Circle Of Love

4 1 0
                                    

Ruiz's Story
Chapter 3

It's beautiful Saturday , maaga akong nag asikaso ng aking sarili para sa panibagong araw nanaman ng trabaho. Until my phone rang at ng sagutin ko ito ay si Leah pala. Biglang nabuhayan ang umaga ko nang marinig ko ulit ang napakaganda nyang boses.

Hello?

Hello Ruiz good morning. Na disturb ba kita?

Good morning din, Leah Ikaw pala yan. Di ka naman nakadisturb actually ready na ko papunta sa work. By the way anong atin? Nakangiti kong sabi habang pinipigilan ang emosyon sa saya.

Am tatanongin sana kita kung free ka mamayang 6 pm to hang out, total free ako that time kase wala sina mom and dad.

Amm, Eh kase mamaya pang 7 pm ang tapos ng shift ko sa work eh pero free na ko ng 7:30 kaso nakakahiya naman sayo kung maghihintay ka pa.

It's ok, pupuntahan nalang kita sa workplace mo, don nalang kita hihintayin at 7 pm ok ba?

Nako Leah nakakahiya naman sayo maghihintay ka pa sa akin.

Ok lang basta I want to hang out with you. So can you give me your workplace address para alam ko kung saan kita pupuntahan.

Sigeh, Sa North Sampaloc Street may makikita kang Resto doon na ang name ay Row Seas Resto.

Sigeh see you there at 7 pm I'll wait for you. Sigeh bye bye na Ruiz.

Sigeh bye Leah.

At natapos ang conversation namin na hindi nawawala ang ngiti ko. Grabe she'll wait just to hang out with me, I feel so special. Anyways I have to go to work before it's too late.

Maaga naman akong nakarating sa work ko kaya nag simula na agad akong magtrabaho dahil unti unti nang dumadami ang customers kahit it's 5 am palang ng umaga.
Ewan ko nga ba kung bakit pwede naman silang magluto sa bahay nila pero nagpapakagastos pa para kumain dito sa mamahaling resto. Pero sa bagay malaki naman ang pakinabang ng mga customers nayan kasi lumalaki ang kita ng pamilya ni Axel. At nadadagdagan din ang sweldo ko so ok lang kahit ang dami kong pinagsisilbihan.

It's already 12 nn at may konti akong pahinga  until dumating ang friend boss kong si Axel with his new girl nanaman. Grabe talaga last time iba ang kasama nya tapos ngayon Iba nanamang girl, pero anyway wala naman akong magagawa he's really a chick boy even his parents can't stop him being like that. So dahil best friend ko naman sya eh hinahayaan ko nalang tsaka boss ko din sya. Gaya ng dati he called me again.

Hey Ruiz come here, maangas nyang pagtawag sa akin. Dahil boss ko sya at nasa oras ako ng work even it's my break time ay nagrespond ako sa kaniya as his employee.

Yes sir, do you have an order? Magalang kong paglapit sa kaniya. At nagulat ako sa ginawa nya nang hindi pa ako masyadong nakakalapit sa table nya ay tumayo sya at lumapit sa akin sabay akbay. Madalas nya namang gawin yun sa akin dahil nga tropa ang turing nya sa akin kaya sanay akong inaakbayan nya ako kaso syempre ibang usapan na yon kapag nasa workplace. Boss ko sya at trabahador lang nya ako. Minsan talaga wala syang pakialam sa pwedeng mangyare sa negosyo nila.

Ano ka ba naman Ruiz , masyado ka namang magalang sakin para namang hindi mo ko kaibigan nyan eh. Pangunguwestiyon nya habang ginugulo ang buhok ko.

Boss kita at higit sa lahat nasa oras ako ng trabaho dito sa resto nyo kaya dapat akong rumispeto sa mas nakakataas sa akin ok. Mariin kong sabi sa kaniya habang pilit kong inaalis ang kamay nya sa pagkakaakbay sa akin.

Ito naman masyado kang pormal, kunin mo na nga lang yung menu at mag oorder tong baby girl ko. Malandi nyang sabi habang umuupo sa Tabi ng babae nya at nakuha pa nyang halikan yung girl sa harapan ko. Chick boy talaga.

Circle Of LoveWhere stories live. Discover now