Naku! ma l-late nako sa first subject ko! Kong bakit ba kasi napasarap ang tulog ko at di namalayan ang aking alarm, hindi rin ako ginising ni nanay kasi maaga siyang umaalis para sa kanyang trabaho, isa siyang cashier ng isang shop kong kaya't maaga talaga siya at siya na rin nagbubukas non.
Dali-dali akong pumunta ng banyo at naligo, nagsipilyo, nagbanlaw, at nagbihis, hindi na nga ako nakapagsuklay dahil sa pagmamadali at pumuntang kusina, kumagat ng sandwich na gawa ni nanay at kinuha yung baon na gawa din niya.
"Sorry nay maya nalang ako kakain ng tama hehe, labyu"
At dali-dali ding tumakbo palabas ng bahay at ni lock yun at pumara ng tricycle, halos bumaba ako ng nito kahit hindi pa ito humihinto buti nalang nadala ko ang Id ko kaya't pinakita ko ito saglit sa guard at nong tumango siya kumaripas na ako ng takbo. Hingal na hingal ako habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa tuhod, tiningnan ko ang relo na nakayakap sa palapulsohan ko, five minutes nalang at first subject ko na, lakad takbo ako sa corridor habang chene-check kung may naiwan ba kong gamit oh wala.
Halos tumilapon ang kaluluwa ko ng mabangga ko ang isang pader, ganon na ba ako ka lutang para hindi yun mamalayan? Hiindi ako tuluyang natumba dahil sa mainit na bakal na nakaalalay sa likod ko, oha! Hindi libro ang tumilapon ano? Handa kasi ako sa gantong pangyayari, ganto kasi yung mga nababasa ko sa mga libro at wala akong planong mag lovelife, pft weh?
Tiningnan ko yung pader na nabangga ko para sana samaan ng tingin, pero halos lumuwa ang mata at nalaglag ang panga ko ng malamang hindi siya pader, t-tao siy-- h-hindi anghel siya, maliban nga lang sa seryoso niyang titig na parang galit.
Napatitig ako sa mata niyang itim ang kulay, nakakahipnotismo pag ipagpapatuloy mo ang pagtitig, perpekto ang hugis ng kanyang panga na para bang pinaglaanan ng oras ang pagkagawa sa kanya ang tangos ng ilong at sobrang pula ng kanyang labi nahiya naman yung mapuputla kong labi na wala man lang liptint. Yung buhok niya na hanggang leeg ang haba pero lalo lang yung nagkakadagdag ng kanyang karisma.
Sa unang pagkakataon parang tumigil sa pagtibok ang puso ko at tumigil din sa pag-ikot ang mundo at tanging siya lang ang nakikita ng dalawang mata ko, sa unang pagkakataon sa komplikadong mundong ito parang nahanap ng puso ko ang kapayapaan.
I cant stop staring, parang hinihigop nito ang atensyon ko na dapat sa kanya lang ako tumitig, para akong naging uhaw sa haplos at atensyon niya, ano itong nararamdaman ko? Bakit ganito? Para akong nanghihina.
"Done staring?"
'hindi pa, charought'
Dahil sa sinabi niyang yun napapiksi ako at umayos ng tayo, dahil sa tangkad niya sumakit yung leeg ko, pakiramdam ko kanina pa ako nakanganga kaya tinikom ko muna ang aking bibig.
'nakakahiya ka Era'
"Watch where you're walking next time" aniya sa seryosong boses kaya bahagya akong napatango ng dahan-dahan, sa hindi malamang dahilan biglang dumilim. . . ang. . . lahat. At sa pagdilat muli ng aking mga mata nasa classroom na ako at nasa harap namin ang first subject na professor ngayong umaga at nag d-discuss. At wala na ang gwapong nilalang sa harap ko, panaginip lang ba iyun?
BINABASA MO ANG
The Demons Embrace: The Awakening
FantasyElira is just a simple girl, ulila na sa ama at ang kanyang ina nalang ang nagtataguyod sa kanilang dalawa, isang masipag na estudyante na ang nais lamang ay maka-pagtapos ng pag-aaral at ma-i-ahon ang kanilang buhay sa kahirapan. Ngunit ang akalan...