Chapter 5

37 5 0
                                    

Alexa's POV

Hay! Nakahinga na ako ng maluwag ng nakita kung papalabas na si Kenneth. Kinabahan talaga ako don. Halos malaglag na ang puso ko sa sobrang kaba pati kamay ko pinagpapawisan.

Nang lalabas na sana ako ng music room, nakito ko si Kenneth na may kausap na babae. Hindi ko masyadong narinig ang pinag-uusapan nila dahil medyo malayo-layo ako sa kanila, pero parang sinabi ni Kenneth na pangit ang babae pero di ako sure ha? 

Tapos ayon sapol si flappy bird! Sinampal ng babae si Kenneth! Aroy ang sakit non! Tapos kumaripas na ng takbo ang babae habang umiiyak. Nako kawawa naman siya =( Wala talagang awa tong Kenneth nato dapat sa kanya bitayin na! Ang dami na niyang pinaiyak na babae! Ewan ko nga sa mga babae diyan bat habol ng habol diyan kay Kenneth eh ang sama naman ng ugali niya! 

Teka anong oras naba? Tiningnan ko ang relo ko. Holy moly I'm 30 minutes late! Nako Lex lagot ka talaga! Ang terror pa naman ng teacher ko sa susunod kung subject. Halos hindi na ako makahinga dahil sa bilis ng takbo ko, at ng nakarating na ako sa room ko. Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahang pumasok para di mapansin ng teacher ko na late ako, ng may biglang sumigaw! Putakte naman oh! -_-

"Ma'am may late pong dumating!" Ay litsi nga naman! Tiningnan ko kung sino ang sumigaw. Biglang nag init ang ulo ko. Eh si Kenneth Cruz lang naman ang sumigaw na late ako! Kung hindi sana siya sumigaw hindi sana malalaman ng teacher namin na late ako! Bwisit na buhay to oh! Humanda ka talaga sa'kin Kenneth Cruz ka!! 

"Ma'am I'm real--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bulyawan ako ng teacher namin.

"Ms. Alvarez to the detention room now!" Nako po lagot na. First day of class late na nga, na detention pa =( 

"Miss late din naman si Mr. Cruz kasunod niya lang akong dumating" sabi ko, akala mo ha! Tse! I'm maybe nerd pero hinding-hindi ako magpapatalo.

"Oh i see, ngayon ko lang napansin. Mr.Cruz to the detention room also!"

"Pero ma'am--" Sabi ni Kenneth. Hindi na niya natapos ang sasabihin niya, binulyawan kasi siya ni Ma'am. Buti nga sa kanya! Hahaha akala niya ha! 

"NOW!!" Sigaw ni Ma'am. Hindi talaga ako pwede madetention, lagot talaga ako nito. Baka pwede paki usapan si Ma'am try ko nga.

"Ma'am baka--"

"To the detention room now!! No more excuses!" Nako naman =(

Habang papunta ako sa detention room nakasunod naman si Kenneth at ang sama ng tingin niya sa'kin. Tse! Bahala siya, kung di ba naman siya nag sumbong na late ako, edi sana di ako ma dedetain. Kung di ako na detain, eh hindi ko rin siya sinumbong na late siya, eh hindi rin sana siya na detain! Quits lang kami! Bahala siya sa buhay niya! Sobrang kinakabahan na talaga ako baka kasi malaman ito ni mommy. Nako pag ito nalaman ni mommy, lagot talaga ako lalo na hindi valid ang reason ko! Nako ano ba namang kamalasan ang dumapo sa'kin ngayon =(

Ako ang unang pumasok sa detention room. Parang nagulat ang nakabantay dito kasi first time in the history to. Nako makakaapekto kaya to sa pagiging Valedictorian ko? Sapol naman ako kay mommy nito.

"Oh! Miss Alvarez, anong nangyari at na detention ka?" tanong ni ma'am. Kilala na nila ako dahil isa nga akong teacher's pet diba. -_-

"Nalate po kasi ako ng 30 minutes Ma'am" =(

"Nako first time mo to ha! Malaking no no no nato sa pagiging Valedictorian mo" Sabi niya. Nako sana wag naman. Napabuntong hininga na lang ako.

"Miss Alvarez you'll be staying here for 1 hour so that I could give you a detention slip" Sabi ni Ma'am. Nako ang tagal non. =(

"Ok ma'am"

Pagpasok ko meron akong nadatnan na natutulog, yung iba nag susulat ang iba naman naglalaro. Hay nako kailan pa ako naging  isa sa kanila?

"Malamang ngayon lang Lex" sabi ng utak ko. Ano na bang nangyayari sa'kin nerd na nga magiging weird pa -_-

Nang biglang bumukas ng malakas ang pintuan kaya napatingin kaming lahat kung sino ang pumasok. Nakakatawa ang mukha niya ngayon sobrang epic fail. Ang sama ng tingin niya sa'kin. Pwes hindi ako natatakot sa kanya!

"Ikaw pangit na  babae ka!" Sabi ni Kenneth at tinuro ako.

"Wow kung makapanglait akala mo kung sinong guwapo!" Sabi ko naman

"Umayos ka kung ayaw mong masaktan. Bakit mo ako sinumbong ni ma'am!?" Tanong niya! Eh may mental disorder ba tong lalaking to?

"Sino ba satin ang unong pumutak at nag sabi ni Ma'am na may late!? Diba ikaw!? Unfair naman pag ako lang ang madedetain, eh dalawa tayong late! Quits lang tayo!" Sabi ko. Kailan pa ako naging ganito katapang at kadaldal!? Nagiging war freak na rin ako ha!

"Eh sa late ka naman talaga!" Sabi niya. Ewan ko pero parang nag-iinit na talaga ako sa kanya!

"Bakit ikaw hindi!? Wow kapal din naman ng mukha mo noh!?"

"ALEXA ZOE ALVAREZ! THIS WAR! You better prepare yourself!" Sabi niya. Pa-a-ano niya nalaman ang pangalan ko!? Pero ano daw THIS IS WAR!?

Oh oooh wrong move Lex!!!

I HATE WAR!!   

A/N: Please Vote =) 

Thank you sa mga bumabasa :)

My Nerd BaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon