Chapter 10 ( Cold as Ice )

27 2 1
                                    

Amber's POV

Pakiramdam ko ang tanga ko for letting gabby down. God! What have I done? She's a kind person, charming and most of all romantic in her own way. Nagpatalo na naman ako ng mga what ifs and doubts ko! Nakakainis.. Looking at Gabby's eyes after ko syang eh reject , nararamdaman ko ang pain, pain ng pagkabigo, pain of rejection. I should not have done that. God knows kung gaano ko kagusto ang mabigyan ng atensyon mula sa kanya, but I slip it away. Sinayang ko. Now what ? Here I am, I don't know what to do.

I took a deep breath while shaking my head..

"Baka malunod ako nyan, ang lalim ah!" Napalingon ako sa likod, pagtingin ko si nikka. Alangan naman magtagalog yung co -workers kong taga uk. Hahaha

"Hey, kanina ka pa?" Tanong ko kay nikka na pilit na ngumiti

"Not really, sakto lang na nakita kita dyan na nakatulala na ang lalim iniisip. What's wrong?" Pag-aalala ni nikka

"Ah, wala naman, masakit lang ang ulo ko" pagsisinungaling ko

"Ulo at puso! C'mon! Tell me what's wrong, kilala kita amber, kaya sabihin mo na" pangungulit ni nikka

"Si gabby kasi, nasaktan ko sya?" Pag-amin ko sa kanya..

"Paanong nasaktan?" Tanong ni nikka

"Kasi nagconfess sya sakin, sinuyo pa nya ako, kinantahan pa ako tapos ahe asked me kung pwede daw ba nya akong ligawan"

"Oh tapos?"

"Ayun nga, di ako pumayag na ligawan nya. Alam ko kahit di sabihin sakin ni gabby, alam kong nasaktan sya sa ginawa ko."

"Akala ko ba gusto mo din sya? Bakit di ka pumayag?"

"Oo, I like her, I really do, baka nga mahal ko na sya eh, kaya lang--"

"Kaya lang ano? Natakot ka? Nag-alinlangan ka na naman? Gosh, amber! You like her, she likes you too pero di mo man lang hinayaan yung tao na patunayan nya yung sarili nya sa 'yo.." Sermon ni nikka

"Alam ko ang tanga ko.. Pero kasi, di pa talaga ako handang magpaligaw. Hindi ko alam." Naguguluhan kong sabi

"Hindi ka pa pala ready eh, dapat hindi mo na pinaasa yung tao.."

"Hindi ko naman sya pinaasa ah!"

"Ay shunga lang te? Noong sinabihan ka nya na she likes you diba sabi mo din na you like her too, at may pa take it slow ka pa nalalaman! Syempre umasa yung tao na mag level up yung kung ano ang meron kayo, kaso sa level 1 palang yung tao fail agad"..

Tumahimik nalang ako, tama naman si nikka eh. :(

"Kung ayaw mo sa kanya, dapat sinabihan mo agad sya straight to the point wala ng paligoy ligoy pa, para di ka na makasakit ng tao."

Nakayuko lang ako, habang nagsesermon si nikka, wala naman kasi akong maisip na isasagot sa kanya..

"Ano ba hitsura ng gabby na yan at palagi mo nalang tinatangihan?" Tanong sakon ni nikka

Sa sinabi nyang yun, kinuha ko ang cellphone ko pinakita ko sa kanya yung photo ni gabby,. Hindi nya alam na kinukuhan ko sya ng pictures nun habang nag videocall kami, may nakawacky may seryoso at may nakangiti. Haha, ang cute lang talaga ni gabby, kaya di ko nga lubos maisip kung bakit wala pa din tong girlfriend, eh sure naman akong madaming babae ang magkakadarapa dito at isa na nga ako dun, kaso nasa akin na sana yung atensyon nya, ako naman tong nag-iinarte dahil sa letcheng mga pag-alinlangan ko. -_-

"So sa hitsura nyang to tinanggihan mo?" Tanong ulit sakin ni nikka

"Hindi naman sa totally tinanggihan best, ano kasi---"

UnintendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon