Chapter 13

8 0 0
                                    

Gumising akong ramdam ang halik ng sikat ng araw sa aking pisngi. Nang imulat ko ang aking mga mata ay napatitig ako sa kisame, ibang-iba ang disenyo nito kumpara sa kisameng aking kinagisnan.

May mga naririnig akong ingay sa baba kaya bumaba na agad ako, at sa aking pagbaba ay naka-abang na agad si Flor sa baba ng hagdanan.

"Maligamgam na tubig para kay Saraya na umiibig" napakunot ako ng noo sa kanyang iwinika, ano raw?

"Hindi ba't sinabi kong hindi niyo na ako kailangang pagsilbi—"

"Inabutan lang kita ng tubig at hindi mo talaga itinanggi na ikaw ay nga ay umiibig" kinuha ko nalang ang baso na inaabot niya dahil mukha siyang batang nagmamaktol at 'di pinansin ang ulit niyang pang-aasar.

Si Aiva ay talagang gagawin ang mga sinabi niya kagabing pipinturahan ang aming tahanan. Nakita ko naman sa sulok ng sala ang mga bulaklak na malamang ay galing kay Flor.

"Kalimbahin ang nais kong kulay sa aking silid!" sambit ko habang abala siya sa pagpipintura.

"Punuin mo muna ng mga bata itong bahay" sagot nya sa akin dahilan para mapairap ako.

At dahil abala sila sa pagpapaganda ng aming tahanan ay ako nalang ang magluluto para sa aming agahan. Hinanda ko na ang aking bayong at ang aking listahan ng mga bibilhin.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Aiva nang makita akong kalalabas lang ng pinto.

"Gagawa ng bata" sagot ko nang nakangiti, babatuhin niya na sana ako ng kanyang bakya ngunit agad akong kumaripas ng takbo.

Sariwang amoy ng mga karne at isda ang bumungad sa akin sa pamilihan, sariwang-sariwa rin ang gulay base sa matitingkad nitong kulay.

Napahinto ako sa bilihan ng mga karne at manok, nagdadalawang-isip kung ano ang iluluto ko. Habang ako'y nag-iisip, hinarap ako ng tindero na kanina'y abala sa paglilinis ng kaniyang paligid.

Wala siyang damit pang-itaas kaya't makikita mo ang hubog ng kaniyang katawan, nagmimistulang mga tinapay ang mga bato sa kaniyang tyan. Wala akong nakikitang ganito sa Lantinar.

"Ano po ang inyong nais, Binibini?"

"Masarap ba 'yang pangsahog sa munggo?" bigkas ko nang hindi namamalayan habang nakatitig sa kanyang katawan.

"Alin ho ba?" tanong niyang muli dahilan upang magising nang tuluyan ang aking diwa. Nasisiraan ka ng ulo, Saraya!

"Ang ibig kong sabihin, alin ba ang mas masarap ihalo sa munggo? Ang manok o ang baboy?"

"Pareho namang masarap ihalo sa munggo ngunit kung ako ang papipiliin, baboy ang siyang mas malinamnam" ani niya, napatango naman ako dahil may punto siya. Nakakasawa na rin ang puro manok.

"Sige, bigyan mo ako ng dalawang kilo" sambit ko nang may malaking ngiti. Sinimulan niya ang paghiwa sa baboy na aking bibilhin, habang ginagawa niya yon ay inilibot ko muna ang aking mga mata sa paligid upang panoorin ang ginagawa ng ibang tao hanggang sa isang bata ang pumukaw ng aking atensyon.

"Kuya Ignacio, may paparating pa raw po na sariwang baboy mula sa Kalibo, asikasuhin mo raw sabi ni inay tsaka yung— ATE SARAYA!" pagtawag niya sa akin nang makita niya akong nakatingin sa kaniya. Agad naman siyang lumapit at niyakap ang aking baywang, "Sabi ko na nga ba babalik ka eh, ayaw maniwala sa akin nina Lucio"

"Hindi ko rin talaga alam kung makakabalik pa ako pero ang mahalaga ay andito na uli ako" bigkas ko sabay pisil sa kaniyang ilong, "Nasaan sina Mutya?"

"Nasa bahay-puno po sila, naglalaro" sagot niya sa akin sabay tingin sa lalaki na mukhang kuya niya? "Ah, ate Saraya, siya po ang aking kuya, Ignacio po ang pangalan niya"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SERENADE OF VENGEANCE [ SB19 KEN SUSON FANFICTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon