ᜀᜇᜏ᜔sa tuwing sasapit na ang dilim,
dudungaw sa bintana,
pakikipagtitigan sa maliwanag
na buwan at sisilay ang isang ngiti
nasa mata ay kabaliktaran ng saya.kapag nasisilayan ko ang puting
buwan na iyon, biglang pagsagi mo
sa isip ko, kasabay noon ang pagkirot
ng dibdib ko.sa bawat pagtitig ko sa buwan,
ikaw ang tanging pinapaalala
isang magandang nilikha,
isang maliwanag na bagay
at sa sobrang layo–
ay hindi ko na maabot.hindi ko na alam kung
kaya pa kitang abutin, ngunit
tulad ng paglisan ng araw,
sa kanyang asul na kalangitan,
kailangan kong tanggapin ang
reyalidad, magkaiba tayo'ng dalawa
hindi tayo parehas ng mundong
ginagalawan.nararapat kong ilugar ang
sarili ko, kaya narito ako ngayon
pinapanood kung papaano kang
sumaya kasama ang makinang
na bituin na s'yang naging
karamay mo sa gitna ng dilim.nandito ako, nasasaksihan ang
pagsulat nyo ng kwentong
dalawa na ang tanging ganap ko,
ay isang lamang araw, na pilit
hinihintay na magtagpo ang
landas nating dalawa.
BINABASA MO ANG
Beyond the Surface
PoetryI'm inviting you to delve into the depths of my own mind and experience the world through my unique perspective. These book are a culmination of my innermost thoughts, emotions, and observations, crafted from the whispers of my own subconscious. Thr...