Chapter 4

5 1 0
                                    

Natawa ako sa ibinalita nya, minsan talaga kahit hindi nakakatawa ay matatawa ka nalang sa mga biro nya. Tumigil ako sa pagtawa nang mapansin kong nakatingin lang sya sa akin at nakakunot ang noo, 'wag mo sabihing...

"S-seryoso ba?" mahinang tanong ko upang kumpirmahin ang kanyang sinabi, napatango naman sya. "Hindi maaari!"

"Mabuti na lamang ay narinig ko ang usapan nila" sambit ni Aiva, ipinagbabawal ang makinig sa mga usapan lalo na kung kasama rito ang Hari ngunit kailangan namin ng impormasyon kaya't palalampasin ko muna iyon.

"Ano ang kanilang pinag-usapan?" agad na tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa aking kama.

"Si Tristan ay anak ni Maestro Isko." panimula nya, ni minsan ay hindi sumagi sa aking isip kung sino ang kanyang anak, hindi rin naman nya ito naike-kwento sa akin "Nais nyang pumunta si Tristan sa Palasyo tuwing Viersen (Byernes) pagkatapos ng inyong pagsasanay, siya ang maghahatid ng mga librong dapat mong aralin"

"Hindi ba't kaya namang buhatin ni Maestro Isko ang mga iyon?" tanong ko sa kanya.

"Marahil ay nararamdaman na ng Maestro ang katandaan at rumurupok na ang kanyang mga buto kaya naisip nyang utusan ang kanyang anak" napatango ako, may punto si Aiva.

Biglang pumasok sa aking isipan ang pinaplano ni Tristan at sana'y mali ang iniisip ko na kasabwat si Maestro Isko upang maging tagumpay ang plano nito. Alam kaya nya ang plano ng kanyang anak para sa akin?

"Huwag kang mag-alala, isa sa kondisyon ng Hari ay hindi sya maaaring pumasok sa kwarto mo at sa kwarto ng Reyna at Hari. Hindi rin sya maaaring magtagal sa Palasyo dahil ang tanging gagawin nya lang naman ay ilapag ang mga libro sa lamesang nakahanda sa Zalea (sala)" muling sambit ni Aiva nang makita nya ang pag-aalala sa aking mukha. "Dumito ka muna, aking titignan kung nakaalis na ang mag-ama"

"Maraming salamat, Aiva" bigkas ko bago sya lumabas ng pinto na sinuklian nya lang ng isang ngiti.

Napahiga ako sa aking kama pagkasara nya ng pinto, pinagmasdan ko na lamang ang kisame ng aking kwarto na napupuno ng mga bituin na aking iginuhit noong ako'y labing-syam na gulang. Ang dami kong gustong isipin ngunit hindi ko naman alam kung ano ang aking uunahin.

Nakatulog ako sa paghihintay kay Aiva at nagising na lamang na marinig ko ang katok mula sa kanya, "Mahal na Prinsesa" tawag nya sa akin habang patuloy ang pagkatok nang marahan.

"Bukas iyan, pumasok ka nalang" natigil naman ang kanyang pagkatok at pumasok sa aking kwarto, "Anong nangyari?"

"Umalis na sila kanina pa, hindi na kita nabalikang muli dahil sa dami ng inutos ni Tiya Cori. Handa na rin ang hapunan." sagot nya sa akin. Napabuntong-hininga ako at mukhang napansin nya iyon. "May problema ba?"

Sa totoo lang, nalilito na rin ako kung sino ang aking pagkakatiwalaan. Noong una ay ang kaibigan ni Aiva na si Solomon na kaibigan ni Tristan, posible kayang may alam si Aiva?

Pangalawa ay si Maestro Isko, anak nya pala ang taong may planong paslangin ako. Lahat sila ay may pagkaka-ugnayan kay Tristan at sa akin, lahat ba ng ito ay planado na sa umpisa pa lang?

Napailing ako sa aking iniisip, hindi ko dapat sila pinag-iisipan ng mga ganon. Hindi masisira ang tiwala ko kay Aiva at Maestro Isko.

"Ayos ka lang ba?" alalang tanong ni Aiva na nakapagpabalik sa akin sa katinuan, niyapos nya ang marahan ang aking leeg upang malaman kung ako'y may lagnat, "Wala ka namang lagnat"

Ngumiti ako sa kanya, "Ang Hari at Reyna ba ay kumain na?" pag-iiba ko ng usapan. Hindi kami nagsasabay-sabay kumain, madalas ang Reyna ay nagpapahatid na lamang ng pagkain sa kwarto nya dahil ayaw nyang makita ang Hari. Samantalang ang Hari naman ay pinipiling kumain sa hapag-kainan, ayaw nya ring sabayan ko sya sa pag-kain kaya kumakain na lamang ako kapag tapos na sya.

SERENADE OF VENGEANCE [ SB19 KEN SUSON FANFICTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon