CHAPTER 12: CAUGHT

9.1K 345 10
                                    

Quinn's POV

Sa limang araw kong pagkakaroon ng trabaho, pag-uwi ay lagi akong nakakaidlip sa sala. At sa tiwing magigising ako galing sa idlip, may blanket nang nakapatong sa'kin. Wala namang ibang gagawa no'n kundi si Argavante. But tonight is different.

I woke up, freezing. Niyakap ko ang aking sarili. This is expected. She's mad because I keep ignoring her hints. If that's the case, baka habang-buhay nalang kaming hindi magpansinan.

...

I'm currently in the dining table, eating the foods that Ariadne had cooked, alone. Something feels off. Hindi pa lumalabas ng kwarto si Argavante. Usually, maaga siyang nagbi-breakfast. Baka nga magsisimba pa dapat 'yon ngayon. She doesn't miss a single meal. Kahit kaunti ang kinakain niya, she still eats on time.

Dahil parin ba sa nangyari kahapon? Galit parin? She took her anger to another level huh? Bahala siya.

Naghanap ako sa google maps ng malapit na laundry shop para magpalaba. I passed by a hospital, just near Argavante's house. I didn't know there was a hospital here. Magaling nga talaga siyang pumili. A flower shop, coffee shop, convenience store, and then a hospital.

Pagkatapos kong dalhin sa laundry shop ang mga madumi kong damit ay bumalik din agad ako sa bahay. I checked the foods I left for Argavante. Hindi parin nagagalaw. Alas-diyes na. It's getting weirder.

Naglinis nalang ako ng kwarto ko para magpalipas ng oras. Halos kalahating oras lang ay tapos na agad. Hindi ko na ulit alam ang gagawin. Bumaba ulit ako para tingnan kung kumain na ba siya. Hindi parin. Bumalik ulit ako sa kwarto ko. What if ayusin ko nalang ang laman ng cabinet ko? Yung mga damit ko, hindi na maayos ang pagkakasalansan.

Napadaing ako. Fine. I'll talk to her to know how she's doing. After that, hindi ko na siya kakausapin magpakailanman.

Bumuntong-hininga muna ako bago kumatok sa pinto ng kwarto niya. Two knocks. No response. Okay, two more. Wala parin. I'm tapping my foot on the floor as I cross arm. Kumatok pa ulit ako ng tatlong beses pero wala talagang sumasagot.

"Hey," tikhim ko. Nagbabakasaling marinig niya. "I was just gonna ask if you still wanna eat breakfast? Kasi kung hindi, kakainin ko na 'yon." Wika ko sa mas malakas na boses.

Naghintay ako pero wala parin akong nakuhang sagot. Imposibleng tulog pa 'yan. Halos kabisado ko na routine niya. Maaga siyang nagigising, pagkatapos magluto ni Ariadne, kakain na siya. Tapos magri-ready para pumasok sa school. Kapag dismissal time na, magmamadali 'yang umalis. Akala mo laging may lakad. But honestly, I'm curious on why she's always in rush to leave school.

"Argavante?" Tawag ko ulit.

Maybe she left? Nah. Hindi nga 'yan umaalis nang hindi kumakain.

"Hey? Safiyya? Nandyan ka ba?" Tanong ko habang paulit-ulit na kumakatok. "One dot kung nandyan ka."

Damn it.

Bumaba ako sa kusina para maghanap ng butter knife.

"Stop me if you want. I'm gonna open your door using a butter knife." Sigaw ko mula sa labas.

I slide the butter knife on the crack between the door and the doorframe. I kept sliding it until I felt a metal which is the doorknob's lock. I pushed my knife until it successfully unlocked the door.

Mabilis kong binuksan ang pinto. Her room was empty. May maliit na kahon lang sa ibabaw ng kama. Nilapitan ko 'yon at tiningnan ang laman. To my horror, I saw Argavante laying on the floor. Natakpan siya ng kama kaya hindi ko agad nakita.

Mabilis ko siyang dinaluhan. I gently tapped her shoulders.

"Argavante," tawag ko sa kanya. She's not responding. I searched for her pulse. Still beating.

Trapped [RWS #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon