CHAPTER 26

167 5 0
                                    

Kelsey POV

Nagising ako sa ingay ng katabi ko, umagang umaga walang filter ang bibig

“Beh, ano yang kumagat sa leeg mo? Malaking lamok ba?! E chikini—” Agad kong sinampal ang bibig ni Harley, ang ingay mong tangina ka

“Izipperr mo yang bibig mo, umagang umaga walang filter, gusto mo masaksak?!” Sigaw ko sa kanya

“Eh kasi aalis na tayo mamaya at may ganyan ka sa leeg? Sino ba sumipsip sayo?!” Sabi ni Harley

Sino ba? Edi si Solana. After sa nangyari kagabi hindi ko na siya nakita, sabi ni Professor Carmen na una na sa campus si Solana, excited siguro. Pero ang totoo iniiwasan niya ako.

“Wala, wag mo ng itanong kung sino.” Walang ganang sabi ko

Habang nagliligpit ako ng mga gamit ko ay may biglang nag text sa akin.


09897+
:Handa kana bang mamatay?

 
                                                oo beh, ang ganda ng prank mo, baka ikaw papatayin ko.:

09897+
: I'm not joking around Kelsey.


Pagkabasa ko ay bigla ko itong nabitawan, t-talaga bang hindi siya nag bibiro? Hindi, No, baka dinadaan niya lang sa I'm not joking around pero ang totoo joke time lang pala, shutangina naman bahala na nga siya.

“Gaga bilisan mo kakaligpit ng gamit mo, lalarga na tayo shutangina pag nalate talaga tayo sa graduation, papatayin kita pasalamat ka aalis kana ng bansa after this!” Sigaw ni Amilya sa labas ng kwarto

Sumigaw kalang beh, wala akong paki

Kinuha ko na kaagad ang bag ko, pagkalabas ko sa kwarto ay bumungad sa akin ang pangit na mukha ni Amilya. Ampangit niya.

Nandito na kami ngayon sa loob ng Van, katabi ko si Stacey, dahil ang bebeluvs niya nauna na sa campus, si Professor Carmen ang natitirang Professor dito sa Van, siya kasi yung driver, si Professor Raganas kasi sumama siya kay Ysabelle pauwi sa Campus.

Tinapik ni Stacey ang balikat ko, kaya nilingon ko siya.

“Mamimiss kita, mag iingat ka sa Switzerland ha, pag ikaw sinaktan ni Solana, siya ang papatayin ko.” Nakangusong sabi ni Stacey

“Hindi, hindi niya ako sasaktan beh, don't worry” Ngiti ko sa kanya

“Pag yan talaga tsk tsk, inalagaan kita since 5 years old tayo, kaya wag na wag ka niyang sasaktan” Madiing sabi ni Stacey

Tumawa lang ako dahil ang seryoso niya, parang tanga si antee

Since 5 years old kami palagi niya akong nililigtas, para siyang living superhero para sa akin

Habang nag uusap at nag chichika kami ay biglang huminto ang Van.

Anyari? Na flat ba?

“Wag kayong lalabas!” Sigaw ni Professor Carmen

Nag simula akong kabahan, anong nangyari? May zombie apocalypse na ba? Omg wag sana

Maya maya ay bumalik na si Professor Carmen. “Pasyensya mga beshy, may dumaan kasing kambing, tinulungan ko lang”

At mabilis niyang pinaandar ang van, nang makarating kami sa campus ay nagbihis mo na kami sa comfort room. Andaming nakatingin sa amin beh, parang hinuhubaran na kami tangina

“Beh, hubad kana ay tayo pala HAHAHAHA” Sabi ni Harley kaya binato ko ito

“Ang bastos mo manyakis!” Sigaw ko dito

Lost In Your Eyes [COMPLETE]Where stories live. Discover now