Ruiz's Story
Chapter 5Grabe wala talagang kupas ang ganda ni Leah. Nakatulala nanaman ako ng palihim sa kaniya habang sya naman ay busy sa pakikinig sa lesson namin. Ako na hindi nakikinig sa lesson at walang ibang ginawa kundi pagmasdan ang kagandahan ng katabi kong si Leah. Ewan ko nga ba habang tumatagal lalo syang gumaganda sa aking paningin.
Ok class dismiss... Pagtatapos ng aming guro.
Hay sa wakas natapos din... Pabulong ko sa aking sarili kahit hindi naman talaga ako nakinig sa klase namin.
Tara sa canteen Ruiz gutom na kase ako eh, treat kita. Pagyayaya ni Leah sa akin habang nakahawak sa kamay ko.
Sigeh pero wag mo na akong i treat, nakakahiya naman sayo..Nahihiya kong sabi sa kaniya.
Ah basta ililibre kita, walang hiya hiya. Pagpupumilit nya habang hinila ang kamay ko para sumama sa kaniya kayat sumama na ako.
Isang orange juice po at isang pancake.
Wika ni Leah sa tinderaHow about you Ruiz anong food ang gusto mo , pili ka na and don't worry ako bahala, treat ko naman eh. Nakangiting sabi ni Leah sa akin. I smiled at her.
Isang orange juice din po at one chocolate cupcake. Pagbaling ko sa tindera at sinabi ko ang order ko.
Naupo kami sa isang table para don magkwentuhan habang kumakain. Hanggang sa may naungkat na isang bagay si Leah na medyo hindi ko ikinatuwa.
Favorite mo rin pala ang orange juice? Nagtataka kong tanong kay Leah habang nakatingin ako sa kanya.
Ah hindi naman masyado, actually Pineapple juice talaga ang favorite juice ko. Pagsagot nya sa akin habang nginunguya ang pagkaing hawak nya.
Eh bakit parang orange juice ata ang napusuan mo ngayon? Mapang usisa kong tanong sa kaniya.
Tumitig sya ng ilang segundo sa akin at dahan dahang ngumiti.
Ah wala lang gusto ko lang, sawa na rin kase ako sa kaka pineapple juice kaya nagtry naman ako ng Iba. Halatang medyo pagsisinungaling nyang sagot sa akin sabay iwas ng tingin.
Sorry kung masyado akong mapang usisa pero I think may mas malalim ka pang dahilan, friend mo naman ako eh so you can share what's on your mind. Nakangiti kong sabi sa kaniya. At dahil nga malaki ang tiwala nya sa akin ay may mga bagay syang nabanggit at inungkat sa akin.
Ah Ruiz may tanong lang ako sayo.
Ano yun, sabihin mo lang.
Matagal na ba kayong magkakakilala nina Axel at Zero?
Oo actually nagsimula ang friendship naming tatlo tatlong taon na ang nakalipas.
Ang tagal na pala ano, so kilalang kilala mo na sila pareho?
Oo naman, sa tatlong taon naming pagkakaibigan at samahan ay marami na akong nalalaman sa kanilang dalawa.
Eh si Zero, anong mga characteristics nya. Biglang tanong ni Leah sa akin na may kislap sa kaniyang mga mata.
Don palang ay may nahahalata na ako Kay Leah.
Si Zero, mabait sya at marespeto. Pero teka bakit ka nagtatanong tungkol sa kaniya?
Ah eh wala lang naman.
Sure ka?
Haysss sigeh na nga....Crush ko kase yung friend mo, si Zero.
Napatulala ako at hindi nakaimik sa nalaman ko. Ang babaeng hinahangaan ko, I mean crush ko na siguro ay may gusto sa kaibigan ko. My God it's not good. So ano yun karibal ko si Zero Kay Leah oh no.