Ilang araw na hindi na muling nagpakita si Trixie kay Peach matapos ang pangyayaring yon. At tuwing maglalakad sya sa buong kampus ay dinig na dinig nya ang bulungan ng ibang studyante
"Ayan yung babaeng matapang" bulong ng isa. "Nako mukang katapusan na nya" sabi naman ng isa. Pero hindi nagpaapekto si Peach sa mga naririnig nya. Dala dala nya sa sarili nya ang tapang at determinasyon na mag aral at hindi magpa api sa kung sino man.Habang tinatahak ni Peach ang landas patungo sa locker room ay unti unti ng umiiwas ang mga tao at tila ba may nakaabang na mangyayaring hindi maganda..pero patuloy na naglakad si Peach.
Sa harapan ng kanyang locker ay kinuha nya ang susi sa kanyang bag upang ilagay ang kanyang mga gamit. Ngunit laking gulat nya sa kanyang nakita at agad syang sumigaw.
"ANLALAKAS NYO!!! SINONG WALANGHIYA ANG NAGLAGAY NG TAE SA LOCKER KO!! ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO!!" Halos mapuputol ang litid na sigaw ni Peach.
Makikita sa mga muka ng mga studyante na tila alam na nila ang ibig sabihin non.
Ng biglang dalawang studyante ang lumapit at agad sya piniringan at iginapos at pilit na binitbit sa kung saan.Habang hinihila sya patungo sa isang liblib na lugar sa paaralan ay patuloy ang pagsunod ng lahag ng studyante.
"BITIWAN NYO AKO!! SAN NYO AKO DADALHIN!! MGA WALANGYA KAYO!! PAKAWALAN NYO AKO!!" nagpupumiglas na tila ba nauubusan na ng lakas si Peach.
Hanggang sa narating na nila ang likod ng Lazaro Building na kung saan isang grupo ang nagiintay.Agad na tinanggal ng dalawang lalaki ang piring ni Peach. At tumambad sa kanya ang pamilyar na mukha ng apat na lalaki na tila ba itinuring na nyang demonyo.
Walang iba kundi ang f4."Ano ibig sabihin nito? Bat nyo ginagawa to? Bat nyo ko dinala dito? Anong kasalanan ko sa inyo?" Sunod sunod na tanong ni Peach.
"Andito ka para sa isang sorpresa hahahah" natatawang sabi ni Carl
"Tiyak hinding hindi mo malilimutan ang araw na ito" tila pabirong sabi naman ni Charles.
Si Jheric naman ay walang imik na nakatingin lang sa kanya at tila ba seryoso ang mukha.
Unti unti namang lumapit si Noel sa harapan nya at sinabing " Diba sabi ko sayo, ipapakilala ko kung sino ako." Hinawakan nya ang baba ni Peacg at iniangat ang mukha. "Umalis ka sa school na to o magiging kalbaryo ang buhay mo" dagdag pa nito.
Ngunit matapang na iniwas ni Peach ang kanyang muka, dumura sa sahig at sinabing. "Hindi ang kagaya mo ang makakapagpaalis sa akin dito!! Hindi kayo at lalong hindi ikaw!!" Sigaw nito.
"Ah ganun ba?" Sabi ni Noel. Sabay labas ng gunting at hila sa sapatos ni Peach na tila ba ay konting lakad na lang ay bibigay na.
"Napakaganda naman ng sapatos mo binibini" sabay harap sa mga tao at sumigaw. "Guys, hindi ba totoo naman!! Napakagandang sapatos nito diba?"Tawanan at halakhakan ang narinig na sagot ni Peach sa mga studyante.
"Ibalik mo sakin yan!!!Bigay pa yan ng nanay ko. Kaya kung ano man ang itsura nya. Sira man yan at nakanganga na. Proud akong isusuot yan araw araw dahil.pinagpaguran ng magulang ko yan! Kaya ibalik mo yan!" Sabi ni PeachNgunit matapos nyang magsalita ay walang pagdadalawang isip na ginupit at tuluyang sinira ni Noel ang sapatos at inihagis sa basurahan at sinabing "Dyaan nababagay ang sapatos na yan! Sa basurahan dahil kagaya mo isa kang basura!" Sabi nya sa muka ni Peach
Hindi nakapagpigil ay bumangon si Peach at isang malakas na sampal ang binigay sa binata. Na lubhang ikinagulat ng lahat.
Wala ni isa sa mga studyante ang kayang gumawa noon. Kaya naman nasa utak ng nga studyante na mas malala ang maaring maging kapahamakan ang mararanasan ni Peach sa kanyang ginawa sa f4 lalo na kay Noel.Nakahanda na ang kamao ni Noel at isang iglap na lang ay dadampi na sa muka ni Peach ngunit isang kamay ang pumiligil dito.
"Tigilan mo na yan. Babae pa den yan. Palagpasin mo na lang" hindi inaasahan ng lahat na isa sa f4 ang aawat at magsasabi nito. Si Jheric.
Sa sobrang galit. Isang matalas na tingin ang iniwan ni Noel at tuluyan ng umalis. Kasunod na sila Charles at Carl at ang iba pang studyante.
Naiwan si Jheric at Peach
"Bumangon ka na dyan" sabi ni Jheric kay Peach at pagkatapos at sumunod na den sa naunang umalis na f4.
Naiwan ng magisa si Peach na lumuluha at tila ba kaaawa awang sisiw.
YOU ARE READING
F4 BIÑAN
RomanceA story of a girl na walang ginawa kundi magemote. Magbasa na lang kayo