KABANATA 1

1.2K 17 1
                                    

Alex

  Excited akong pumasok sa school ngayon kasi makikita ko nanaman ang my loves ko hehehe.

Naglalakad ako habang pasipolsipol pa dahil maganda ang gising ko ngayong umaga.

"Oh himala ang aga mo ata ngayon bakla?"yan agad ang bungad sa akin ng kaibigan ko pagpasok na pagpasok ko palang hindi manlang ako binati kaya napasimangot ako.

"Pakialam mo pangit"Nakasimangot kung sagot sakaniya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin pero di ko pinansin at nginisihan lang siya.

"Hayssss saan naba ang lovey ko?ang aga ko pa namang gumising ngayon para masilayan ko ang kagandahan niya tskkkkk"iiling iling kung sabi habang nakaupo sa katabing upuan ng kaibigan ko habang nakatukod ang kamay ko sa armchair at nakatingin sa may pinto para abangan ang love of my life.

"Di yun papasok kasi alam niya na kukulitin mo nanaman siya"nakangising sagot ng katabi ko na di naman bagay sakaniya kasi kamukha niya yung aso ng kapitbahay namin.

"Tangina mo!!!"mura ko habang nakatingin sakaniya kaya napahalakhak siya.

"Ehemmmm"tikhim ng na nanggaling sa harapan kaya dun napunta ang tingin ko at ng makita ko kung sino iyon ay napaayos ako ng upo at siniko ang katabi ko dahil hindi niya parin napapansin na nandito na pala yung hinihintay ko.

Napahinto naman siya sa pagtawa kaya inginuso ko ang tao sa harapan kaya napatingin siya kung sino ang itinuro ko at ng makita niya kung sino iyon ay natigilan siya at napaayos ng upo.

"Goodmorning Prof.Andrade"sabay sabay na bati ng namin sa kaniya habang nakatayo kaya tumango siya at sininyasang magsiupo na kami kaya agad kaming nagsiupo.

Inilagay niya muna ang kaniyang mga librong dala at inayos ito,pinagmamasdan ko lang siya dahil nasesexyhan ako ngayon sa suot niya kahit lagi ko naman itong nakikitang nakauniform.

Pagkatapos niyang ayusin ang mga dala niya ay tiningna niya kami isa isa at ng mapadapo ang tingin niya saakin ay kinindatan ko siya kaya napataas ang kaniyang kilay bago ako irapan.

Habang nagdisiscuss siya sa harapan ay paminsanminsan niya akong tinatawag upang sagutin ang kaniyang mga tanong.

Nakakasagot naman ako minsan kahit na nakatulala lang ako sa kanya.

"I will dissmiss this class early today because i have to talk to miss.Saavedra about something important"biglaang sabi niya na nagpagulat saakin dahil sa pagmention niya sa apelyido ko.

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko habang ako naman ay nakasimangot.

"Miss.Saavedra follow me to my office"agad akong napatayo ng magsalita ito at lumabas ito ng hindi manlang kinukuha ang mga gamit nito kaya dahil maabait naman ako kahit papano ay kinuha ko ito upang dalhin sa opisina niya.

Habang naglalakad na ako ay pangiti ngiti ako dahil naisip ko na masosolo ko nga pala siya ngayon sa opisina niya kaya naman ang mga nakakasalubong kung mga estudiyante ay napapatingin sa akin sa ganda ko ba naman tskkk.

Pagkatapat ko sa opisina niya ay agad akong pumasok ng walang katok katok kaya naman ay nagulat siya.

"Don't you know how to knock Saavedra?"malamig na tanong nito habang nakatingin ng masama sa akin  pero nginisihan ko lang siya kaya mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya.

Agad akong umupo pagkatapos kung ilagay ang mga gamit niya sa may lamesa at hindi pinansin ang masama niyang tingin.

"So anong pag uusapan natin?"tanong ko sakaniya habang nakadikwatrong nakaupo sa upuan sa harap ng mesa niya.

"Where's your manner's Saavedra?"galit niyang tanong sa akin.

"Nasa bahay"pabalang kung sagot.

"Did your parents teach you good manners Saavedra?"galit niyang tanong na nagpainis na saakin.

"Sorry Maam pero their dead na"walang gana kung sagot na nagpatigil sa kaniya.

"Kung wala naman po kayong sasabihin ay aalis nalang po ako"malamig kung sabi bago tumayo at lumabas ng opisina niya.

Bago pa ako makalayo ay narinig ko pa na tinawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa dahil naiinis ako sakaniya.


................

Crazy(GxG)Where stories live. Discover now