Choose

1 0 0
                                    

"Kailangan mong magpasya, Kreia. Ako? O ang pamilya mo?" Gulong-gulo at hindi na alam ni Kreia kung anong una niyang gagawin pagkatapos siyang papiliin ng kanyang boyfriend na si Leonel.

Apat na taon na silang magkasama pero lingid sa kaalaman ng nakakarami ay patago lamang ang kanilang relasyon sa lahat ng tao. Tanging ang mga magulang lang nila ang nakaka-alam sa relasyon nila at walang balak ang mga itong isa-publiko.

Sino ba naman kasi ang matutuwa kung ang ka-relasyon ng anak mo ay anak lamang ng isang magsasaka. Mahirap, dukha o kahit ano pang pwedeng itawag ng mga taong matataas ang tingin sa sarili, sa kapwa nilang mas nakakababa sa kanila.

Una pa lang ay tutol na ang mga magulang ni Kreia sa kanilang relasyon pero sa huli ay pinabayaan rin nila ang anak sa dalawang kadahilanan. Una ay ang itago ang relasyon sa maraming tao, at ang isa...

Ang kaniyang magulang pa rin ang pipili ng kaniyang papakasalan sa huli. At ngayon nga ay dumating na ang araw na ito.

Kailangan nang pumili ni Kreia, ang pamilya ba niya o ang lalaking minamahal? Ang pinupuna ba ng isip o ng kanyang puso? Ano bang mas matimbang sa kanya?

"Hindi ko kayang mawala sila sa akin, Leon." Nanghihinang sambit ng dalaga at paunti-unting bumitaw sa pagkakahawak ni Leon.

Pero hindi pa rin sumuko ang binata. Tinanong niya ulit si Kreia sa pangalawang beses. Imbis na tuluyang bitawan ay mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya rito.

"Kreia, kaya kitang buhayin. Papatunayan ko sa mga magulang mo na hindi porke't mahirap lamang ako ay hanggang dito na lamang ang papel ko. Maghahanap ako ng magandang trabaho, pagbubutihin ko ang lahat. Paki-usap... huwag kang bumitaw." nagsusumamo nang sambit ng binata. Lumuhod pa ito sa harap niya at paulit-ulit na hinalikan ang kamay ng dalaga kahit na may halo na itong iilang butil ng luha.

"Mahal na mahal kita, Kreia. Ako na lang sana..."

"Leon..." Napahikbi na ang dalaga, hindi niya kayang makita ang kanyang kasintahang naka-luhod na sa harap niya at nagsusumamo. "Paki-usap rin. Itigil na natin ito, ikakasal na ako... sa iba. Kalimutan mo na ako.."

"Hindi, hindi..."

"Leon naman..." pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak ng binata sa kanya kamay pero mas lalo lamang itong humihigpit. At sa sandaling iyon, hiniling ni Kreia na sana... sana hindi na lang siya ipinanganak na mayaman. Sana... hindi na lang siya ipinanganak sa mundong puno ng utos at responsibilidad. "M-mahal rin naman kita." Tuluyan nang bumiyak ang boses niya, kasabay nang unti-unting paglaki ng biyak ng kanyang puso.

Leon was her first love. Halos lahat ng una na hindi niya naramdaman sa kaniyang pamilya ay naramdaman niya rito.

"Pero alam mong hindi ito tama. Una pa lang..." Una pa lang pero pinilit nilang dalawang ilaban ang kanilang pagmamahalan. Nagawa man nila itong malampasan, ngunit panandalian lamang.

Hirap na hirap na siyang makita ang kasintahang parang walang naririnig sa lahat ng kanyang sinabi. Nagawa niya itong saktan noon para mabawasan man ang sakit kung sakaling darating ang araw na ito. Ngunit, hindi siya tuluyang nagtagumpay.

At kung ito pa rin ang paraan para bitawan na siya ni Leon. Handa siyang gawin para rito. "Kaya itigil na natin ito! Hindi tayo bagay! Mahirap ka! Hindi ka papantay sa akin! Hindi ka para sa akin! Kalimutan mo na ako! Paki-usap Leon!" Nag-ipon siya ng lakas para magpumiglas ngunit nawala rin ang kakaunting lakas na 'yon nang tuluyan na siyang nabitawan... o sinadya siyang bitawan ng lalaking kanyang pinakamamahal.

Nanginginig ang kanyang katawan, nangangatal ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa lalaking nakaluhod pa rin sa kanyang harapan. Nais niya itong yakapin, halikan at aluin. Gustong-gusto niyang lapitan ang lalaki at piliin na lang ito.

C H O O S ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon