Part 1 #Enrollment sa Perps

0 0 0
                                    

"Ma hindi ko naman kailangan mag aral sa University na yun, tapos ano? Kayo ni Papa araw araw akong kokonsensyahin pag nakikita ko kayong kuba sa pagtatrabaho makapagbayad lang Tuition, pwede naman ako sa PUP Biñan na lang para wala na tayong bayaran" pagpupumilit na saad ni Peach habang hinihila sya ng kanyang mahulang papunta sa registration office.

Si Peach ay graduate ng St.Michaels College, pribadong school sa Binan. Nakapagtapos sya ng Senior High doon sa paggapang ng kanyang magulang upang matustusan ang pagaaral nya sa private school. Kaya naman alam nya ang hirap ng mga ito dahilan upang tumanggi sya na ipagpatuloy ang pagaaral sa mataas na unibersidad. Siya ay anak ng tindera ng gulay na si Aling Alphora at traffic enforcer na si Mang Ivan. Ngunit tila ayaw magpatalo ng magulang ni Peach sa pagtanggi nyang mag aral sa University of Perpetual Help Binan. Dahil naniniwala ang mga ito na lahat ng mauunlad na pamilya ng Bayan ng Binan ay nakapagtapos sa university na ito.

"Okay. Okay mama papa!! Papayag na ako dito mag aral, pero sa isang kondisyon, Hayaan nyo akong magtrabaho at maging working student para naman hindi lang kayo ang nagsisikap na paaralin ako. Matatanda na kayo ma pa, hindi naman maganda na dahil lang sakin ay araw araw kayo mapapagod. Sige na, hayaan nyo na ako magtrabaho" hiling ni Peach. Agad namang sumang ayon ang kanyang mga magulang.

"Basta anak, ayaw naming papabayaan mo ang pagaaral mo. Ikaw at ang paaralang ito na lang ang pag asa nating makaahon sa hirap" wika ni Aling Alphora.

"At anak, kahit nagtatrabaho ka, hayaan mo pa ring magtrabaho ang tatay ah. Malakas pa ata to."
Nagyayabang na sabi naman ni Mang Ivan.

Masaya ang mag anak na tumungo sa registration office at matagumpay na nakapag enroll  at opisyal na studyante na ng University of Perpetual Help Biñan na si Peach Harake.

Ngunit sa pagsisimula ng kanyang bagong tadhana sa unibersidad na ito. Isa palang malaking pagsubok ang nakaabang sa kanya. Pagsubok na magbibigay ng pasakit at hirap sa kanya. Pagsubok na magdudulot ng luha at hinagpis. Malagpasan kaya nya ang mga ito?

Matapos mag enroll ay nagpunta na sila sa Lilies upang mamili ng mga gamit.

F4 BIÑANWhere stories live. Discover now