Prologue

2 0 0
                                    

"Ano pa hinihintay mo? Magsara itong mall bago ka makapili?"

I asked Kallaine. Pinanood ko siyang mag libot-libot sa loob ng clothing store na hanggang ngayon hindi pa rin nakakapili ng damit kahit mag iisang oras na kami rito. Kagagaling ko lang sa trabaho at masakit pa ang batok ko sa ilang oras na pagtutok sa computer.

"Init ng ulo ha?" Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Sorry naman. Syempre reunion natin bukas, dapat ako yung main character doon."

Oh right. Reunion pala namin. Hindi ko man lang naisip at maghanda para doon. Kallaine seems to read my expression that made her gasp a little. Apakaoa talaga ng babaeng to.

"Don't tell me kung hindi ko pa sinabi hindi mo pa maaalala?" Lumapit siya sa isang damit na nakasampay at inilapit sa katawan niya at sinuri kung ito ay babagay ba. I rolled my eyes because she's right. Kung hindi niya pa sinabi tiyak didiretsyo kaagad ako sa apartment ko bukas pagkatapos ng trabaho. 

"Oo na. Pero kailan ka ba talaga matatapos dyan?" I checked my watch. Mag 7 pm na at hindi ko napapakain si Cassy. Kanina pa siguro gutom iyon.

"Ito na po. Nakapili na po ng damit." Humarap siya sa akin at ipinakita ang damit na napili niya. Bagay naman sa kanya. It really suits her fair and white skin. I wondered at bakit hindi pa rin siya makapili kung ang halos ng damit naman na naririto ay bagay sa kanya. At grabe naman niya paghandaan ang reunion. Parang may kameet-up lang eh.

I suddenly stop when a thought popped on my mind. Nakatingin lang ako sa kanya habang may naglalarong ngisi sa aking labi. Mukhang alam na niya ang iniisip ko dahil unti-untinng nanlaki ang mata niya.

"Hoy! Mali ka ng iniisip." Kaagad siyang tumalikod at dumiretsyo sa counter. I laughed as I followed her to the counter. Lumingon pa siya sa akin habang masama ang tingin. "Tigil mo yan kundi nmamalasin ka buong taon."

"Para kay ex pala ah." I continued teasing her.

 Hindi naman siya makatingin sa akin habang umiiling. Tinakpan pa niya ang isang tenga niya. Tinigil ko naman ang asarin pa siya at baka umiyak pa to. Pagkatapos niyang magbayad sa counter lumabas na kami sa counter. Bumili lang kami ng take out foods dahil sabi ko kailangan ko na talagang umuwi. We bid our goodbyes then we separated ways.

Malapit lang sa mall ang apartment niya at kayang lakarin. Kaya anlakas mang-aya eh. Pumara lang ako ng taxi at sinabi na ang location. 

Kinuha ko ang susi na nasa bag ko at saka binuksan ang pinto ng apartment ko. I was greeted by a dark room so I searched for the switch and turned it on. Pagkabukas ng ilaw ay hinahanap ko kaagad ang pusa ko na natutulog sa taas ng sofa. I carried Cassy who purred and immediately snuggled me from waking up. Miss na miss naman ako ng baby ko.

Pinakain ko lang siya at pagkatapos saka ko inasikaso ang sarili ko. I took a half bath after I ate my dinner. Dumiretsyo ako sa kwarto pero I made sure na lock ang pinto at mga bintana. Tinapos ko ang trabaho ko na hindi ko natapos kanina. Being an accountant is really tough. Minsan wala na akong tulog matapos ko lang ang trabaho kong parang walang katapusan. 

Good thing I'm surving. Kahit nakakapagod araw-araw at parang ayaw mo na magpatuloy sa pagtatrabaho ay wala kang magagawa. You just have to endure it because it is the only thing that keep me from losing myself. Habang tumatanda parang hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat gawin ko sa buhay ko. Parang wala na akong maisip na gawin since I'm already an adult. Nakagraduate na ako at may trabaho na.

What now? I already reached my goal. Masasabi ko rin na stable ako kasi naafford ko na rin ang mga materyal na bagay. Now that I already have a job, wala na akong goal sa buhay. And it sucks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Way To HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon