Sat, 6 Jan 2024 // 11:35p.m.
Alam ko God napakadami kong nilista na mga plano this year pero ni isa hindi ko naitanong anong plano mo sa akin this year?
Bawat plano ko ba ay nakaaalign sa plano mo? Hahayaan ko ba na kapag may answered prayer lang tsaka ko malalaman kung nakaalign ang puso at desire nito sa will mo?
Panginoon, masyado nga siguro akong naging selfish at hindi ko naiconsult kung ano nga ba ang gusto mo sa buhay ko ngayon 2024. Ano nga ba yung plano mo sa akin this year?
Sa career, sa ministry, sa church, sa lovelife, sa pamilya at sa mga kaibigan? Saan ka nga ba doon? Puro nga ba plano ko lang? Ikaw nga ba ang nauuna o ako?
Lord patawarin mo ako kung sa umpisa pa lang ng taon, oo, ikaw inuna ko pero hindi ikaw ang tinawag ko para tanungin pagdating sa pagpapatakbo ng buhay ko.
Ngayon nagising at natauhan na ako, ayusin mo ito God. Bawat plano na meron ako ay ilinya mo sa plano mo, at bawat plano mo ay itanim mo sa puso ko ng maipanalangin ko.
Bigyan mo ako ng malinaw na pagkakaintindi sa gusto mong gawin ko ngayon taon. Malinaw na daan at patutunguhan ng buhay ko.
Makita ko ano ang gusto at plano mo sa akin this year, at alisin mo yung mga desire na hindi makakabuti sa akin this year. Kung may mga desire na maagang naidesire hayaan mo na sa tamang timing mo ito sagutin.
Panalangin ko din na bigyan mo ako ng confirmation sa bawat panalangin ko pero tulungan mo ako ifilter lahat ng makikita, mababasa at maririnig ko. Hayaan mo na ano man sabihin ng mundo, tao o paligid ay sayo at sa salita mo lang ako mag focus.
Lord, manguna ka muli. Ikaw na ang bahala sa akin.