa sobrang pagod.

Hinawi niya naman ang buhok nito at pinakatitigan ang maganda nitong mukha. Dahil sa tulog na tulog ang dalaga pinatog niya ang ulo nito sa kaniyang balikat at hinayaan muna sila sa ganung pwesto.

Nang biglang namang maalimupungatan si Claire "Andyan ka na pala dapat ginising moko agad"

"Ayaw na kitang gisingin muna. Alam kong pagod na pagod ka at maaga ka pang gumising dahil sinundo mo pa ako sa condo. At may kasalanan din ako sayo dahil natagalan akong bumaba. Nagkaroon kase kame ng biglaang meeting" paliwanag naman ng ni Lance.

"Sus, ano ka ba? Sanay ako sa mga ganung antayan. Tara na gutom na ako kanina pa"

Hawak kamay naman silang tumungo sa motor ng lalaki at umalis na sa opisina.

"Saan pala tayo mag didinner?" Tanong ni Claire.

"Ako bahala may alam akong masarap na kainan."

Nang makarating sila ay nanuot sa ilong kagad ni Claire ang amoy ng mga nilulutong mga inihaw.

" Dito tayo kakain Claire. Masarap ang mga iniihaw dito. Regular costumer nga ako dito ehh. Maraming pagpipilian dito. May isaw, may barbeque, may dugo at marami pang iba."

Maraming nakakakilala kay Claire ngunit dinedma niya ito dahil alam niyang safe siya dahil kasama niya si Lance.

"Lance iho. Anong gusto mong kainin? May kasama ka pala si Ms. Beautiful. Girlfriend mo?" Pagtatanong ng ale.

"Opo, girlfriend ko po si Claire."

"Ay napakagandang bata. Alam mo bang ikaw ang kauna unahang babae na dinala niya dito. Kadalasan kase siya lang magisa kumain dito. Atleast ngayun may kasabay na siya lagi. "

Namula naman si Claire at hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi ng ale.

"O siya, upo na kayo at ihahanda ko na ang pagkain niyong dalawa. "

Naupo naman ang dalawa " pasensya ka na Claire dito kita dinala wala na kaseng bukas na restaurant ng ganitong oras. Don't worry Claire sa susunod doon tayo sa restaurant, aagahan ko mag out. "

"Ano ka ba okay lang saakin yung mga ganito. Tsaka mas gusto ko nga yung ganito atleast nasasama moko sa mundo mo. Sa susunod ikaw naman ang isasama ko sa mundo ko. Medyo magulo lang dahil artista ako pero alam kong kasama na kita ngayun kaya okay na ako."

Naputol ang moment nilang dalawa ng dumating ang kanilang order at nilantakan na nilang dalawa. At busog na busog silang dalawa. Kaya naman napag pasyahan muna nilang maglalakad sa sea side upang magpababa ng kanilang kinain.

Holding hands while walking ang peg nilang dalawa. Hindi maimagine ni Claire na magagawa niya ito in public. Dahil sa pagiging artista niya na maraming bawal na gawin. Na kulang nalang ipagbawal pati ang paghinga.

"May nakalimutan ata tayong gawin. Mag selfie tayo para may ipost tayo sa instagram."

Nagpicture naman ang dalawa at agad naman ni Claire itong pinost at wala pang limang minuto ay umabot agad ito ng 1k likes.

Agad naman silang umuwi at agad na tumambad ang mukha ni unnie sa pintuan.

"Aba aba. Ginagabi ka na ata. Ang usapan natin uuwi ka ng 9. Aba 12 kakauwi mo palang."

"Ano ka ba Unnie, safe naman akong nakauwi tsaka hindi naman ako pinabayaan ni Lance."

"Oo nga ehhh. Kitang kita ko ang ebidensya ng mga kalandian niyong dalawa sa social media. Aba'y sanaol nalang mula saakin. Matulog ka na at alam kong pagod ka sa mga pinagagawa niyo."

Agad namang ginawa ni Claire ang kaniyang night rituals ng makatanggap siya ng text mula kay Lance.

"Good night Claire. Sweet dreams <3"

Sino bang hindi kikiligin kung ganito matatanggap mo bago ka matulog. Kaya naman nakatulog si Claire ng may ngiti sakaniyang mga labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NegativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon