Dear Pangarap,I am tired chasing the dream na hindi ko alam kung para sa akin o sa iba? Nakakapagod yung ganyan eh. Sa totoo lang wala na akong magawa kong hindi naman talaga para sa akin pala ang pangarap na inaasam kong maging.
Mali ba na masaktan sa pangarap na hindi para syo? O sadyang hindi muna sa ngayon pero darating ang panahon na maging akin na yung pangarap na talagang inaasam asam ko? Lord, guide me to walk the path that you made for me that leads to the right direction. Pangarap lang ba talaga kanalang or hihintay pa ako ng ilang taon bago ka makamtan? O kailangan na akong bumalin sa ibang bagay na naghihintay na pansinin?
Tingin ko mali na bigyan ko ng pansin ang ibang bagay, ngunit nakakabigat ng damdamin sa tuwing iniisip kita, pangarap kong inaasam. Kinakailangan na ba na kakalimutan ka ng pansamantala o habang-buhay? Nang sa gayun hindi na ako muling masaktan pa sa tuwing sumasagi ka sa aking isipan o kung pwede ko lang mawala ang mga alaalang ng ganon kadali gagawin ko ngunit ayaw kong kalimutan ang naging karanasan kong naging parte na ng buhay ko. Ayaw kong kalimutan nalang ang mga bagay na kahit sandali naging parte ng malaki sa buhay ko naging dahilan kung bakit na buhay ako, ngunit kong papipiliin ako mas gugustohin ko nalang na huwag akong masaktan sa tuwing maalala ang pangarap na minsan kong minahal ng sobra sa buhay ko.
Hindi madaling magdesisyon ng agad-agad na parang bula lang na kapag pinutok ko nalang ang bula wala na agad akong maramdaman na sakit dahil sobarang solid ng tinanim ng CAT sa akin na ang hira-hirap bumitaw ng ganon ganon nalang. Ayaw na ayaw kong bitawan ka pangarap ngunit parang ang hirap na manatiling kapitan ka ng matagal dahil sa tuwing akoy lalapit na naman na para kumapit parang napapaso akong nasasaktan dahil para ang hirap mong abutin.
Lord, pwede mo po bang ipaintindi sa akin kung ano ang dapat na gawin ko? Bigyan niyo po akong ng mga bagay na nagpapahiwatig sa kung ano ang dapat kong gawin o kailangan ko pa bang ipagpatuloy na gayun kahit kailan hindi naging pabor si Mama sa pangarap na ito. Ayaw ko nalang pong managarap ng sobra dahil ang pangarap ko pong minahal ko ng tudo at inasam ng sobra sobra hindi ko po agad na bitawan ng maaga po eh. Masakit mn pero ang hirap po talagang bibitawan ko nalang ang pangarap na ito Lord.
Naging panatag man ang aking damdamin na naisulat ko ang nasa isipan ko ngunit nakakabigat ng damdamin ang salitang pangarap na minsan ko na kinapitan at niyakap na madaling nawala. Hanggang dito nalang ba ang pangarap na ito? Hindi ko na alam sa totoo lang ayaw kong bumitaw ng agad agad, pwede bang bigyan mo pa ako ng oras panahon upang pagdedesisyonan ko ng taimtim.
LOVE,
Mine03/18/2023
This diary of mine was actually almost a year now hehehe...
BINABASA MO ANG
Diary Of a Secret Person
No FicciónSekretong kailan man walang nakakaalam at makakaalam kahit kailan man na kahit mamatay...