// PAGSUKO //

23 1 0
                                    

This scene are not suitable for very young audiences. PARENTAL GUIDANCE is advised.
________________________
•102312•

Bata pa lang ako mataas na ang pangarap ko. Lumaki kasi ako sa isang mahirap na pamilya. At masasabi ko rin na hindi ito... Masaya.

Nakakapagtaka ba? (?_?)

Nasa hustong edad na ako, ngunit kung tutuusin, tila ba yata hindi pa ako handang harapin ang mga pagsubok sa aking buhay. Kahit pa nga noon pa man ay hindi na kaaya-aya ang nangyayari sa buhay ko.

Mistulang trahedya o kung di rin naman ay bangungot ang araw-araw na pakikisalamuha ko sa mga taong inaakala ko at siyang marapat naman talagang maging unang-unang magpo-protekta sa akin.

Ngunit hindi...

"Hindi ka na mag-aaral. Wala na tayong pera. Wala na kaming maipantutustos sa pag-aaral mo."

Hindi na lamang ako umimik sa tinuran ng aking ina. Si Claudia. Alam ko naman na wala rin patutunguhan. At kahit pa naisin kong magtrabaho, hindi sumang-ayon ang aking ama na si Pilo.

Tanyag si papa sa aming nayon. Noon kasi ay may kaya kami. Kami pa lang ng ate ko na si Francisca ang anak nila. Hanggang sa unti-unti kaming naghirap. Umuwi kami sa nayon na ito, sa pag-iisip ng mga tao na "mayaman" kami. Pero kung tutuusin? Wala naman talaga kaming karangyaan na maipangangalandakan sa aming mga ka-nayon.

Sapat lamang sa pang-araw-araw na gastusin ang kinikita sa aming talyer sa bayan. Ito ang bumubuhay sa amin sa ngayon.

"Pilo, kailangan ko narin magtrabaho. Anong gusto mong patunguhan ng buhay ng mga anak natin? Lumaking mangmang? Walang natapos?"

"Hindi ka magta-trabaho! At isa pa, hayaan mo ng nakatapos sila ng highschool! Kung gusto nila na mag-kolehiyo, magtrabaho sila! Aba! Tapos na ang obligasyon ko sa kanila!"

Nakakatawang mapakinggan mula sa sarili kong magulang. Kuntento na pala sila ngayon sa tinatawag nilang "PANGARAP" nila para sa aming magkakapatid.

NAKAKATAWA!

Hindi pa iyan ang masakit. Sapagkat sa harap ng mga kumpadre ni papa, nag-iiba ang ihip ng hangin.

Naipagmamalaki niya ang nga karangyaan niyang nasusulat sa tubig.

"O! Ito na ba ang inaanak ko? Aba't dalaga na. Anong taon mo na sa kolehiyo ija?"

"Medisina ang kurso niyan pare. Alam mo naman ako. Gusto ko lumaki sila ng may mga sinasabi. Gaya natin--"

"Siguro matalino ka ija. Aba't kapag--"

Pinutol ko ang pagsasalita nila.

"Hindi na po ako nag-aaral. Excuse me lang po."

Gusto kong mapaluha sa mga sandaling iyon. Kung makapagmalaki siya ng kurso, ganoon na lamang.

Napatawa na lang ako ng pagak.

Hahahaha! Course? Aral? E, tengga lang naman ako dito sa bahay. Kabwiset! (╥_╥)
________________________

"Mga punyeta kayo! Wala kayong mga pakinabang! Mga palamunin! Mabuti pa na magsilayas na lang kayo dito!!"

Nagising ako aa maagang "talumpating" iyon ni Papa. Napa-"WOW!" na lang ako sa isip. Pati pala ako ay mapagbabalingan rin niya ng galit.

"Ikaw! Punyeta! Lumayas ka na lang rin dito!!"

Sa isip-isip ko...

Nag-aaral sana ako ngayon at wala sa impyernong pamamahay mo!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUHAY IN LOVE atbp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon