Two:

296 3 0
                                    


"Have you seen his face?! My God! Nakakatawa! I've never seen Danniel show any reaction and the reaction he was giving away awhile ago, it was comical! Kung hindi lang niya ako sisitahin ay talagang pagtatawanan ko siya."

Mabilis na isinara ni Florence ang pintuan ng kwarto ni Cleo at hinarap ang kaibigan. "What's up with you?" aniya in fluent French. Napag-usapan nilang kapag may pag-uusapan sila regarding sa pamilya't kamag-anak ni Renz, kailangan ay mag-French sila para walang makakaintindi. "Nababaliw ka na ba, Cleo Micaella?"

"Bien sur que non, ma cherie." Natatawang tanggi nito bago umupo sa dulo ng kama.

Florence was still confused. "Alors quel est le probleme?Ang weird mo kaya. Aba Cleo, hindi ka pwedeng mabaliw. Ang bata mo pa para makulong sa asylum."

Nagkibit balikat ito, mababakas pa rin ang amusement sa mukha. "There's no problem, Florence. And besides, hindi ako nababaliw, ano?"

"If you're not going crazy, ano'ng ibig sabihin nung reaction mo kanina?Para kang tanga."

"What do you think of Danniel?"

"Danniel Radcliffe?"

Siniko siya nito."Danniel Montez, stupid.My cousin."

"Ah." Tinanggal niya ang suot na cardigan bago sumalampak sa carpeted na sahig at tinanggal ang combat boots na suot. Florence squared her shoulders. "He's... nice."

"Nice?"

"Polite. Tall, dark and—"

"Handsome." Pagtutuloy ni Cleo at muling tumawa. Nawi-weirdo-han na talaga siya sa kaibigan. Kung talagang kailangan ng ipasok ito sa mental ay siya ng mismo ang kakaladkad dito dahil naguguluhan na siya sa ginagawa nito. "Exactly your type, Florence."

Ngali-ngaling batuhin niya ito ng sapatos niya kung alam lang niyang hindi masasaktan ang kaibigan. Amongst the two of them, mas feminine talagang kumilos si Cleo. At habang babaeng babae naman ito, she was labeled a tomboy. Dahil lumaki siyang nagtatrabaho sa plantasyon ay napaligiran na siya ng mga lalaki. And she was the type to adapt easily to her surroundings. And besides, hindi naman niya kailangang magbihis ng maganda dahil pagbubungkal ng lupa at pag-aalaga ng mga kabayo at tupa ang trabaho nila sa Alsace.

Ng hindi siya magsalita ay tumayo si Cleo mula sa kinauupuan at sumalampak sa harapan niya. "Darling, Danniel is attractive, isn't he?"

"Obviously. I have never seen someone as handsome as him. Bakit nga?"

"Bagay kayo."

Doon na siya tumawa ng malakas. "Right. Bagay kami, my ass!" she quoted her previous invective in sour amusement. "Kailan ka pa naging cupid, Cleo?And besides, alam mong hindi ako pumapatol sa lalaki."

Natawa na rin ang kaibigan niya. Cleo knew she wasn't telling the truth. Of course, despite her manly exterior, she is a woman deep down. "Come on, Rence. Stop lying. Hindi ka marunong nun. And we all know na hindi ka naman talaga tomboy. You're a romantic and a foolish one for the very same matter."

"Okay. So what are you implying? Two weeks lang tayo dito. Don't tell me you'd play cupid and hook me up with your cousin."

"Ayon ba ang gusto mo?"

Ipinamulsa niya ang kamay. Baka kung ano pa ang magawa niya sa kaibigan. "Masasapok na kita, Cleo.Kilabutan ka nga sa mga pinagsasasabi mo dyan." Ng muling tumawa ito ay napailing na lang siya. "Seriously, what are you thinking? Kinakabahan na ako sa iyo. Nababaliw ka na bang talaga?"

"No, stupid."Pinitik nito ang noo niya. "I was just thinking that maybe, this vacation will be fun."

Florence groaned. Alam niyang may napansin ang kaibigan at hindi sinasabi sa kanya ang dahilan ng nakakatakot na kaligayahan nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Empire: Danniel MontezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon