Chapter 23

6.3K 85 2
                                    

Chapter 23

"Are you sure you're okay?" Nag-aalalang sabi ni Nikolaus. Natapilok kasi ako kanina dahil hindi ko nakita ang daan. Medyo madilim kasi sa hallway ng second floor.

"Okay nga lang. Tsaka na-check naman na ako ni Ryker. Hindi naman daw malala, 'di ba? Walang bali, walang pasa. Yelo lang ang katapat nito. Tamo bukas, wala na 'to." Sagot ko at napabuntong-hininga naman siya.

"Okay. Take a rest now." Tumango tango naman ako.

"Goodnight, Nikolaus."

"Hm, goodnight." Hinaplos niya pa ako sa ulo bago tuluyang pinatay ang table lamp. Hindi pa siya magpapahinga dahil may kailangan pa raw s'yang tapusin sa baba. Hinayaan ko na siya dahil tinamaan na rin ako ng antok.

Maaga akong nakatulog kagabi kaya maaga rin akong nagising ngayon. Nakabangon na ako agad dahil okay naman na ang paa ko. Parang wala lang nangyari. Bumaba agad ako sa baba para magluto ng umagahan namin. Sinadya ko talaga ito dahil mas gusto ko pa rin ang lutong pinoy. Pero hindi ko naman sinasabi na hindi masarap ang Italian foods.

Nagluto ako ng karaniwang almusal gaya ng cheesedog, itlog na may kamatis, toasted bread na may butter at asukal, at cereal. Ito lang kasi ang mga nakita ko na pamilyar at puwedeng lutuin sa ref na pang pinoy. Nagsaing na rin ako at ginawa itong sinangag. Wala naman kasi silang bahaw. Iyong kagabi pa na sinaing at galing pa sa ref. Mas masarap kasi sana iyon na isangag. Pagkatapos, naghiwa na rin ako ng iba't ibang klase ng mga prutas.

"Ang bango, ah!" bungad agad nina Briggs at Nero, kagigising lang pero mga bagong ligo.

"Ikaw ang nagluto, Miss Malia?" Sina Ryker at Avel naman ang dumating.

"Halata naman, bro. Pinoy na pinoy, oh!" Dumating din si Faolan kasama si Theron na tiningnan lang ako.

"Umupo na kayo at kumain," yaya ko sa kanila. "Si Nikolaus pala? Hindi niyo kasama?" Dagdag ko pa pagkaupo.

"Hindi ka ba tinabihan kagabi, Miss Malia?" May pang-aasar pa sa boses ni Nero.

"Hindi ko alam kung bumalik ba siya kagabi. Nagising ako na wala siya sa kwarto," seryosong sabi ko.

"He's still sleeping in another guest room. Do you think he will sleep next to you?" Napatingin ako kay Theron nang bigla s'yang magsalita. Bigla rin naging tahimik ang paligid nang dahil sa kanya.

"Wala naman akong sinabing gano'n, Theron," nanatili akong kalmado at ako na ang nagpakumbaba sa kanya.

Hindi na nasundan iyong pag-uusap namin dahil dumadating na sina Don Yael, Don Gabriel, at Don Mario. Masaya nga ako na nagustuhan nila iyong hinanda kong mga pagkain kahit hindi naman ganoon karami ang niluto ko.

Si Nikolaus ang pinakahuling bumaba. Hindi mo aakalaing bagong gising siya dahil nakaligo na siya at nakasuot na ng suit. May jazz hat pa s'yang suot sa ulo.

"Nikolaus, kumain ka-" tumayo ako para ipaghanda siya ng plato sa mesa pero agad niya akong pinutol.

"How's your foot?"

"Uh, okay na. Magaling na." Sagot ko. Pinakita ko pa ang paa ko na maayos na. Tango lang ang naging sagot niya sa akin at bumaling naman sa kanila.

"Is everyone done with breakfast? If yes, let's go. We've got a long day ahead." Napakunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya.

"Aalis na kayo agad? Hindi ka pa nga nag-aalmusal. Tsaka pa'no ako?" Hindi pwedeng maiwan ako dahil kasama ako sa naging plano nila kahapon. Huwag n'yang sabihin... na hindi niya na ako isasama dahil sa rason n'yang delikado?

"There's something we need to take care of first before heading there. Let's just meet on the boat, and Lorenzo will accompany you there. Don't be late, and always carry your gun with you." Sinagot niya lang ang tanong ko nang paalis na sila. Nandito na kami sa bungad ng pintuan at hinihintay nalang ang mga sasakyan na gagamitin nila.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon