2

5 1 0
                                    

GEORGE

I was told that my father raised me well for being polite to people, for helping those in need, for giving my seat to an elderly man in the train, and for sharing a table with a stranger in a fast food chain.

It was the bare minimum of being a decent human; why make a fuss about it? My father, whom they consider lucky for having me as his child, did not guide me at all.

Little did they know that I grew up on my own.

Siyam na taon lang ako nung mamatay ang mama ko, at siya ring pagkuha niya sa custody ko.

"Buti nga sa kaniya at nasunog siya. Iyan ang napapala ng mga makakating may asawa na, kumekerengkeng pa sa iba."

I cried helplessly as he threw my mother's ash in the air. I looked at his eyes, there's no emotion on it all. It's dark and murderous.

Is this the life I want to be living?

Iyan ang tanong ko nang ikulong niya 'ko sa bodega. Hindi pinakain o binisita man lang. Isang madilim, maalikabok at malamig na espasyo lang ang yumayakap sa katinuan ko.

I just want to rest so bad that I want to kill myself because of hunger and dehydration.

Fortunately, ang lolo ko ay sinubukan akong iligtas at kuhanin ang costudy sa kaniyang anak. Pero nakalusot si Tanda, kaya hanggang ngayon ay nasa poder pa rin niya 'ko.

"Fernan... anong kademonyohan ang pinaggagawa mo? Sarili mong anak, kung ituring mo ay parang daga! Kung hindi mo aalagaan ng maayos ang apo ko ay kukunin ko siya sa 'yo."

Napabuntong-hininga ako nang marinig ang pag-aaway nila. Maya-maya pa ay natahimik ang bahay, lumabas doon si Lolo na hindi ako tinatapunan ng tingin.

Mula noon ay kinasuklaman ko na ang mga taong nagpakita ng kaunting pagaaruga ngunit tatalikod din dahil sa takot na masangkot.  O baka nasuhulan.

Hindi malabo.

"Y-Yaya? Pati ba naman ikaw iiwan ako?"

"K-Kasi... 'di ba ilang taon na rin naman ako na naninilbihan sa inyo? Miss ko na sina Angelito, ang mga anak ko. Pasensya na ha, pamilya ko naman ang uunahin ko."

"Nanang, pakiusap. Isama niyo na 'ko. Ayaw ko na rito... kita niyo naman 'diba? Kung itrato ako ng ama ko, parang 'di ako kadugo. Maawa ka sa akin, Nanang. H-Hindi ko na kaya tumira rito." Yinakap niya ako ng mahigpit.

Pinatahan niya ako at binigyan ng isang kahon ng dutch milk.

"Huwag ka mag-alala, 'nak. Nangako si Fernan na aalagaan ka niya. Kaya panatag ako."

"At naniwala ka naman, Nanang? Gabi-gabi, binubugbog ako no'n. Hindi pinapakain. Kahit nga nariyan ka, ay sinasaktan pa rin ako. Paano pa kung lalong wala nang makapipigil sa kaniya?"

Natahimik siya.

"H-Heto ang address ko. Nandiyan na rin ang number ko. Kung kailangan mo ng tulong, tawagan o puntahan mo ako."

Inabutan niya ako ng limang libo,"Itago mo. Baka sakali lang. Mabuti nang maghanda kaysa kikilos ka na walang kahit ano. Pasensya na, George. A-Alis na ako. Bibisita na lang ako tuwing birthday mo, o 'di kaya sa pasko."

Only IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon