One:

839 7 1
                                    


"To another three years of boring existence."

Bahagya lang ang pagtawa ni Danniel sa sinabing iyon ni Lawrenz bago pinag-untog ang beer can na hawak nilang dalawa. Kasalukuyan silang nasa yacht ng kaibigan kasama si Quiel, Rainen, Lenard, Alleine at ang kapatid nitong si Cyron. Napag-isipan nilang mag-unwind dahil sa sunod-sunod at walang pahingang trabaho at ng dumating siya sa yate ni Renz ay hindi niya inaasahang naroroon din ang mga kaibigan-mga kaibigan na mas mabilis pa sa ipis dati kung magsipagpulasan kapag may mga babaeng nagbabanta sa mga ito ng seryosong relasyon.

But now, almost all of them are now married. And even he would admit na nahahalata niya sa mga mata ng mga kaibigan na ihaharang ng mga ito ang katawan sa bala huwag lang masaktan ang mga babaeng pinag-aalayan ng mga ito ng mga puso nito.

Tinungga niya ang laman ng beer can bago ibinaba iyon sa lamesa habang patuloy sa pagtatawanan ang mga kaibigan before he proceeded to the deck and stared out into the dark, blue ocean. Nasa kalagitnaan sila ng karagatan and there was nowhere else to look at but the stretching ocean. Kahit maingay ang mga kasama ay napapayapa pa rin siya.Sa gitna ng karagatan ay doon lang siya nakakaramdam ng pahinga. And he was thankful na pinaunlakan niya ang imbitasyon ni Renz na tumuloy sa Palawan dahil matagal na rin naman bago siya nakapagpahinga.

Maya-maya lang din ay babalik siya ng Manila. Wala si Draiken at Cameron doon dahil isinama ng mga magulang ang mag-asawa sa New Zealand kasama si Denniz para sa annual board meeting ng Medical World. At minsan lang mawalan ng maiingay sa bahay kaya sasamantalahin niya at lulubusin ang ilang araw na wala ang buong pamilya upang magpahinga muna. Besides, it isn't like the Medical World would fall without his presence.

Tatlong taon na din ang nakakalipas ng umalis sila ng Empress. No, they didn't really quit. Empress assigned them to an eternity of servitude sa Empire at mga sister companies nito. It was Andee and Keem's punishment because three years ago, muntik ikamatay ni Renz ang huling mission nila sa Iraq. Prior to that, nadamay sila Andee, Tyronne at Cyron sa banggaan ng mga rebeldeng tinutugis ni Draike na nagtatangkang patayin ang asawa nitong si Cameron. And before that, muntik ding mamatay si Reeven sa mission nito sa Lithuania which cost Jaycee's life; his ex-fiancée. Sunod-sunod ang disgrasya nilang iyon and since mukhang nairita na sa kanila si Andee, pinasipa sila nito paalis ng Empress.

Danniel couldn't help but shake his head. Matagal na nilang kakilala ang tiyahin ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin nila alam kunggaano kalawak ang connection nito-sila nila Keem at Keith. She'd already counted years ngunit parang hindi lumipas ang impluwensya nito. Damn, the old witch-or so they like to call her as-could still probably control them kahit pa nasa ilalim na ito ng hukay.

Naalala pa niya ang sinabi nito sa kanila noon.

"Even if I am already six feet under the ground, babangon at babangon ako oras na malaman kong may mali sa pamamalakad sa Empire o sa paraan ninyo ng paggasta sa buhay ninyo."

Danniel laughed. Of course, he adored the old witch. Hindi man sila kadugo nito ay tinuring sila nitong tunay na pamilya kaya ganito kalaki ang pamilya nila. He couldn't remember a time na wala si Andee upang gabayan sila. And although she's such a controlling witch, still, utang nila lahat ang buhay nila dito. If it wasn't for her and Keith, hindi sila magtatagal sa loob ng Empress.

And now, as surprising as it may sound, hindi niya nakita ang sarili na magtatrabaho sa loob ng Medical World bilang head ng CS office nito, the secret security team of the said company na siyang namamahala sa strict na pangangalaga sa sekyuridad ng kompanya. And although his job in Medical World bores him to bereavement, still, it was the closest thing to Empress.

Empire: Danniel MontezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon