Chapter 13

36 2 1
                                    

Kenneth's POV


Nakakainit ng ulo ang babaeng yun kala mo kung sinong maganda eh mas maganda pa nga aso namin non eh. Dahil sa inis ko ayun iniwan ko sa bakanteng room susunod naman siguro yun. Ngayon lang ako nakakita ng nerd na ang lakas ng loob at ang tapang sumagot, karamihan kasi sa mga nerd pag-inaaway iiyak tapos magiging kawawa pero siya ibang-iba. Siya lang ang nagkakalakas loob na sumagot-sagot sa akin.


Nang makapasok na ako sa room nagtatawanan ang mga ugok kung kaibigan ng mapansin ni Miko na nakapasok na pala ako sa room. Pumunta na ako sa mga ugok kung kaibigan ng bigla silang natahimik bigla.


"O bat kayo natahimik dyan? Ngayon lang ba kayo nakakita ng gwapo?" sabi ko ang mga ugok naman walang imik. Nagtitinginan lang sila. Ano pang problema na mga to.


"Ah Ken musta date niyo ni Ms. Nerd?" sabi ni Kyle

" Okay ba?" sabi naman ni Nathanel

"Success ba? Ano kayo na?" sabi naman ni Miko.


Ano bang pinagsasabi ng mga to. Tsaka anong date ni Ms. Nerd. Ano na naman kaya ang pumasok sa mga utak nito. Ano-ano na lang ang pinagsasabi.


"Hoy! Anong pinagsasabi niyo? Anong date-date mga sinasabi niyo mag loko kayo ako makikipagdate dun sa nerd nayon? Mga kaibigan ko ba talaga kayo sa tagal-tagal nating pagsasama hindi niyo parin alam ang taste ko?" Sabi ano-ano na lang ang mga sinasabi nitong mga kaibigan ko.


"Akala namin nagdadate na kayo eh" Sabi ni Kyle.

"Eh kasi magkasama kayong lumabas tapos hinawakan mo pa ang kamay kanina ng lumabas kayo ang sweet nga eh" Sabi naman ni Miko. Hay nako ang baba talaga ng critical thinking ng mga kaibigan ko.


"Good Morning class"

Andyan na pala si Ma'am. Sana hindi na lang pumasok si ma'am boring kasi pag may klase eh. Habang nag didiscuss si ma'am kinuha ko naman ang notebook ko at nag drawing ng ano-ano. Hindi ko talaga hilig makinig pag may nagdidiscuss sa harapa maliban kung chix yung teacher.


"That's all for today class. I'll see you all tomorrow"


Tapos na pala si ma'am hindi ko man lang namalayan. Bilis ng oras ha. Ang mga ugok kung kaibigan ayun nagkukulitan na naman maliban kay Edridge. Milagro na lang kung magsasalita yan, tahimik kasi niyan. Habang nagkukulitan sila nabaling ang tingin ko sa upuan ni nerd. Bakit bakante wala ap rin siya? Ahh baka nag ditch ng class baka natakot sa akin kanina. Hahahaha akala mo kung sinong matapang duwag na man pala. May mga chix pala kaming kaklase. OH HOT MAMAAH! *__*


"Hindi pa ba bumabalik si Lex?

"Hindi pa eh. Asan na kaya yung babaeng yun?"

"Hindi ko naman ma text nasa bag kasi niya ang phone niya eh"

"Tignan mo nga ang bag niya kung nandyan yun wallet niya. Hindi naman siguro yun magdiditch ng class sabi kasi nila running for valedictorian yun alangan naman na mag ditch yun"

"Nandito yung wallet niya Steph. Asan na kaya yun?"


Narinig ko sa mga nag-uusap usap na grupo ng mga babae, sila yung chix na classmate namin eh. Nah bahala siya kung nasan man siya. Takot lang yun bumalik dito dahil sa mga sinabi niya sa'min.


"Announcement to all student's please don't enter the empty room on the 3rd floor because its under construction because the lock is broken. Thank you."


Pakshit! Andon si nerd eh. Ng may biglang sumigaw sa may pinto namin.


"May nalock daw dun sa room dito sa floor natin yung hindi pinapasukan, hindi mabuksan yung pinto!" Sabi nong nag announce dito sa room.

"Sino na man kay ang tatanga na pumasok don. Nag announce na nga ang principal na bawal pumasok don kasi under construction pumasok pa talaga siya" Sabi Eldridge. Wow nagsalita milagro pero hindi ito ang dapat isipin ko ngayon.


"Fvck!!" Sabi ko saka tumayo at pumunta don sa bakanteng room na pinuntahan namin kanina.

"Hoy bro san pumunta mo?" Sigaw ni Kyle. Hindi ko na siya pinansin at pumunta na don sa room na nakakulong si nerd. Ng nakarating na ako fvck ang daming tao, meron na ding utility members at faculty teachers. Hindi parin nila nabubuksan ang pinto. Tumakbo na ako sa harap at kinuha ko kay manong ang bakal na ginagamit niya para mabuksan ang pinto. Tatlong hampas ko lang ng bakal at nasira na ang lock. Ng mabuksan ko na ang pinto hindi ko nakita si nerd kaya hinanap ko siya at ankita ko siyang nakahilata sa simento. Nilapitan ko agad siya shit ang putla niya.


"Shit!!"









Comment, Vote and spread the L O V E :))







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Nerd BaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon