C H A P T E R 1

10 1 0
                                    


"Do you class believe that God and Goddesses exist?"

Out of nowhere na tanong ng isa sa major subject namin na professor, I mean its weird because we are a psychology major and I don't even know if related ba ang methology sa psychology, well maybe? I don't know.

Some of my classmates raise there hand and saying they believe in God's and goddesses and they elaborate their explanations, well it is a personal choice and people may have different reasons for their beliefs.

"Who else can answer that question?" nilibot niya ang paningin niya sa buong klase nong malapit ng tumama ang paningin niya sakin, yumuko ako typical na estudyante ayaw mapahiya pag di nakasagot. I do have an answer but I don't wanna oppose to their beliefs.

"Ms. Valor" bigla akong napaangat ng tingin sa kanya.

"Po?" peyborit talaga ako ng professor na to nakakainis.

"What can you say about God's and Goddesses do you believe in them?"

Napangisi ako ng hilaw at dahan-dahang tumayo, ramdam ko ang nanunusok na tingin ng mga kaklase ko parang naririnig ko na nga ang nasa utak nila 'bida-bida' di naman to graded na oral kasi out of nowhere lang naman to na tanong hmpp.

"Ms. Valor" I snap out into reality.

"uhm... I don't believe in God's and Goddesses po" uupo na sana ako

"And why is that Ms. Valor" yung pwet ko nakalutang sa ere para akong tumatae. Kaya tumayo ulit ako at napangisi ng hilaw bat ko ba kasi naisip na umupo agad may pa follow up question pa si Prof. ehh.

'kasi po gusto ko lang' charought syempre nasa utak ko lang yun baka bulyawan pa ako nito na 'flat 5 ka Ms. Elira Valor!!' agoyy marami pakong pangarap sa buhay.

"Because...science focuses on empirical evidence and the natural world, it does not provide a definitive answer on the existence or non-existence of deities. Science deals with observable phenomena and seeks to explain the natural world through experimentation and evidence-based reasoning." confident kong sagot.

"okay, you may sit Ms. Valor" I smiled at her, I can feel the intense glare at my back hayystt grabe talaga sila.

"Belief in God and Goddesses is a personal choice, and people may have different reasons for their beliefs or lack thereof. These myths often involve god, goddesses, heroes, and supernatural beings, and they serve various purposes, such as explaining natural phenomena, teaching moral lessons, and providing a sense of cultural identity..."

'tama ma'am'

'I strongly agree prof.'

'yung iba kasi diyan bida-bida'

Rinig kong side comment nila sa discussion ni prof. Bago pa nga lang sinabi na 'personal choice' naman di na nakikinig, napasimangot ako.

"Additionally, the study of mythology can offer psychological insights into the human condition, the nature of storytelling, and the ways in which cultural narratives shape our beliefs, values, and behaviors..."

It make sense now kaya pala.

Nililigpit ko ang mga gamit ko ng tumunog ang aking cellphone, its lunch time kaya pupunta sana ako usual place na tinatambayan namin ng bestfriend kong maganda. May nag text.

'let's lunch together, nasa labas ako ng room niyo'

-Yusuf

Kaya pala kanina pa sila nagkakagulo dyan sa labas. Binilisan ko kilos ko ayaw pa naman non pinaghihintay ng sobra.

'oemji ako ba ang hinihintay niya'

'ang pogi parang isang Gods of Olympus'

Nilagpasan ko yung mga ilusyonadang mga kaklase ko at dumiritso sa taong kanina pa nila pinag p-pyestahan. He smiled when he saw me.

"Yusuf, kanina kapa naghihintay?"

"Naah, lets go?"

"Eh kasi Yusuf"

"Don't tell me Era t-tanggi ka na naman."

"Nagbaon kasi ako tsaka sabay kami ni Aria baka magtampo siya, para iwas na din sa issue hehe" pagdadahilan ko sa kanya

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako tsaka tinitigan niya ako, he has a deep set of brown eyes na kaya kang lunorin he has this fair skin, broad shoulder and strong muscles, I can't help but to compliment him ang pogi.

This is one of the reason bakit ako kinaiinisan ng mga kababaehan, Yusuf is a campus crush, ubod ng yaman, matalino, varsity player, and of course sobrang gwapo niya, bakit daw sakin nagkagusto si Yusuf eh mahirap lang naman daw ako walang ka class-class, simple lang walang panama ang isang katulad ko sa stado niya, napatanong din ako niyan, bakit kaya?

Scholar ako sa skwelahan na to na syempre pinagmamay-arian ng pamilya ni Yusuf, nakapasa ako ng scholarship nong nag take ako and that time siya ang nakatoka na magbantay sa mag t-take ng exam for scholarship at don kami nagkilala, ilang taon na din niya akong nililigawan but I cant bring myself to enter a relationship kasi nga ang goal ko lang ay makapagtapos ng pag-aaral.

"Okay ihahatid kita, lead the way" he said it with serious tone kaya medyo napalunok ako, kahit boses makalaglag panty, napahagikhik ako sa isip ko.

Pagdating namin doon naghihintay na ang best friend kong maganda.

"Besty ang tagal mo nagugutom na ako" sabi niya na naiirita, ng mapalingon siya sa likod ko.

"Hi Yusuf" Yusuf simply nods at him, opo bakla ang besty ko.

"I'll just get some food and join you here, is it okay?" bago pako makasagot inunahan nako ng malandi kong bespren.

"Oh sure Yusuf!"

"I'll be right back" kausap niya sakin, nang makalakad na siya binatukan ako ng bespren kong maganda.

"Hoy gaga ano yun? Kaya pala ang tagal mong gaga ka nakikipaglandian ka lang pala" she rolled her eyes on me.

"Woyy hindi ah, inaya nga ko non ng lunch tumanggi ako madaming ma issue"

"Asus, halata namang gusto mo siya bat ayaw mong sagotin?"

"I have my reason" siya

"I have my reason" ako, kopyang-kopya niya talaga mga sinasabi ko.

"Asus talaga tong babaetang to"

Naging mag bestfriend kami ni Aria since first year college naging magkaklase kasi kami at siya din unang nag approach sakin since allergic ang mga mayayaman sa mahihirap na kagaya ko, mayaman din naman si Aria pero sadyang friendly lang talaga siya at ayaw niya daw sa maarte na mayaman na akala mo naman daw sino sabi pa niya. Ngayon lang kami nagkahiwalay ng block ng mag third year na.

Panay chika kami, nong dumating si Yusuf kumain na din kami he even bought us lunch how thoughtful of him kahit naman may baon kami, nagbabaon na din si Aria kasi alam niyang nagtitipid ako kaya sinasamahan niya ako.


vote and comment is much appreciated.

live, laugh, love, follow ms_evvvaaa




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Demons Embrace: The AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon