KABANATA 3

699 14 0
                                    

Sinamahan ko si Prof.Ara na magpunta ng clinic dahil para malagyan ng ointment yung bukol niya.

Pagkatapos namin dun ay inihatid ko siya sa sarili niyang opisina at ngayon ko lang nalaman na malapit lang pala ang opisina niya sa opisina ni Prof.Andrade.

"Thank you sa paghatid Alex"Nakangiting pasasalamat ni Prof.Ara sa akin tas hinalikan ako sa may pisngi na nagpagulat sa akin.

Natulala ako saglit sakaniya sino ba naman ang di matutulala kung ang isa sa mga maladyosa mong propesor ay manghahalik nalang bigla sa pisngi mo.

Nabalik nalang ako sa ulirat ng magpaalam na siya na papasok na daw siya sa opisina niya kaya tinanguan nalang siya.

Nakangiti akong tumalikod upang sana ay aalis na ngunit nagulat ako ng biglang may sumolpot sa harap ko.

"Ay put@"nagulat kong bulalas kaya naman ay sinamaan ako nito ng tingin.

"Anong ginagawa niyo diyan Prof.Andrade?"takang tanong ko habang sapo ang dibdib ko.

"Nakatayo"pabalang at malamig niyang sabi saakin.

Napatulala naman ako sakaniya dahil di ko naman inaasahan na ganun ang isasagot niya.

Nilagpasan niya naman ako at naglakad papalayo saakin pero bago yun ay bumulong muna siya na di ko narinig dahil medyo nakalayo na siya.

Womanizer...

Pero hindi ko na iyon pinansin at naglakad nalang papunta sa cafeteria dahil bigla nalang akong nagutom.

Pagkadating ko ay agad akong pumila upang makabili ng pagkain dahil gutom na talaga ako.

Naghanap na ako ng maoupuan.

"ALEXXX!!!!"sigaw na nagpakuha ng atensiyon ko.

Nakayuko akong naglalakad papunta sa pinanggaling ng sigaw dahil nakakahiya pinagtitinginan na ako dahil sa hudas kong kaibigan na sumigaw ng pangalan ko.

"Upo ka"nakangiting aya saakin ni Vanessa siya yung kaibigan kung tumawag sa akin.

Pagkaupo ko ay bigla ko nalang itong binatukan ng sobrang lakas kaya halos mapasubsob ito sa lamesa.

"Gago ka"mangiyak ngiyak nitong sabi saakin habang hawak ang ulo nito kaya natawa naman ang isa ko pang kaibigan na nasa harap lang namin.

"Desurv"Sabi ni Dian pagkatapos ay humalakhak siya yung kaibigan ko na kaklase ko kanina sa klase ni myloves.

"Bakit kaba kasi sumigaw?"naiinis kung tanong dito.

"Kasi para marinig mo ako"Sagot nito.

"Anong akala mo sakin bingi?"naiinis kung tanong sakaniya.

"Oo"sagot na nakapag painis sa akin kaya napatawa naman si Dian kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Inirapan ko silang dalawa at di na pinansin,kumain nalang ako dahil gutom na talaga ang mga bulate ko sa tyan.

..........

Crazy(GxG)Where stories live. Discover now