CALLIE
"Ang laki ng Maynila, noh?" saad ng katabi ko. "Oo, kaya mag-iingat tayo dito," sagot ko. Ngayong lang kasi kami nakapunta sa Manila. Makikipagsapalaran lang dahil mas malaki ang sahod dito kaysa sa probinsiya."Asan na ba si Ate Minda?" tanong ulit nito. We're just waiting for Ate Minda, kababayan namin sa Nueva Ecija.
"I don't know, maybe mamaya pa," sagot ko sa tanong nito. Mamamasukan siya bilang katulong ng mga Quiñones, habang ako naman magiging secretary.
Nakapagtapos ako ng college with flying colors, si Shakira naman ay senior high school. Kahit gustuhin man niyang mag-aral muli, hindi na niya magawa. Parehas kaming iisang anak lang.
"Oh, Callie, Shakira, tara na," paghatak sa amin ni Ate Minda, bongga ang ate mo, naka-BMW sa pagsundo.
"Ang laki pala ng Maynila, noh, Ate?" sabi ni Shakira habang tinitignan ang dinadaanan ng sasakyan. "Oo be, pero hindi tayo dito sa Manila, sa Makati tayo. Si Callie lang ang maiiba dahil sa condo siya ng lima nating amo," paliwanag ni Ate Minda.
"Eh, saan yung condong sinasabi mo, Ate?" tanong nito. "Ah, doon sa Taguig sa BGC iyon. Pwede naman nating dalawin si Callie doon. Kailangan kasi ng mga amo na malinis ang condo. Minsan ay ipapadala tayo nila Madam Asuncion," paliwanag ni Ate Minda.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa Makati. Mas mataas ang mga building dito, mas asensado ang lungsod na'to, at malinis din ang paligid. Pumasok na ang sasakyan sa isang village na may malalaking bahay at mansion.
Huminto ang sasakyan sa may dulo. Pinakamalaking mansion ito dito sa buong village. "Nandito na tayo," pag-aaya sa amin ni Ate Minda.
"Dito ka muna, Callie, habang inaayos pa ang penthouse nila Sir Augustus," sabi ni Ate Minda, kaya tumango na lang ako.
Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang mamahaling mga gamit at mga katulong na nagkukumahog sa pagkilos at pagsunod sa dalawang batang naglalaro.
"Dilan, wag kang masyadong tumakbo," sabi ng babaeng kakaiba ang uniform kumpara sa mga katulong katulad ni Ate Minda. Hinahabol nito ang batang gwapong lalaki.
"Dyralyn, nako baka madapa ka, malalagot kami sa Papa mo," sabi pa ng isa pang babae na magkatulad ng uniform.
Nang mapansin kami ng dalawang bata, agad silang huminto. "Mama," saad ng dalawa at dali-daling tumakbo sa pwesto ko at tumalon, kaya naman nabitawan ko ang mga dala kong gamit at binuhat ang dalawa.
"DILAN CLYDE QUIÑONES AND DYRALYN HAVEN QUIÑONES!" sigaw ng isang malalim na boses na bumalot sa buong sala ng mansion.
Lalo namang siniksik ng dalawang bata ang sarili nila sa akin. "Mama, tell Daddy that we will never do that again," saad ng batang babae. "Mama, please hide us from Daddy," saad naman ng batang lalaki.
"Taray, Callie, may instant anak ka na," pagbibiro ni Shakira, kaya hinampas ko siya.
Pumasok sa sala ang isang lalaki na sa tantya ko ay 27 years old, naka-tuxedo at may suot pang salamin. "Dyralyn at Dilan, bumaba kayo sa kanya," saad nito sa dalawang batang hawak-hawak ko.
"No, Daddy, ayoko, baka umalis ulit si Mama," naluluhang saad ng tinatawag nilang Dyralyn. "Opo, Daddy, we don't want to let go of Mama," singit naman ni Dilan.
"Isa, mawawalan kayo ng toys and ice cream," saad ng lalaki sa dalawa. Umiling-iling ang dalawa. "Kahit na, ibibili kami ni Mama," sabi nila at sumiksik pa sa leeg ko.
Mahabaging Diyos, alam kong malakas ako pero baka isa sa kanila ay mabitawan ko. "ISA!" this time may galit na iyon at umecho sa buong sala.
"Ay nako, Sir, hayaan niyo na po. Huwag niyo lang pagalitan ang dalawa. I can manage naman po," pakikisali ko na sa kanila dahil naramdaman ko ang takot sa katawan ng dalawa.
"Pagpasensyahan mo na ang kambal, iha, masyado lang nilang na-miss ang Mama nila," saad ni Donya Asuncion. Kambal pala ang dalawa at iniwan sila ng Mama nila."Nako, okay lang po 'yan, Donya Asuncion," I said and smiled widely. "Oo nga po, tutal naman bali-balita sa probinsiya namin na buntis itong si Callie, bakit hindi po totohanin, diba?" nakangising saad ni Shakira, kaya napatawa ang matanda. Kinurot ko siya sa tagiliran dahil sa sinabi niya kaya umaray siya.
"Oo nga pala, wag niyo na akong tawaging Donya. Hindi ako ang mga magulang nila Dylon, I'm just their Lola. So just call me Lola Asuncion," sabi niya kaya tumango kami. Wala daw kasi ang anak nila Donya Asuncion dahil nasa States ito.
"Kelan po ako pwedeng lumipat, Don—I mean, Lola Asuncion?" tanong ko kay Lola Asuncion. "Inaayos pa kasi ang penthouse. Binili nila Chance ang nasa taas na penthouse, bali pag dudugtungin ang dalawang penthouse, kaya siguro mga next week pa. Mamayang gabi makikilala mo na ang iba pang kapatid ni Dylon," saad nito. Tumango na lang kami.
"Osya, magpahinga na kayo. Alam kong malayo ang binyahe niyo. Bukas ka na mag-start, Shakira. Sumabay na kayo sa amin mamayang gabi sa pagkain," nakangiting sabi ni Lola Asuncion, na ikinatango namin.
Hinatid si Shakira sa kadugtong na bahay ng mansion, doon daw kasi ang bahay ng mga katulong nila Lola Asuncion. Samantalang ako ay malapit sa kwarto ng kambal dahil magiging PA/Secretary ako ng lima. Kaya pala malaki ang sahod ko dahil lima pala ang pagsisilbihan ko.
"Hay, sa wakas," usal ko sa sarili ko nang makahiga sa malambot na kama. Kamusta na kaya sila Nanay? Ayos lang kaya ang kalagayan nila roon?
"Callie," rinig kong pagtawag sa akin sa labas, sinamahan pa ng katok. "Po," sagot ko rito at inayos ang magulo kong buhok. "Kakain na daw, sabi nila Madam Asuncion. Baba na," sabi ni Ate Minda. Siya lang naman ang nakakakilala sa akin kaya alam kong siya iyon.Inayos ko muna ang sarili ko. Nakapagpalit na rin ako ng pajama kanina, at hindi na ako nagpalit pa dahil kakain na rin naman kami, at pagkatapos nuon ay matutulog na.
"Hi, Mama," bati sa akin ng dalawang bata at hinalikan ako ng dalawa sa pisngi. Hinalikan ko rin ang mga ito sa noo. Buti na lang talaga at nag-toothbrush ako.
"Mama?" tanong ng lalaki. Doon ko lang napansin na kumpleto na pala silang lahat dito, kahit si Shakira ay nandito rin at nakatulala lang sa kawalan.
"Mamaya ko na lang i-explain sa'yo," sabi ni Lola Asuncion habang hinahanda ang pagkain. Isa-isa niyang pinakilala ang mga magiging boss ko.
"Ayan si Dylon, full name Dylon Aureliano Quiñones. Siya ang daddy nila Dilan at Dyralyn. He is an architect," pakilala ni Lolo Marquis sa lalaking nakasalamin, kulay lila ang mga mata. Namana ni Dyralyn ang mga mata niya.
"Ang nagsalita naman kanina ay si Jayce Jaheim Quiñones, kakambal niya si Dylon. Surgeon siya, kaya dapat ay hindi ka takot sa dugo dahil minsan lumalabas siya sa OR ng puro dugo ang kamay, minsan pa ang katawan niya," pagpapakilala ni Lola Asuncion sa lalaking may mix na blue at green ang mata.
"And that is Chance Maverick Quiñones, ang panganay sa kanilang lima. Engineer siya. Lagi silang magkasama ni Dylon kaya hindi ka na mahihirapan," pakilala ulit ni Lolo Marquis sa may gray ang mata.
"And that's Augustus Marcelo Quiñones, his pilot. Minsan lang siya umuwi ng Pilipinas. You just need to send his schedule via email, so don't worry," saad ni Lola Asuncion. Siya ang lalaki na may tattoo ng eroplano sa kanyang kanang braso, at ang mga mata niya ay blue.
"And their bunso but not totally, Kyree Lisandro Quiñones. He is a lawyer. Medyo mapanganib ang buhay niya but don't worry, they have a lot of bodyguards. Hindi manganganib ang buhay mo," nakangiting saad ni Lolo Marquis.
"Shall we eat?" baretonong boses ni Chance, na tila nagbibigay ng utos sa amin na kumain na.

YOU ARE READING
Quiñones Obsession
RomanceWarning this story contains Polyamorous Relationship Don't forget to vote and comment! Started:December 31 2023 Published:January 3 2024