Chapter FOURTEEN

6.1K 136 48
                                    

This Story is Narrated by Ruz. Ang nakikita niya, pinagdadaanan, pati ang nararamdaman lang niya ang mababasa dito... oh well dahil kwento niya naman to.

Enjoy!

***************CHAPTER FOURTEEN***********



"Nakilala ko kasi siya noong panahon na galit na galit ka sa akin. Sobrang mahal na mahal ko siya pero sinaktan ko siya. Iniwan ko siya ng basta basta, at ang pinaka pinagsisihan ko ay pinangakuan ko siya ng kasal pero hindi ko tinupad." Sabi niya.

Hindi ko akalaing may ganitong kwento si Rojan.

"Ganoon ba, Sino naman yang babaeng sinasabi mo?" tanong ko.

"Ang pangalan niya ay.."

"Honey, may tawag ka sa phone."

Hindi naituloy ni Rojan ang sasabihin niya nang biglang sumingit ang asawa niya.

"Ahh saglit lang ha Ruz."

"Mauna na rin ako. May susunduin pa ako sa ospital." Paalam ko sa kanya.

"Magkikita pa naman tayo diba?"

"Oo. Siguro. Sige aalis na ako." Hindi na ako nagpahatid pa sa kanya palabas ng bahay nila. Sumakay na ako ng kotse at nagmaneho papuntang Ospital.

*************

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko kay Aya pagkadating ko sa ospital.

"Ayoko sanang iwan si Ate dito pero ayaw niya ring bantayan ko siya magdamag. Pwede ba tayong bumalik dito bukas?"

"Oo naman. Para sa ate mo."

"Salamat."

Iniwan na namin ang kapatid niyang mahimbig ang tulog. Nangako naman ang mga nurse na sila muna ang magaasikaso at magbabantay sa kapatid ni Aya.

Habang nasa daan kami ay hindi ko maiwasang isipin kung paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari kagabi sa amin ni Claudette. Kailangan ko pa bang sabihin sa kanya? 'Yung tungkol sa amin ni Sheena dati, matatanggap niya rin kaya 'yon?

"Aya.."

"Hmm."

"Ah..w..wala. itatanong ko lang sana kung...kung..ayos ka lang?'

"Oo naman. Hinayaan ako ni Ate na magbantay sa kanya kaya ayos na ako. Akala ko nga kanina, ipagtatabuyan niya ulit ako."

"Alam mo ba nagkita kami ni Rojan kanina." sabi ko. Hindi pa kayang sabihin sa kanya ang nagawa ko. Hindi sa ngayon.

"Talaga?" Lumingon siya sa akin at namamanghang tumitig sa akin.

"Oo. Nag usap kami. Nakakamiss din pala siya."

"Malamang, kapatid mo siya. kahit na anong gawin mo, pagbalikbaliktarin mo man ang mundo, kapatid mo siya." Tumango tango naman ako sa sinabi niya. tama naman.

"Ihahatid ba kita sa inyo? hindi ba pwedeng doon ka na lang matulog sa bahay?" sabi ko. Gusto ko kasi siyang maksama. Parang miss na miss ko siya na hindi ko maintindihan.

" Hindi ka sumama sa Assembly kaya dapat bumawi ka sa akinngayon, at saka sinamahan kita sa ate mo." dagdag ko pa.

Tumingin ako sa gawi niya at salubong na salubong ang kilay niya habang nakatingin sakin."Nanunumbat ka na ba ha?" mataray na sabi niya.

"Hoy, hindi naman. kinokonsensya lang kita. Sige na kasi pumayag ka na." Pamimilit ko.

"Sige na nga."

Lust Over Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon