Hi po! @PuddingEater or you can call me Yana. First story ko po ito. Sana po, suportahan niyo. :)
Chapter One
"Anak, samahan mo nga ko. Punta raw tayong palengke. Naglalaba tita mo eh."
Ani ni Tatay. Okay, lagi namang ako kasama. Sino pa ba. Eh mag isa nga lang ako.
"Opo tay. Magbibihis lang po." Sagot ko naman agad. Pumasok ako sa kwarto ko at dali daling kumuha ng white shirt at half pants. Sinuot ko na yun agad at tinali ang medyo mahaba kong buhok. Papalabas na sana ako pero napatingin ako sa salamin.
"Hahaha. Tingnan mo. Ang payat payat mo pag naka shirt ka. Tinatago ang taba!"Okay, I'm chubby. Haha. Sarap kuma--!
"Karissa Mae!" Sigaw ni Tatay. Nako po!
"Andyan na po!" Sumakay na ko sa likod ng Mitsubishi Tricycle namin. Na may pangalan pa sa harap na 'Karissa' . Oh! Diba! Hahaha!Umandar na ang mahiwaga naming tricycle papuntang bayan. Habang medyo mabilis ang takbo ng sasakyan ay dinadama ko ang pagdampi ng hangin sa aking balat. Simoy ng hangin na kaysarap.
(A/N: Makata Kari?)
Ano ba Author? Storya ko to. Tumigil ka!
"Pareng Karlo!" Sabi ng isang magandang misis na parang ka age lang ni Tatay, at siyang pagtigil ng tricycle namin.
"Mareng Rina!" Sabi naman ng tatay ko. Nako, nako! Matatagalan kami neto. Eh, kilala eh. Asan na yung palengke? Tumingin ako sa likod para di nila ko makitang magmaktol. Eh, magluluto pa naman si Tita ng Sinigang na Baboy na may gabi. Nakow! Sige,sige nagtatawa---
"Aray,aray! Sandali! Haller! Wait! Bakit,ba't mo ba ko hinihila? Close ba tayo,teh?"
Putek! May humila sa king lalaki at hinihila parin ako. Mas matangkad kesa sa akin. Naka red, medyo wavy ang hair, mabango. Wait, parang I'm complementing him naman na. Back to questioning this guy.
"Sandali nga!" Tapos ibinagsak ko yung kamay niya,na siyang ikinagulat niya. Napatingin siya. OhMayGad,GoodnessGracious. Kuya hilahin mo nako san mo gusto dahil ang gwapo gwapo mo. Sandali pabebe mode ON.
"Uhm,kuya? Ba't mo ba ko hinihila? Pwede mo naman akong kausapin eh."
Haha,ang arte ko niyan teh!"Stop the act Kari. Just follow me." Sabi ni Kuya Gwaping. Sandali, nickname ko yun eh. Kari sabi niya. Nakilala ko na ba to? Nabangga? Ninakawan ng pagkain? Di naisauli ang bolpen kaya naghihiganti? Naku, jusko kahit gwapo po ito,gabayan niyo po ako.
"I'm not that BAD,Kari." Jusko, ang gwapo ng boses. Ngunit! Hindi parin makakasiguro."Aray!" Binitawan niya bigla yung kamay ko. Masakit yun ah! Kung gusto mong isauli ko yung ballpen mo! Babayaran ko nalang,nawala ko na! Okayy? Oh kung naghihiganti ka, daanin natin sa magandang usapan? Ha?" Medyo, natulala siya sa mga sinabi ko.
"I don't know what you are saying Kari. Just let me--" I cut him off. So hindi siya schoolmate, pero bakit kilala niya ko?
"Excuse me, Mr. English boy! Kung akala mo di ko alam mag-English alam ko mag-English! Now, there are many questions that is wandering in my mind right now. First, why did you pull me? Second, why do you act like you know me? I don't even know you. And lastly, why do you know my nickname. Stalker ba kita? Sino ka ba, ha?" Okay, nawalan ako ng hininga dun ah. Nakapamewang pa ko. Daig ko pa ang isang host kung mag-interview.
"Okay,you can say that I'm a stalker. But lemme introduce myself. Antonio Riley 'Anri' B. Velasquez. 14. Grade 8. From Quezon City. Speaking English cause that's a policy from the school." Oh, wait, ba't ka lumalapit? Lumalapit habang nagsasalita? Ano to?
"I have two sisters and a labrador. Dad's an Engineer in the States, and my Mom is a Restaurant Owner. Now, can you just let me kiss you?" Sabi niya in his husky voice. Hanu daw? Kiss? Hindi ba yun yung pinapatay gamit ang tsinelas? (IPIS) Ay hindi, yung bitbit mo pag namamalengke ka? (LIST) "Siyaks! Kari,KISS,HALIK,SMOOCH." Sabi ng inner me. Itutulak ko na sana siya pero, it's too late. I am already pinned on the wall, and letting him take away my lips.
***********Yey! First chapter done! I really appreciate to the people who clicked on this story! Please Support me po. Newbie palang po ako. 😂😊
Abangan: Anong mangyayari kay Kari? At bakit iyon ginawa ni Anri? Magkaano ano si Tatay Karlo at Mareng Rina?
BINABASA MO ANG
Mr. Atat and Me
RomanceNakaupo lang ako sa likod ng tricycle ng tatay ko. Chill lang. Biglang nag stop over dahil sa may nakitang kakilala. Tumingin ako sa likod. Tapos may tumawag sa kin, at hinatak niya ko palayo sa sinasakyang tricycle. Di ko alam. Di rin naman ako uma...