Chapter TWENTY

14.1K 250 63
                                    

 HANDA NA BA KAYO?

'Cause This is it pansit!



***********CHAPTER TWENTY*********


Ilang araw pagkabalik ko sa Singapore, pansin ko ang pag iwas sa akin ni Claudette. Madalang kung kausapin niya ako. Kapag tinatanong ko siya kung may problema ang isasagot niya sa akin ay wala.

Wala na rin kaming koneksyon ni Aya. Hindi na kami nag uusap. Minsan gusto ko siyang tawagan, pero pinipigilan ko ang sarili ko sa tuwing iisipin ko ang naging huli naming pagkikita.

Ang pagbalik niya ng singsing ay patunay ng pamamaalam niya. Ang hindi na niya pagtawag ay nangangahulugan na tinatapos na niya ang koneksyon naming dalawa.

Hinalikan ko sa noo ang natutulog na si Maureen bago ako bumaba sa sala. Naabutan ko naman si Claudette doon nan aka upo at may binabasa. Hindi na niya ako kinaki usap masyado. Gusto kong ayusin kung may problem aba kami.

Abala siya sa ginagawa niya kaya hindi niya napansin ang presensya ko. Tumikhim ako para mapansin niya. Tumingin naman siya agad sa akin kaya ngumiti ako. Mabilis naman niyang inilagay sa loob ng isang brown na envelop ang papel na binabasa kanina. ANO KAYA IYON?

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. Pansin ko rin ang pangangayayat niya. Konti lang ang kinakain niya nitong mga nakaraang araw.

"May problama ba?" dagdag na tanong ko.

"Wala naman, Nag iisip lang ako."

"Nag iisip ng ano Claudette?"

"Ng tamang gawin. Ng dapat na gawin." Naguguluhan naman ako sa sagot niya.

"Ano? Hindi ko maintindihan."

"Honey, alam ko na nag uusap kayo ni Aya. Minsan naririnig ko ang pinag uusapan niyo kaya mas lalo ko lang napatunayan na siya pa rin ang mahal mo. Na siya lang ang mamahalin mo." Parang natuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Alam niya?

"C..Claudette.." wala akong maipapalusot sa kanya. Ayokong magsinungaling.

"Honey, sabihin mo nga sa akin, gusto kong malaman ang totoo, sinubukan mo rin akong mahalin kahit konti lang?"sabi niya.

"Oo. Oo naman. Minahal rin kita Claudette. Isa ka sa pinaka mabuting taong nakilala ko. Hindi ka mahirap mahalin." Sagot ko.

"Talaga? Mabuti. Masaya akong malaman na kahit papaano minahal mo rin ako. Na sinubukan mo rin. Pero alam ko naman na kahit ako ang pinili mo, kahit kelan hindi ako ang pipiliin ng puso mo."

Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito. Alam kong tama ang sinabi niya, pero asawa ko siya at ayoko siyang saktan. Pero kung magsisinungaling ako mas masasaktan ko siya. Minahal ko siya ng totoo, pero hindi iyon katulad ng nararamdaman ko para kay Aya.

"Ilang beses kong pinag isipan ito Honey." Sabi niya saka siya tumayo at naglakad palapit sa akin. Inabot niya ang envelop na hawak niya. "Pinirmahan ko na iyan."

Nagtataka ako kung ano iyon. Binuksan ko yon at gan'on na lang ang gulat ko ng makitang divorce paper ang laman noon.

"Pinapalaya na kita Ruz.."

***********

************

************

Hindi perpekto ang buhay na meron ako. Dumaan ako sa maraming problema...maraming pagsubok. Naging mabibigat ang desisyon ko sa buhay. Marami akong nagging pagkakamali. Pero may isang taong inintindi ako. Isang taong handa akong patawarin kahit gaano kabigat ang nagging kasalanan ko. Isang taong hindi ko naisip na mamahalin ko ng ganito.

Lust Over Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon