1

5 0 0
                                    

“Sue! Binigyan mo siya ng heart shape chocolate tapos ako wala” maiyak iyak na sabi sa akin ni Geo

Umirap naman ako sa kanya tsaka tinalikuran. Lagi na niya lang ako kinukulit simula naging magkatabi kami sa upuan, nagtataka nga ako our last names are not the same, nor are they in alphabetical order. Ngayon naman ay tinatawag na naman ako sa pangalan ko para pansinin siya.

“Ano ba yan Geo, ang iyakin mo," habang kinukuha ko yung cupcake sa bag ko “Ayan sayo na lang” inabot ko na lang yung natitiramg cupcake para kay Shamei sana.

Pinunasan naman niya agad ang luha sa kanyang pisngi at kinuha agad ang inaabot ko.

Ngumiti siya “Salamat” Tinikman niya muna bago tumingin ulit sa akin “Bakit mo kasi binigyan si Lee?”

“Dahil ka partner ko siya sa Dance Competition last week, just my thank you gift for him. Tsaka bakit ka kasi tanong nang tanong, kalalaki mong tao ang chismoso mo"

Aalma pa sana siyang magsalita, but Ma'am Erlyn arrived in our classroom as expected. She is our class adviser.

“Okay class please sit down and pick some trash under your sit,” Tumingin siya sa bawat silong ng upuan namin “Dalaga at binata na kayo dapat lagi niyong gawing malinis itong room”

“Settle down now class and please be quiet,” Huminga muna si Ma'am bago nagpatuloy magsalita “Malapit na ang ating Exam, gusto ko lang kayo kumustahin kung nakapagreview ba kayo?”

Umiling ang karamihan sa amin kasama na ako. Hindi ko naisip na malapit na pala ang exam, I was totally occupied about my dance competition with Lee.

Our room is filled of murmuring, dahil sa announcement ni Ma'am Erlyn pati itong katabi kong si Geo ay naging seryoso ng marinig ang tanong ni ma'am.

“But before that, you have a new classmates,” tumingin ito sa pintuan, pati na ang karamihan sa amin dahil inaabangan ang paparating na bagong estudyante.

Napakunot noo naman ako Ma'am Erlyn used classmates, hindi lang isa? Kundi dalawa o tatlo? Napakibit-balikat na lamang ako dito at tumingin na din sa pintuan.

“Come here,”

Lumabas ang naka pig tails at nakasuot ng white t-shirt, pink skirt, at naka shoes. I like her hair! Maybe same age as me. Napangiti ako tsaka kumaway sa kanya.

Tumingin ito sa amin at nagpakilala “Hello, I am Vinave De Vera, I hope we get along”

“Wala si Mr. De Vera, Vinave?”

“Bukas po ang dating niya”

“You may sit down Ms. De Vera sa katabi ni Ms. Ilano” kumaway naman ako para alam niya agad kung saan siya uupo.

Matapos ang ilang oras, dumating na din ang lunch break. Tumayo agad ako sa upuan at inayos ang iilang notebook na nailabas ko para makapag sulat.

“Sue, dating upuan. Una na ako sa canteen” tsaka ito tumalikod

I was busy arranging my things inside my bag when I see Vinave crying. Minadali kong ilagay sa bag lahat ng hawak ko, at lumapit sa kanya.

“What happen Vinave? Are you okay?”

“I don't have any friends here, my asshole kuya is not here now,” hinaing niya sa akin

“Then we are now friends”

Tumingin ito sa akin ng nagtataka. Agad ko pinakita ang kamay ko para i shake hands niya, and gladly she accept it.

Shadows Of My Silent HeartWhere stories live. Discover now