15

506 15 0
                                        

15: Red

"Bakit ang tagal mo Sarah!" Rinig kong sigaw ni ma'am Ching. Isa sa mga ayoko dito ang tataray kasi nila. Pero hindi palagi. Kapag late o absent ka ganon.

"Sorry po," sagot ko. Napalingon ako kay Casey at napanguso lang dahil ayokong makita niya 'to nahihiya ako!

"Ay! Good afternoon Miss Casey!"

Nagulat ako sandali sa pagbati sa kanya ni ma'am Ching. Tapos tumayo rin ang ibang staff para batiin rin si Casey. Hindi naman nakakagulat dahil si Casey Miller 'to pero ang nakakagulat ay ang reaksyon nila.

"Coffee niyo po," sabi ni Casey. Ayoko na kasi magpasama pero mapilit siya. Hindi ko alam kung bakit.

"Salamat! Naku salamat!" Tumingin sa akin si ma'am Ching sandali.

"Welcome."

"May gusto po ba kayo?" tanong ni ma'am Ching at umiling lang si Casey.

"Ah wala naman po sinamahan ko lang si Sarah."

"Ah magkaibigan pala kayo?"

"No," sagot ni Casey at nakita ko ang pagkunot ng mga noo nila. Wag niyo na akong tignan dahil ako rin hindi ko alam kung bakit hindi pa niya ako kaibigan.

Ang astig lang dahil parang kontrolado niya lahat ng bagay at tao dito sa University.

"Thank you Casey," sabi ko nang pumasok na sila sa mga office nila.

"Welcome. Don't tire yourself, okay?"

"Hindi naman ako pagod," sagot ko.

"Alright."

Ayoko pa siyang umalis! Pero kailangan na niyang umalis. Baka marinig pa niya kung gaano kabilis at kalakas ngayon ang tibok ng puso ko.

"Ang tahimik ng batang iyon eh, ngayon ko nga lang narinig magsalita 'yon."

"Tagalog pa."

"Oy magkaklase ba kayo?"

Napalingon ako kayna ma'am Ching. Akala ko titigil na sila. Pero ilang minuto lang ang lumipas simula nong umalis si Casey ay nagkagulo na naman sila.

"Kay gandang bata 'no!"

"Ah hindi po, architect student po ako," sagot ko.

"Hindi ba siya architect?" tanong ni Sir Robert isa sa mga staff dito.

"Hindi po, engineering," sagot ko.

"May mga kaibigan pala 'yon 'no? paano kayo nagkakilala?"

"Ah ihatid ko na po 'tong leave form niyo sa HR," sabi ko. Para lang makatakas kunwari may gagawin ako.

Hindi nga ako sigurado kung magkaibigan kami!

"Ay hindi na kami na," sabi ni ma'am Ching bigla. "Oh ihatid mo 'to sir Robert!"

Kahit naiilang ako dahil first time 'to. Palagi naman talaga akong nauutusan simula nong napunta ako dito.

Pero tinigilan na rin nila ako.

Nang natapos ako sa duty ay agad na akong lumabas at pumunta ng library para asikasuhin na ang research namin.

Nang matapos naman kami ay umuwi agad ako ng Dormitory dahil napagod ako.

"Wala pa si Casey?" tanong ko kay Max na kakalabas lang ng banyo at nagsisipilyo pa. Umiling lang siya bilang sagot.

Umuwi rin ako dahil baka lang nakauwi na siya. Naligo muna ako at nagpalit na rin ng damit at hindi pa rin siya umuuwi.

Sarah: ingat ka pauwi!

Sent.

Huminga ako ng malalim. Grabe ang lakas ng loob ko para sabihan siya na mag-ingat! Pakiramdam ko kasi may connection na kami!

Ang lakas na ng pagkadelulu ko.

Hanggang sa nauna ng matulog si Max at ginagawa ko pa rin ang plates ko. Hindi naman ako pressured sa school activities namin ngayon kaya hindi ko naman kailangang magpuyat pero hinihintay ko kasi siya. May mga naiwan pa siyang plates sa table niya na hindi pa tapos.

Natigilan naman ako sandali nang biglang bumukas ang pinto.

Casey!

"Hey you're still awake," sabi niya. Dala-dala niya ang gitara niya.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na hinihintay ko siya diba?

"Ah oo patulog na rin, tinatapos ko lang 'to," sagot ko.

"Okay."

fb: lisnaej02

Captured by the beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon